Chapter 8

6.9K 201 7
                                    

Walk out day

Charmaelaine Pov

"Tumahimik nga ka yoooo!!!!" Nag eecho yung boses ko dito sa loob kaya ang sakit sakit sa tenga. Tumahimik naman sila't  tinakpan ang kanilang mga tenga. Matagal tagal din nawala yung echo mga 1 min. Nakakahilo 'yong echo.

"Sinong may gawa non?" Tanong nila tska tumingin sila sa akin. Nagtataka naman ako.

"Oh! bakit?" Takang tanong ko.

"Ikaw ang may gawa non?" Sa halip na sagutin nila ako ay nagtatanong ulit sila.

"H-ha?" Tanong ko pa.

"Ano ba kasi talaga yang kapangyarihan mo!? Ang lakas lakas kasi ng aura mo. Kanina pagpasok mo biglang lumakas yung hangin." Nalilitohang sabi ni Prince Mark.

"Nong una din kitang nakita. Yong pumasok ka sa Dean's office ang lakas din ng hangin. Parang nabuhayan ulit yung dating kingdom?" Takang tanong ni Jeff. Ha? Nalilituhan ako.'

"Tsk hahahaha anong pinagsasabi niyo diyan! Wala kaya akong kapangyarihan tska kung meron man malamang...." Napahinto ako. Naalala ko yung sinabi sa akin ni tita doon sa park. Merong mga pamilya na nag pi-picnic.

"Tita, nasaan po ba yung mga magulang ko?" Tanong ko kay tita habang tiningnan yung mga nag pi-picnic na mga pamilya.

"Hindi ko nga din alam. Wala na akong balita doon. Hindi ko alam kong ligtas pa ba sila sa laban nila sa mga Dark Kingdom." Wala sa sariling sabi ni tita tska bigla siyang humagulgul.

"Tita, ano po ba yung Dark kingdom?" Tanong ko pa habang tinapik tapik ko yung likod niya.

"Malalaman mo rin yan sa tamang panahon." Sabi niya tska tumalikod at seninyasan niya ako na sumunod sakanya.

"Hoy! Anong malamang?" Tanong nila sa akin. Kaya napa balik ako sa sarili.

"Malamang.....malamang may kapangyarihan yung mga magulang ko!" Sagot ko sa kanila na nakatulala pa din.

"Anong wala? Meron kayang kapangyarihan si prof Gardia!" Sabi ni Jeff.

"Nagkakamali ka! Wala kang alam!" Sabi ko tska lumabas doon sa Training area na umiiyak. Bukas nalang ako mag papaturo.

"Oh! Charmaelaine bakit ka nandito? Bakit hindi ka pumasok?" Tanong niya saakin tska itinaas niya yung mukha ko. Napatingin ako sa kanya.

"Ano bang silbi ko doon kung wala naman akong kapangyarihan." Deritso kong sagot. Kumunot naman yung noo niya.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya sa akin siguro napansin niya na namumula yung mga mata ko.

"Tita, kailan po ba tayo uuwi? Gusto ko na pong umuwi huhuhu." Humagulgul na ako hindi ko na kasi kaya nahihirapan na ako dito.

"Ssshh..tama na yan Charmaelaine." Sabi niya tska yinakap niya ako.

"'Wag kanang umiyak nandito na 'yong mga mag tuturo sa iyo. Iiwan mo na kita sa kanila." Sabi niya tska humiwalay na sa pagkakayakap. Tiningnan ko siya. Naka tingin lang siya sa likuran ko kaya napa lingon ako sa likuran ko.

"Tita ayaw ko po---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi paglingon ko ulit kay Tita ay nawala na ito. "Asan na yun? T-tita?" Inilibot ko ang paningin ko baka sakali makita ko siya. Napa pout nalang ako nang hindi ko siya mahanap. Amp! Iniwan daw ba ako!

"T-tita?" Nagtatakang tanong nilang dalawa. Lumingon ako sakanila.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko sakanila.

"Hindi mo siya Ina?" Nagtatakang tanong ni Prince Mark.

"Sino ang mga magulang mo?" Tanong ni Jeff kaya pumatak yung mga luha ko. Sino nga ba?

"Oh! Umiiyak ka na naman." Sabi ni Prince Mark.

"Hindi ko sila kilala. Hindi ko din alam kung nasaan sila." Humagulgul na naman ulit ako. Napa upo ako sa sahig dahil sa kakaiyak.

"Wala bang nabangit sayo si Ms.Gardia?" Tanong naman ni Prince Mark tska lumuhod para mapantayan niya ako.

"Parati niya lang sinabi na 'hindi niya alam kung anong nangyari sa kanila. Nakaligtas ba sila sa labanan nila laban sa Dark Kingdom'." Umiiyak na sabi ko.

"Dark kingdom?" Sabay na tanong nilang dalawa at napatayo naman nang tuwid si Prince Mark. Kaya napatingin ako sa kanila. "Bakit? Alam niyo ba kung ano yon?" Tanong ko. "Pwedi ko bang malaman? Hindi kasi sinasabi ni tita ang tungkol niyan."Sabi ko pa.

"Mga kalaban natin sila. Sa sinabi mo posibleng kasali yong mga magulang mo sa laban." Sabi ni Jeff.

"Aalis muna ako!" Sabi ni Prince Mark tska dali daling umalis. Napa kunot noo naman ako.

"Anong nangyari don?"Tanong ko kay Jeff.

"Sa tuwing binabanggit ang Dark kingdom or ang kaniyang mga magulang ay magaganyan yan. Biglang mag wa-walk out." Sagot niya.

"Bakit naman?" Tanong ko pa.

"Kasali din kasi noon ang mga magulang niya sa laban." Sabi niya.

"Anong nangyari sa kanila?" Tanong ko pa.
Pansin ko lang kanina sila ang palaging nag tatanong ngayon naman ay ako na ang daming tanong.

"Aba! Malay ko ba! Kung nagmamadali ka tanongin mo nalang siya!" Sabi niya tska nag walk out din. Teka! May napansin ako.

'Uso talaga sa kanila ang walk out thingy'

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon