Charmaelaine's POV
"Yaaahhhh!!!" Sigaw nilang tatlo at pinagtulongan ang itim na kalaban.
Todo Ilag ang kalaban sakanilang tatlo at ang bilis niyang umilag. Na sugatan sa kamay ang kalaban dahil hindi niya napansin na bigla siyang inatake ni Jeff ng apoy. Tapos bigla siyang kinidlatan ni Prince Mark kaya napasigaw siya sa sakit.
"AAAAHHHHHH!!!!!" Habang tumatagal biglang na bosesan ko yung boses ng kalaban na kaaway nila. Bigla siyang umiyak. Tinitigan ko ang pagmumukha niya kasi unti-unting nawala ang mga itim at mapupula na naka balot sa kanyang katawan. Napalaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon.
"B-bianca?" Nanginginig kong sabi. Bigla siyang natumba kasi nanghihina na siya.
"C-charm t-tulongan m-mo a-ako." Nanghihinang sabi niya at itinaas niya ang palad niya saakin. "T-tulongan m-mo a-ako." Sabi ulit niya.
Hindi ko na mamalayan na pumatak na pala ang mga luha saaking mga mata. Unti unti akong lumapit sa kanya pero bigla akong hinawakan sa bisig ko. Tiningnan ko kung kaninong kamay iyon.
"Anong ginawagawa mo!?" Nagagalit na tanong niya saakin. "Ano! magpapadala kalang ba sa pinagsasabi niyan? Huh!?" Galit na namang sabi niya at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkahawak saakin.
"Jeff! Nasasaktan siya!" Sabi ni Prince Mark.
"Tumahimik ka nga! Anong gusto mong gawin ko? Hahayaan kolang -natin- siyang lumapit sa nagkukunwareng Bianca na yan!?" Galit na sabi ni Jeff. Napatigil naman si Prince Mark. Nilapitan ni Dell si Prince Mark.
"C-charm ple-please paki-usap tulongan mo ako." Umiiyak na sabi ni Bianca at naka taas pa ang mga kamay niya na nanghihingi ng tulong. "Tu-tulongan niyo a-ako. J-jeff akala ko ba magkaibigan tayo? Ba-bakit ayaw niyo akong tulongan?" Naiiyak na naman na sabi niya at humagolgol na siya sa pag-iiyak.
"T-tulongan ko siya!" Sigaw ko at pinilit na bawiin ang kamay ko sa mga bisig niya. "Bi-bitawan mo nga ako! Bianca's needs me!" Sigaw ko pa.
"H-hindi ba kayo na-naniniwala na ako i-ito?" Humagolgol na iyak ni Bianca.
"You shut the fuck up!?" Sigaw ni Jeff kaya napahagolgol ulit si Bianca.
"Bitawan mo nga ako!" Nangigigil na sigaw ko kay Jeff.
"Jeff bitawan mo siya." Malumanay ngunit maawtoridad na sabi ni Prince Mark.
Unti-unti akong binitawan ni Jeff.
Tumakbo agad ako papunta kay Bianca ngunit bigla akong napahinto kasi ang daming biglang sumulpot na kalaban. Apat sila. Pinalibutan nila si Bianca."Charm!" At biglang may yumakap saakin mula sa likuran ko.
"Wala kang kawala saamin." May nag salita isa sa kanila pero hindi namin alam kung sino sa apat na'yon. Tapos bigla naming narinig ang iyak ni Bianca. Hindi ko na alam kung anong kasunod na nangyari kasi biglang tinakpan yung mga mata ko. Inalis ko'yon pagmulat ng mata ko bigla akong napatigil kasi nawala na sila.
"Si Bianca nga talaga 'yon." Narinig kong sabi ni Prince Mark. Bigla akong napaiyak dahil sa nangyari. Iniharap ako ng taong nasa likod ko at agad niya akong yinakap ng napaka higpit.
"Shhh tahan na." Sabi ni Jeff saakin. "Aray!" Daing niya. Binigyan ko kasi siya ng suntok. Hindi ko alam kung malakas ba 'yon o hindi hinimas himas niya kasi yung braso niya tska may pa pikit pikit pa siyang nalalaman. Basta wala akong pakealam kong nasaktan ba siya. "Bakit mo ako sinuntok?" Nag tatakang tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)
FantasyMay nawawalang isang prinsessa sa kaharian ng Wonderfull Kingdom. Nang dahil sa nangyaring kaguluhan ay nahiwalay siya sa kaharian at sa kanyang mga magulang. Napadpad siya sa mundo ng mga tao at isa lang ang kanyang kasama, ang kanyang Tita. Ano ka...