Chapter 59

530 31 31
                                    

Bianca pov,

Monday na ngayon. 4th day na wala pa ding malay si Bea. Sabi ni Kurt isang linggo daw siyang babalik sa dati. Kulang pa ng tatlong araw. Namimiss ko na ang kambal ko. Gusto ko ng magising na siya.

Minamasdan ko naman si Kurt. Dahan dahan niyang pinunasan ang walang malay na si Bea.

"Kurt ako na kasi diyan." Sabi ko. Hindi niya ako pinansin. Patuloy pa din siya sa pagpunas sa kapatid ko. "Kurt kapatid ko siya kaya dapat ako ang gumagawa ng mga pinaggagawa mo." Sabi ko pa. Tiningnan niya ako tiyaka ngumiti.

"Hayaan mo na ako, Bianca. Kaya ko naman itong mga pinaggagawa ko tiyaka gusto ko din pagsilbihan siya." Kitang kita sa mukha niya na nasisiyahan siya sa ginagawa niya.

'Yan. Apat na araw na din siyang ganiyan. Sa loob ng apat na araw ay nakabantay lang siya kay Bea. Pati sa mga bagay bagay na dapat ako ang gumagawa ay siya ang gumagawa. Halos lahat nalang siya ang gumagawa. Gusto ko sanang ako ang gagawa pero wala akong magawa eh. Ayaw mag paawat eh.

"Ahh ganon? Kaya pala hindi kita makita sa kaharian dahil totoo pala ang sinabi saakin ni Rafael!" Sabay kaming napalingon sa babaeng biglang dumating.

Napalaki ang mga mata ko nang makita ko siya.

"Brianna? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Kurt.

"Huh! Baka ako ang dapat mag tanong ng ganiyan saiyo! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw niya kay Kurt. Tiningnan niya ako pagkatapos ay sa kambal ko na walang malay. "Totoo nga ang sinasabi nila." Animo'y nasasaktan ito. Pinilit niyang huwag maiyak sa nakita niya.

"Brianna." Malumanay na tawag ni Kurt. Namumula ang mga mata ni Brianna.

"Ano kurt? May dapat ba akong marinig na paliwanag mula saiyo?" Namamaos na ang kaniyang boses.
Hindi nakapagsalita si Kurt. Umiling iling si Brianna at nagmamadaling umalis.

"Brianna!" Sigaw niya. Hinabol niya si Brianna. Lumabas ako at tiningnan sila.

"Bitawan mo ako! Huwag mo akoang sundan!" Sigaw ni Brianna. Napasinghap kami sa gulat nang bigla niyang sinampal si Kurt.

"Anong nangyayaring kaguluhan dito!?" Napatingin kami sa mga bagong dating.

"Ama."

"Oh my! Anong nangyari!? Bakit mo sinampal ang anak ko?" Linapitan ng reyna nila si Kurt.

"Mahal na reyna." Natatakot ang boses ni Brianna.

"Tumahimik ka Veronica! Huwag mong sasabihing kakampihin mo ang anak mo?" Galit na galit ang hari.

"Malamang anak ko siya!" Sagot ng reyna.

"Hindi mo ba alam kung bakit nagagalit si Brianna? Dahil may kabaliwang ginawa ang anak mo!" Sigaw ng hari. Tiningnan ni Veronica ang si Kurt. "Huwag mong sabihing wala kang alam dito Veronica? Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagawa ninyo ng anak mo?"

"Anak nga natin!"

"Tsk! Akala niyo hindi ko alam? Alam ko! 'Diba sabi ko hahayaan nating mamatay ang dalawang 'yun pero anong ginawa ninyo!? Sinuway niyo ang utos ko! Mag-ina nga kayo!"

Nagulat ako sa sigaw ng kaniyang Ama. Galit na galit ito at gusto gustong manakit.

"Brianna!" Napatingin kami sa lalaking tumatakbo at nang makalapit na ito ay linapitan agad ang dalaga. "May masakit ba saiyo? anong nangyari saiyo?" Tiningnan niya si Kurt. Galit na galit ang mga tingin nito. "Anong ginawa mo sakaniya!"

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon