SLOW UPDATE!!!
*BOGSH*
Bigla naman akong napaalarma kaya napabalikwas agad ako mula sa pagkakahiga.
May paa akong nakita sa lupa. Umakyat ang paningin ko sa kung sinong nilalang itong nag disturbo sa pagtulog ko!
"P-prince Mark? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Prince Mark.
"Hahaha baka ikaw yung tanongin ko? Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" Balik niya saakin sa tanong ko.
"Hmm...napadpad lang ako dito haha kakatakbo ko. Tapos nakita ko itong upuan at nagandahan ako sa paligid ...Maraming mga puno tapos ang sariwa ng simoy ng hangin at ang ganda gandang tingnan ng banda doon" Turo ko sa unahan."Ang daming mga bulaklak...mga makukulay na bulaklak" Dagdag ko pa.
Saunahan kasi nito ay pababa siya kaunti at makikita mo ang mga bulaklak na nandoon.
"Kaya napag isipan kong magpahinga muna dito" Dagdag ko pa at tiningnan siya.
"Hahaha mukhang hindi mo pa alam"Sabi niya.
"Ano na naman ang hindi ko nalalaman! Kunting kunti nalang ay sasabog na itong ulo ko kakaisip sa mga hindi ko pa alam....ay ewan!" Sabi ko.
"Okay....para hindi na 'yan sasabog yang ulo mo ay ke-kwentohan kita hanggat sa abot ng makakaya ko."Sabi niya saakin at tumabi saakin umupo.
"Sige sige maganda 'yan hehehe kasi yung si Jeff! Naku ewan ko! Magtatanong ako ng maayos! Hindi niya naman ako ke-kwentohan! Sabi niya kwentuhan niya daw ako habang nag iinsayo pero!!! Hayy naku naku nakuu!!! Nang gigil ako sakanya!!"Nangigigil na sabi ko.
"Hahaha hayaan mo nalang yun...so ano? Mag ke-kwento ba ako o magsasalita ka diyan tungkol sa kanya?" Natatawang tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)
FantasyMay nawawalang isang prinsessa sa kaharian ng Wonderfull Kingdom. Nang dahil sa nangyaring kaguluhan ay nahiwalay siya sa kaharian at sa kanyang mga magulang. Napadpad siya sa mundo ng mga tao at isa lang ang kanyang kasama, ang kanyang Tita. Ano ka...