Chapter 35

2.8K 65 12
                                    

Charmaelaine Pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na galing sa bintana.

Bumangon ako at umupo sa kama ko. Tiningnan ko ang bakanteng kamang nasa gilid ko.

'Miss ko na siya'

*Took took took*

Napatingin ako sa pintuan.

*Took took took*

"Wait nandiyan na!"Sigaw ko at binuksan ito.

Bumungad sa harapan ko si Prince Mark,Jeff at si Dell.

"Charm, pwede bang dito muna pansamantala si Dell habang wala pa si Bianca?" Tanong ni Prince Mark.

"Napag desisyunan kasi naming dito na muna si Dell kasi wala kang kasama dito kwarto mo" Sabi ni Jeff at inilibot pa nito ang tingin sa kabuuan ng kwarto. "At pwede bang linisin mo din ang kwarto mo. Ang daming alikabok ohh! Ang kalat pa doon! Naku! Kwarto ba to ng isang babae?" Tanong nito na tiningnan ako.

"Che! Wag kang makialam! Umalis ka nga dito! Diba hinatid niyo lang dito si Dell? Ba't nangingialam ka ngayon sa kwarto ko!?" Sigaw ko sakanya.

"Tsk highblood" Rinig kong bulong nito.

"Che! Hali kana Dell!" At hinila ko si Dell papasok tapos pabaksak na sinara ang pinto.

"Hay naku! 'di ko talaga gets yung lalaking 'yon! Uhm Dell diyan ka sa kama na yan" Tinuro ko ang kama ni Bianca.

Inilagay niya naman ang gamit niya sa kama ni Bianca pagkatapos ay tiningnan niya ang mga gamit sa side table ni Bianca.

"Ahh yan si Bianca, siya ang pinakaunang naging kaibigan ko dito." Sabi ko.

Tiningnan naman niya ako.

"Eh nasaan siya?" Tanong niya.

"W-wala...." Yumuko ako at huminga ng malalim para di ako maiyak. "K-kinuha s-siya ng ka-kalaban" Hindi ko padin maiwasang ang pagkautal.

"Owwh sorry for that Charmaelaine, sana hindi nalang ako nag tanong" Lumapit siya saakin at yinakap ako.

"Hindi okay lang 'yon ano kaba! uhm tutulungan nalang kitang mag ligpit sa mga gamit ni Bianca." Sabi ko.

Tumango naman siya.

"Uhm sorry ah kung ang kalat ng kwarto ko, kasi nawalan ako ng kulay dito nong kinuha si Bianca, kaya ayan ang dumi na, pumanget tuloy kwarto namin." Sabi ko.

"Okay lang, kung gusto mo tulungan nalang kitang mag ayos dito. Oks lang ba?" Tanong nito.

"Sige ba." Napangiti kong sabi.

At nag simula na kaming mag ayos.

"Kamusta ka na pala?" Biglang tanong nito saakin pagkatapos naming mag ayos at nakahiga na kami ngayon sa mga kama namin.

"Hmmm nong una hindi ko matanggap pero unti unti na akoang nagiging maayos ngayon pero hindi pa ako as in 100% maayos kasi madaming nawala." Sabi ko at napasimangot na naman.

"Ikaw? kamusta doon sa mundo natin? Naku miss na miss ko na mundo natin" Sabi ko.

"Ayon! Walang nag bago hahaha" Sabi nito.

"Hmmm matulog na muna tayo mukhang napagod kasi tayo sa paglilinis hahaha" Dagdag pa ni Dell.

"Sige." Sabi ko.




The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon