Chapter 47

1.6K 44 38
                                    


Third Person Pov

"Ito kumain na kayo." Sabi nung lalaki tska umalis na.

Kinuha nung isang babae 'yung pagkain na nilagay nung lalaki sa labas ng kanyang kulongan. Nagsimula na siyang kumain. Tiningnan niya ang kanyang kasama nasa harapan na nakakulong din sa kulongan nito.

"Kumain kana nga!" Sabi niya.

"Ayaw ko!" Sagot nung isang babae.

Dell Pov

Nag iinsayo ako ngayon. Lumayo ako kina Charmaelaine at Klent. 'Yung Klent na 'yun makakabasag ng mood! Yummy pa naman sana! Chee!

Hindi ako nahihirapan sa pag insayo. Tinuruan na kasi ako ng Mama nung bata pa ako tska sinabihan niya din ako na po-protektahan ko daw si ate Charmaelaine.

Naalala ko 'yung araw na una ko siyang nakita. Nung pinagtangol niya ako don sa mga bata at binilhan niya ako ng mga damit. Pagkatapos ay pinakain niya ako sa Jollibee hahaha first time kong makakain don. Tska pinakilala niya ako kay Charmaelaine.

(Continuation po ito sa pov ni Dell sa chapter 41)

"Nabusog kaba?" Tanong niya saakin.

"Opooo!!!" Masaya kong sabi. "Alam niyo po ba ngayon lang ako nakakain don!" Nakangiting sabi ko pa.

"Hahahaha nakakatuwa ka naman." Sabi niya tska ngumiti. Pumasok na kami sa sasakyan niya. Sabi niya saakin pupunta daw kami sa bahay nila at ipakilala niya ako kay Charmaelaine. Ang swerte naman ng anak niya. Sana ganito din 'yung Mama ko.

"Nandito na tayo!" Sabi niya. Huminto siya sa tapat ng bahay. "Tara?" Nginting sabi niya at lumabas. Lumabas nadin ako.

"Ahh ako na po mag dadala niyan." Sabi ko tska tinuro 'yung cellophane na may nakasulat na Jollibee. Para daw sa anak niya 'yan.

"Ikaw ang magbibigay sakanya?" Nakangiti niyang tanong.

"Opo." Sabi ko.

"Sige sige." Masayang sabi niya tska binigay saakin 'yung cellophane.

"Sumunod ka saakin ah." Sabi niya tska binuksan 'yung gate. Sumunod naman ako sakanya. Huminto siya sa harap ng pinto at kumatok.

"Charmaelaine! Charmaelaine!" Tawag niya tska kumatok.

"Nandiyan na pooooo." Sigaw nung bata.
Binuksan na niya 'yung pinto. Tska nag mano kay Ate Zein. "Sino po siya?" Kumunot 'yung noo niya ng makita ako.

"Ahh siya si Dell." Sabi ni Ate Zein.

"Uhm hello ako si Dell." Nakangiting sabi ko sakanya tska kumaway. Ngumiti naman siya at kumaway din.

"Hello sa'yo." Sabi nito. Ang ganda naman niya.

"Ohh siya pumasok na tayo." Masayang sabi ni Ate Zein. Pumasok na sila. Sumunod na ako.

"Maupo ka, Dell." Nakangiting sabi ni Charmaelaine saakin. Mabait din siya. Nagmana siguro kay Ate Zein.

"Ahh salamat. Ahh nga pala para sa'yo." Sabi ko tska binigay sakanya ang cellophane. Kinuha naman niya ito na nakangiti. "Binili 'yan ni Ate Zein. Masarap 'yan." Dagdag ko pa.

"Woooow tenchuuu Titaaaa!!!" Sabi niya tska yumakap kay Ate Zein. Teka ano daw?

"Tita?" Kumunot 'yung noo ko.

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon