Kurt Pov
"Hayaan niyong magkasakit 'yon don!" Sigaw ni Ama. Tiningnan ko siya. Galit na galit ang tingin niya saakin. Hindi nalang ako nakapagsalita. Galit na umalis si Ama. Tiningnan ako ni Ina at hinila niya ako papalayo sa mga tauhan namin.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Nagtatakang tanong saakin ni Ina.
"Ina, Kailangan ko po kasing ipatingin si Bea. Hindi siya kumikilos. Hindi naman namin alam kung anong nangyari sakanya kasi nakatalikod lang siya saamin." Paliwanag ko. Tinitigan ako ni Ina. "Bakit po?" Taka kong tanong.
"Anak, Sabihin mo saakin ang totoo. May gusto ka ba sa kanya?" Tanong niya saakin. Hindi ako nakasagot. "Tinatanong kita! May gusto ka ba sa nilalang na nangagaling sa Wonderful Kingdom!?" Galit na tanong ni Ina. Nag dadalawang isip ako kung sasagutan ko ba ang tanong niya. Yumuko nalang ako. Bumuntong hininga siya.
"Anak, hindi ka maaring magkagusto sa kanya. Pwede kang mag ka gusto saiba pero 'wag lang sa nilalang na nangagaling sa Wonderful. Alam mo naman diba na kalaban sila ng iyung Ama?" Sabi niya saakin. "Anak ko, Prinsipe ka naman. Walang kulang sa'yo. Hahayaan kitang mag mahal sa iba basta huwag lang 'yung mga tao na kalaban natin." Malumanay na sabi saakin ni Ina.
"Pero Ina, Iniibig ko po siya." Sabi ko. Nagtataka naman siya.
"Kailan pa?" Tanong niya saakin.
"Hindi ko alam pero gusto ko po siya nung unang araw ko pa siyang nakita. 'Yung araw na dumalaw ako sa kulongan nila at nag dala ng pagkain. Hindi siya kumakain non. Nagtanong tanong ako sa tauhan natin kung bakit hindi siya kumakain. Sabi naman nila hindi na talaga siya kumakain simula nung nandito siya. 'Yung kakambal niya naman ay kumakain kahit na hindi masarap 'yung pagkain kasi daw kung hindi siya kakain baka mamatay siya. Nag-alala ako sa kakambal niya kaya sinabihan ko ang mga tauhan natin na ako na ang magluluto pero hindi padin pala. Hindi pa din siya kumakain. Tapos ngayon hindi na siya gumagalaw." Nag-alalang sabi ko. Hinawakan ni Ina ang braso ko.
"Anak, alam kung malambot 'yang puso mo. Kasi alam ko kung kanino ka nag mana. Nag mana ka sa pamilya natin." Sabi ni Ina. Ngumiti si Ina. Mabait naman si Ina. Alam ko na din 'yung nakaraan niya. Mabait siya pero dahil sa pag-ibig nag bago siya pero mabait naman siya saamin. "Pero anak, hindi ka pwedeng umibig sakanila. Hindi mo pwedeng taksilan ang Ama mo. 'Yang pag ibig na 'yan ay mapagtaksil! Huwag mo akong gayahin." Sabi ni Ina. Hindi ko din naman kayang mag taksil sakanila pero nag mahal lang naman ako. Ano ba dapat ang piliin ko? Kung nasaan at ano ako ngayon o ang pag-ibig? Ang pamilya ko o ang taong mahal ko? Ang kaharian namin dito o ang kalaban namin? Sino nga ba? Ano nga ba?
"Sige, papayag ako na ipatingin at alagaan ang magkambal na 'yun." Sabi ni Ina. Natutuwa ako sa sinabi niya. Nakangiti ako na tumingin sakanya. "Pero sa isang kundisyon." Kinabahan ako bigla.
Gardia Pov
Papunta ako ngayon sa office ni Dean. Pinapatawag niya kasi ako. Nagtataka ako kung bakit niya ako pinatawag. Hindi ba pwedeng bukas nalang? Mag gagabi na din kasi. Nang dumating na ako ay huminto muna ako sa labas ng pinto. Kumatok ako ng tatlong beses.
"Dean? Nandito na ako." Sabi ko.
"Okay, get in." Rinig kong sagot niya sa loob. Pinihit ko na 'yung pinto tska pumasok. "Hindi ka ba natatakot ikaw lang mag-isa nandito?" Taka kong tanong sakaniya.
"Meron naman akong Sekretarya." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.
"Kung meron kang sekretarya nasaan siya? Oh diba wala siya?" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)
FantasyMay nawawalang isang prinsessa sa kaharian ng Wonderfull Kingdom. Nang dahil sa nangyaring kaguluhan ay nahiwalay siya sa kaharian at sa kanyang mga magulang. Napadpad siya sa mundo ng mga tao at isa lang ang kanyang kasama, ang kanyang Tita. Ano ka...