Napatingin kami lahat sa biglang sumabog, may dumating na nakakasinag sa mata. Unti unting nawala ang umiilaw na dala nito. Napanganga kami sa nakita namin.
Napatingin lang din siya saamin. Katulad din namin ay nabiglaan din siya.
"Charmaelaine is that you?" Tanong ni Rachel na napakamalditang kaibigan ni Monica.
Minamasdan namin siya. Grabe ang ganda niya. 'Yung balat niyang nasira biglang kuminis. Para siyang nag glow up sa look niya ngayon.
"Oh dumating na pala itong kanina niyo pa hinahanap." Sagot ni Sir Dean na parang naiiinis. Madami na din nag bubulongan.
Nakatitig pa din ako kay Charmaelaine na wala pading reaction hanggang ngayon.
"Sino ka?" Tanong ni Veronica sa harapan. Halata sa mukha nila ang pagkagulat.
"Jeff!?" Sigaw niya nang makita si Jeff na naka handusay sa sahig. Bigla siyang tumakbo patungo kay Jeff. Wala namang nakaawat sakaniya dahil lutang ang mga tao ngayon, Oo.
Dali dali niyang hinawakan si Jeff na dugoan at walang malay na nakahandusay sa sahig. "Anong ginawa niyo sakaniya!!!?" Naiiyak niyang sabi habang pinipilit na ginigising si Jeff.
"Mark? Ano? Wala ba kayong gagawin?" Naiiyak pa din niyang sabi. Tumayo siya at isa isa niyang nilapitan si Prince Mark, Sir Dean at iba pang nakakataas pati na din si Mama. Nagagalit siya kapag hindi siya sinasagot. Mas lalo siyang nagagalit dahil wala talagang nag tangkang mag salita.
"Arghhhhh!!!" Humarap siya sa Hari at Reyna ng Dark kingdom. "Anong ginawa ninyo!?" Nagulat kami kasi bigla siyang nagpalabas ng apoy sa kamay niya. Napaka dark nung apoy. Pati na din ang mga mata niya ay naging kulay apoy.
"Charmaelaine husto na." Pinigilan siya ni Prince Mark.
"Arrghhhhh!!!! Buhayin niyo yan!" Nagwawala na siya dala sa galit niya. Pinakawala niya ang apoy sa sahig.
Pinilit niyang pigilan ang sarili niya pero nang nakita niya ulit si Jeff ay nagulat kami ng biglang lumakas ang hangin."Sino ba kayo!?" Binato niya ng apoy ang kalaban.
"Ina!" Tumakbo ang anak ni Veronica sakaniyang kinaroonan. Nag bato ulit si Charmaelaine habang sumisigaw. Hindi na namin alam kung sino ang uunahin namin. Kung si Charmaelaine ba or ang mga kalaban. Baka kasi makapinsala siya ng malaking gulo.
"Tayo na umatras nalang tayo. Ang lakas niya!" Sigaw ni Kurt.
"Huwag---"
"Shut up!" Hindi pinatapos ni Charmaelaine ang sasabihin ng Hari nila dahil binato niya agad ulit ito ng apoy.
"Tara na!"
"Magbabalik kami tandaan--" Hindi na namin natapos marinig ang sinabi ni Veronica dahil bigla silang prinotektahan ng anak nilang si Kurt. Nagpakawala siya nang malaking shield na kulay itim at biglang na lang silang naglaho.
Tumakbo si Mama kay Charmaelaine tumakbo din ako palapit sakanila. 'Yung iba naman ay natakot kaya nagsitakbuhan. 'Yung iba nakiusyoso.
"Tita si Jeff please buhayin niyo." Naiiyak niyang sabi kay mama.
"Malalang tama nito baka patay na---"
"Ayyyy!!!!" Sigaw nila ng biglang nahimatay si Charmaelaine.
Charmaelaine pov,
Nagising ako sa pagkakasakit ng ulo ko. Unti unti akong bumangon na naka pikit at hinahawakan ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)
FantasyMay nawawalang isang prinsessa sa kaharian ng Wonderfull Kingdom. Nang dahil sa nangyaring kaguluhan ay nahiwalay siya sa kaharian at sa kanyang mga magulang. Napadpad siya sa mundo ng mga tao at isa lang ang kanyang kasama, ang kanyang Tita. Ano ka...