Chapter 53

789 45 7
                                    

Kurt Pov,

Umalis agad ako doon dahil sa galit. Hindi ko maiintindihan ang galit ko kapag makikita ko si Rafael.

Si Rafael ay ang taong gusto ng aking Ama na magmana sakaniyang trono dahil ayaw na niya saakin. Hindi namin ka ano ano si Rafael pero siya ang anak ng mas pinagkatiwalaan ni Ama. Anak siya nung lalaking matanda na tinatawag lang akong 'bata' Tss.

'Yon ba talaga ang gusto ni Ama na maging Hari? Mas pipiliin niya 'yun kesa saakin na anak niya? Ganoon ba ka walang tiwala saakin si Ama? Mas kilala niya ba 'yung Rafael na 'yun kesa sa akin na sarili niyang anak!?

"Pri-prinsipe Mark, masakit." Napatigil ako sa paglakad nang mapagtanto na mayroon pala akong hinihila. Tiningnan ko ang babaeng kanina ko pa pala hinihila. "Masakit kanina mo pa ako hinihila ng napakahigpit." Binitawan ko ang kamay niya.

"Pasensiya. Galit lang ako." Malamig na sabi ko.

"A-aahh na-naiintindihan ko." Sabi niya. Tumango lang ako tska tumalikod. Papaalis na sana ako pero napahinto ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "T-totoo ba 'yung sinabi ni Rafael kanina?"

"Alin don?"

"'Yung siya na ang papalit saiyong Ama?" Takang tanong niya. Umiwas ako ng tingin.

"Hindi." Tiningnan ko siya. "Hindi niya maaring agawin ang nasa akin! Hindi ko hahayaang kunin niya ang akin!" Umatras siya dahil siguro natakot siya saakin. Umiwas nalang ulit ako ng tingin at pinakalma ang sarili ko. "Mabuti pa't umalis na tayo dito. Umuwi kana may kailangan pa akong puntahan."

"Rafa--- ohh? Brianna at ang aking anak. Anong ginagawa ninyo?" Nagulat ako sa pagdating niya. Gumuhit ang mga ngiti sa kaniyang mga labi.

"Niligtas po ako ni prinsipe Kurt, Kamahalan." Ngumiti siya. Tiningnan ako ng aking ama na ngiting ngiti.

Bwesit!

"Huwag kang mag-isip ng kung ano ano." Sabi ko. Umiwas ako ng tingin.

"Sumunod kayo saakin." Sabi ni Ama.

"Saan po tayo?" Tanong ni Brianna.
Tiningnan ko si Ama.

"May pupuntahan tayo." Nakangiti siyang tumingin saakin.

May nararamdaman akong kakaiba.

"Patawad Ama, hindi ako sasama." Sabi ko sakaniya.

"At bakit?"

"May kailangan pa akong puntahan." Sagot ko. Tinitigan niya ako.

"Saan ka pupunta? Sumama ka saakin at paniguradong makikita mo ang hinahanap mo." Tumawa pa siya pagkatapos niyang magsalita.

"Wala kanang pakialam." Tinitigan ko din siya.

"At kailan pa akong nawawalan ng pakialam sa'yong bata ka!?" Galit niyang sabi.

"Prinsipe Kurt, tama na. Mas mabuti pang sumunod nalang tayo kay kamahalan baka ano pang mangyari sakaniya." Sabi ni Brianna saakin. Hinawakan niya pa ang braso ko. Ngumiti si Ama.

"Mabuti pa itong si Brianna napaka sunorin na bata." Nakangiting sabi ni Ama. "Tayo na." Umuna na siyang lumakad. Tumigil siya. "Sumunod kayo." Utos niya saamin.

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon