Bea pov,
"Ohh?? Teka teka! I smell fishy! Nagkakagusto ka na ba sakaniya?"
Mapanuksong tanong ni Bianca."Ewan. Sadyang kumulo lang talaga ang dugo ko kapag makita ang babaeng 'yan na nakakapit kay Kurt." Naiinis na sabi ko. Tiningnan ko si Kurt. Nahuli ko siya na nakatingin saakin biglang kumunot ang noo niya. Tsk. Ewan ko sa'yo.
"Ohh?? Tapatan mo nga ako. May nararamdaman ka ba huh!?" Nasapo ko nalang ang noo ko.
"Meron." Sagot ko. Nanunukso ang tingin niya saakin. "Alangan namang wala diba? Edi patay na sana ako ngayon?" Pamimilosopong sabi ko.
"Hayst. 'Yung totoo." Tumitig siya saakin.
"Oo? Baka? Ewan!" Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Asuus kunware hindi alam. May nararamdam ka kay Kurt oi! nagseselos ka nga diyan eh. Huwag mong sabihin saakin hindi ka nag seselos. 'Yan? 'yang mukhang 'yan!? Hahaha ba't kasi ngayon ka pa may nararamdaman! 'Yan tuloy!" Panunumbat saakin ng kambal ko.
"Sorry na. Eh sa hindi ako makalimot noon kay Jeff eh. Pero ngayon nagulat nalang ako kasi bigla akong nainis nung makita ko ang babaeng hipon na 'yan na todo kapit kay Kurt. Akala mo kung sino. Kulang nalang magkadikit na ang mga balat nila! Mukha siyang glue!" Inis na sabi ko.
"Hahaha 'yan! Hahaha nag seselos ka nga. Tiyaka huwag mong sabihin na 'akala mo kung sino' Eh magiging asawa na siya ni Kurt." Sabi niya. Nainis ako sa kambal ko.
"Eh ano ngayon? Ako ang mahal ni Kurt!" Sabi ko. Tumaas ang isang kilay ni Bianca. "Kung gusto niya talagang makuha si Kurt pwes dapat matalo niya ako." Nag smirk ako.
"Ayan na. Labanan na ng mga desperadang matapang-- oips sorry hahaha." Natatawa niyang sabi.
"Tsk. Ewan ko saiyo." Sabi ko. Tiningnan ko si Kurt. Nahuli ko na naman siyang tumingin saakin. Buong oras ka ba nakatingin saakin? Tumaas ang isang kilay niya. Nagulat ako ah! Hahaha. Tinaasan ko din ang isang kilay ko. Pataasan pala ng kilay huh!
'Anong iniisip mo?' Nagulat ako. Sheems may kakayahan din pala siyang ganito? May mind reader din pala dito sakanila? Naku kailangan ko palang kontrolin ang mind reader ko.
'Hey!' Tanong niya ulit. Tumaas pa ng bongang bonga ang isa kong kilay. May kakayahan ka pang mag tanong ah!'Eh ano ngayon?' Tinarayan ko siya.
'Ibang klase ka talaga.' Nakangisi siyang umiling iling.
"Whoa hindi na ako magtataka kung nag usap kayo sa isip." Sabi ng kambal ko. Hindi ko lang siya pinansin sahalip ay nakatutok pa din ang paningin ko sa gwapong nilalang na nagpapatibok ulit ng puso ko. Parang ang baduy? o ang o.a? Ayh bahala na. Who cares?
Nagtaka ang babaeng mukhang hipon na bruha kung bakit ngiting ngiting umiiling si Kurt.
"Gwapo ni Kurt ngumiti noh?" Pang-aasar ulit ng isa dito pero hindi ko siya pinansin. Tama din naman siya. Gwapo nga.
Bumaling ang tingin ni Kurt sa babaeng hipon dahil siniko siya nito. Ohh? Nagsisimula pa nga ako talo ka na agad. Napangiti ako sa pumasok sa isipan ko.
"Hala hala hala! Woi! Ano 'yan ah? Kinikilig ka ba? Pero sabagay nakakakilig nga kayong tingnan. Kinikilig ako sainyo eh! Pero tandaan mo ikakasal na 'yan. Bawal 'yang ginagawa mo. Huwag kang kabit!" Tinaasan ko ng kilay si Bianca.
"Kabit? Mukha ba akong kabit? Tiyaka sa aming dalawa 'yang hipon na 'yan ang kabit noh! Hello! Ako kaya ang mahal ni Kurt. Nang-aagaw lang 'yang babaeng 'yan!" Sabi ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)
FantasyMay nawawalang isang prinsessa sa kaharian ng Wonderfull Kingdom. Nang dahil sa nangyaring kaguluhan ay nahiwalay siya sa kaharian at sa kanyang mga magulang. Napadpad siya sa mundo ng mga tao at isa lang ang kanyang kasama, ang kanyang Tita. Ano ka...