Chapter 43

1.7K 45 16
                                    


CHARMAELAINE POV

Nandito kami ngayong apat sa Dean's office. Pinatawag kasi kami ni Sir Dean. Naka upo kami ngayon sa harapan ng mesa ni Sir Dean. Magkatabi kami ni Dell at kaharap naman namin sina Prince Mark at Jeff.

"Pinatawag ko kayo dahil gusto ko lang ipaalam sainyo na simula ngayon mag sama sama na kayong apat." Sabi ni Sir Dean.

"Eh sir paano po 'yan? Eh isa lang po ang kama nila." Sabi ko tsaka tinuro ko sila. Totoo naman eh. Kung kay Jeff kami, Isa lang din ang kama niya. Isa lang din yong kama ni Prince Mark.

"'Wag kayong mag-alala." Sabi ni Sir Dean.

"Bakit po?" Tanong namin.

"Doon kayo matulog sa Hide Room." Sabi ni Sir Dean.

"Hide Room?" Tanong namin.

"Sa'n po 'yan?" Tanong ni Prince Mark. 'Di din pala niya alam.

"Bakit hindi ko pa po 'yan nakita?" Tanong ni Jeff.

"Hindi niyo kasi alam. Wala kasing nakakaalam nito. Apat lang ang nakakaalam nito." Sabi pa ni sir Dean at biglang tumahimik. Hinintay naman namin ang kasunod na sasabihin niya ngunit wala na itong sinabi at tumingin sa kawalan. Okaayy.

"Uhm pwede ba namin maitanong kung sino sino ang mga nakakaalam sa likod ng sinasabi ninyong Hide room?" Tanong ni Prince Mark. Tiningnan naman ni Sir Dean si Prince Mark.

"Gusto mong malaman kung sino sino ang nakakaalam?" Tanong ni Sir Dean kay Prince Mark.

"Opo." Excited na sabi ni Prince Mark.

"Ang apat na nakakaalam non ay Ako, si Ms. Gardia." Sabi ni Sir Dean tska tumingin ulit kay Prince Mark. "At iyong mga magulang." Sabi niya pa. Napahinto si Prince Mark dahil siguro sa narinig niya.

"Si Ama at Ina?" Tanong niya at parang pinipigilan niya ang kanyang nararamdaman.

"Oo. Ang Hari at Reyna." Sabi pa ni Sir Dean. "At kayo rin! At dapat walang nakakaalam nito! 'Wag kayong magsasabi kahit kanino about sa Hide Room! Naiintindihan niyo ba?" Sabi ni Sir Dean.

"B-bakit po?" Tanong ni Dell. Biglang sumeryoso si sir Dean at nag-iisip. Parang binabalik niya 'yong nakaraan. Naol.

"Naalala ko pa." Nakangiting sabi ni Sir Dean at nakatingin sa harapan na nakangiti. Tiningnan naman namin ang tinitingnan niya. Isang bintana. Eh anong iningiti ngiti nito? "Naalala ko pa 'yong araw na 'yon." Nakangiting sabi ulit niya. Aaahhhh mag kwe-kwento si Sir Dean.

DEAN POV

*FLASHBACK*

Masaya kaming naglalaro sa bahay namin na naa sa itaas ng puno. Isang tree house. Hanggang sa isang araw napag-isipan naming apat na gumawa ng bahay sa loob ng isang puno. Bata pa kami kaya kahit ano nalang ang ginagawa namin.

"Pero paano naman?" Tanong ni Elizabeth.

"Easy." Sabi ni Mike.

"Paano?" Tanong ni Zein. Hindi sumagot si Mike. Pati ako nalilitohan na din.

"Oo nga! Paano ba?" Tanong ko din at lumapit sa puno. Hinawakan ko 'yon. "Eh ang tigas tigas nga nito." Sabi ko pa. Ngumiti lang si Mike at kami tatlo ay nalilituhan.

"'Wag kayong mag-alala." Sabi niya. Lumapit siya sa puno at sinusuri ito ng maigi. Matalino si Mike kaya may tiwala kami sakanya.  "Lumayo kayo." Sabi niya. Kahit na nagtataka kaming tatlo ay sinunod namin ang utos niya. Lumayo kami. Kumuha siya ng dahon sa puno iniikot ikot 'yon sa palad niya. Pagkatapos ay may binulong siya tapos 'yong dahon na nasa palad niya ay naging pino-pino tapos binato niya sa puno. Binato niya na may kasamang kapangyarihan. May lumabas na ilaw. Nakakasilaw. Tiningnan niya kami. Lumapit siya sa puno tapos nabigla kami kasi bigla lang siyang nawala.

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon