Chapter 49

1.3K 49 24
                                    


Bianca Pov

"Kamustaa!!!" Napatingin ako sa sumigaw. Nagtatalon na pumasok si Albert. Kumunot ang noo ko nang huminto siya sa harapan ng kulongan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Ngumiti siya ng abot tenga.

"Hindi ka ba masaya?" Tanong niya.

"Hindi naman sa ganon. 'Di ba pinag bawalan ka na ng Ina at Ama mo pati na 'yung kuya mo na pumunta dito?" Taka kong tanong sakanya. Hindi ba siya natatakot? Ako 'tong natatakot para sakanya eh!

"Kumain kana!" Sabi niya. Inilapag niya sa sahig sa labas ng kulongan ko ang platong dala niya.

"Isa lang?" Tanong ko. Nakangiti siyang nag nod. "Paano ang kakambal ko?" Tanong ko sakanya.

"Huwag kang mag-alala." Sabi niya tska nag wink. Napangiwi naman ako. Ano na naman kaya 'tong trip niya?

Hindi ko nalang siya pinansin. Nilapit ko 'yung pagkain at sumubo na ako. Nagugutom na ako. Para kasi akong naadik. Masarap na kasi ang lasa ng pagkain ngayon. Noon napipilitan lang akong kumain kasi hindi masarap. Nakakapagtaka.

Tiningnan ko ang kambal ko. Nakahiga lang siya na nakatalikod saamin. Kahapon palang 'yan siya nakahiga at 'di na kumilos. Nag-aalala ako.

"'Yung kakambal ko---"

"Kuya!! Nandito kana!" Sigaw ni Albert. Tumingin ako sa bagong dating. May dala itong pagkain at maiinom. "Ba't ang tagal mo?" Tanong sakanya ng kaniyang kapatid.

"Naghanap pa kasi ako ng tyempo na makapasok dito." Sabi nito.

"Bakit ka nandito?" Kumunot ang noo ko.
Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ako. "Hindi ba bawal na kayong pumasok dito?" Tanong ko. Hindi ulit siya sumagot. Kumindat lang siya saakin. Napangiwi naman ako. Magkapatid nga sila.

Huminto siya sa harap ng kulongan ng kakambal ko. Inilapag niya sa harapan ng kulongan nito ang dala niyang pagkain. May dala siyang dalawang maiinom. Kinuha ng kapatid niya ang isang maiinom at inilapag sa harapan ko. Tiningnan ko siya. Ngumiti lang siya at tinuro lang ang maiinom.

"Pst. Bea kain kana. Nilapag ko na dito." Sabi ni Kurt. Hindi kumibo ang kakambal ko. "Masarap 'yan. 'Diba?" Lumingon siya saakin. Hindi ako sumagot. Kinindatan niya ako.

"Oo. Ang sarap sarap kaya kumain ka na." Sabi ko.

"Oh diba? Masarap 'yan. Mas pinasarap ko pa 'yan. Hindi ka kasi kumakain. Masama 'yan sa kalusugan. Akala ko hindi ka kumakain dahil sa binigay nila na pagkain sainyo na ewan ko. Kaya ako na nga 'tong nag luto para masarap." Sabi nito. Ngunit hindi padin kumibo ang kakambal ko. Nagkatinginan kaming tatlo. Kumunot ang noo ko at dali dali kong ininom ang maiinom na nasa harapan ko.

"Pst! Bea!" Tawag sakanya ni Kurt.

"Ate Bea!!" Sigaw ni Albert. Pinasok niya pa 'yung nguso niya sa kulongan to make sure na marinig talaga niya ito. Ngunit hindi padin siya kumibo. Nag-aalala ako para sakanya. Hindi ako mapakali.

"Beaa!!!! Huwag kang mag biro! Bumangon ka na!" Malakas na sabi ko na parang sigaw na din. Hindi padin siya kumikibo.

"Shit!" Mura ni Kurt. "Kailan pa 'yan na nakaganyan ang posisyon?" Kunot noong saakin ni Kurt. Natakot naman ako sakanya.

"K-kahapon pa." Sagot ko.

"Hindi na ba siya gumalaw?" Tanong niya pa. Umiling ako.

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon