Chapter 45

1.8K 53 26
                                    

Charmaelaine pov

Nagising ako dahil may naramdaman akong kamay. Minulat ko ang aking mga mata. Nakita kong mahimbing na natutulog si Jeff sa tabi ko. Parang nangyari na ito ah?  Teka nga! Bakit ba ako nasatabi nito? Napalaki ang mata ko ng may na alala ako. Hinawakan ko ang noo at leeg niya. Napalaki na naman ang mata ko. Ang taas ng lagnat niya! Nako naman charmaelaine ba't ba kasi nakatulog ka kagabi! Inalala ko 'yong nangyari kagabi.

Flashback*

Babangon sana ako para kukuha ng tubig at bimpo pero hinila niya ulit ako sa tabi niya. Hinampas ko naman siya ng marahan.

"Bitawan mo nga ako! Pupunasan kita!" Sabi ko.

"No! Ayaw ko!" Parang batang sabi niya.

"Jeff, may lagnat ka!" Sabi ko.

"No! Ayaw ko! Gusto ko dito kalang sa tabi ko!" Parang bata na namang sabi niya na nakapikit. Hinila niya ako at yinakap ng mahigpit.

End of flashback---

Tiningnan ko siya na natutulog. Kaya tuloy hindi kita na punasan kagabi kasi ayaw mo akong umalis. Sabi ko sa isip ko. Hindi na ako katulad ng dati na hindi marunong kontrolin ang mind ko.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Pupunta ako sa kusina. I get some water in the basin and brought it to our room. Nakalimutan ko wala pa pala kaming dalang mga gamit. Anong gagamitin ko nito? Tiningnan ko 'yong jacket niya. Jacket nalang kaya niya? Ayh 'wag mabigat yong jacket kapag binasa sa tubig. Tiningnan ko siya at bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Napalunok ako ng bakat na bakat yung katawan niya sa t-shirt nito. Charmaelaine 'wag kang gumawa ng masama! Kunin mo lang yong t-shirt niya. 'Yon lang!

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nanginginig ang mga kamay kong humawak sa t-shirt nito. Nako naman! Mabibitawan ko bigla kada galaw niya. Kasi naman ohh! Galaw ng galaw!

Tumigil na siya sa kakagalaw kaya naman kahit nanginginig ang mga kamay ko ay dire-diretso kong hinawakan ang t-shirt niya at dahan dahan itong itinaas.

"Anong ginagawa mo!?" Sigaw niya pagkapasok niya. Sa gulat ko ay napasigaw ako at na bitawan ko tuloy yong t-shirt niya. Tiningnan ko siya.

"P-prince Mark?" Nauutal kong sabi.
Nanginginig akong tumingin sa kanya. Hindi ko malabas sa bibig ko ang gusto kong sasabihin.

"Anong balak mong gawin!? May balak ka bang gawin! Akala ko pa naman matino kang babae! Na hindi ka katulad nang iba diyan!" Nagagalit na sigaw niya kaya natakot tuloy ako.
"P-prince Ma-mark." Nauutal na sabi ko. Ano ba Charmaelaine ba't ka na uutal!? Ba't hindi mo ma explain sa kanya? Ano ba dapat ang i-explain ko eh wala naman akong ginawang mali!?

"Anong nangyayari dito ba't ka nagsisigaw?" Biglang sulpot ni Dell at nagtatakang tiningnan ako.

"Lumabas ka!" Napatalon ako sa sigaw ni Prince Mark. Galit na galit siya.

"Ano ba!? Bakit mo ba siya sinisigawan ah!?" Sigaw din ni Dell kay Prince Mark at lumapit ito saakin. Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ko. Tiningnan niya ako. "Anong nangyari?" Malumanay na tanong niya saakin.

"Lumayo ka sakanya Dell! Baka mahawa ka pa sakanya!" Sabi ni Prince Mark at hinila niya si Dell palayo saakin.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Dell at hinila niya yong kamay niya na hawak ni Prince Mark. "Bakit ka ba nagkakaganyan!?" Nagagalit na tanong ni Dell. Gusto ko silang awatan kaso hindi ko magawa. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon