Chapter 42

1.8K 51 15
                                    


CHARMAELAINE POV

Nagising ako bigla nang may naramdaman akong kamay. Kamay na nakahawak sa balikat ko. Nabigla ako nang pagmulat ng mata ko. Ang lapit lapit ng mukha saakin ng mokong na'to! at ngumisi pa siya saakin. Dahil sa pagkabigla ay nasapak ko siya. Napa aray naman siya sa sakit. Masakit ba?? Owwh.

"Anong ginagawa mo!? Tska bakit ka nandito!?" Sigaw ko sakanya.

"Hindi ba obvious?" Nakangiting tanong niya. "Tinitigan ko ang aking asawa." Nakakalokong sabi niya pa. "At baka nakakalimotan mo! Nandito ka sa teretoryo ko." Sabi niya at nag smirk.

Nilibot ko ang paningin ko. Hanggang sa nadapo ang paningin ko sakanya tapos tinaas baba niya pa yung kilay niya. Hayst.

Oo nga. Nakalimotan ko. Dito nga pala ako sa kwarto niya natulog kagabi tapos biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi.

"Ba't ka na mumula?" Tanong ni Jeff at humalakhak.

Hinawakan ko ang mukha ko. Namumula daw ako?

Tiningnan ko siya at patuloy padin ang paghalakhak ng baliw. Binigyan ko naman siya ng -Anong nakakatawa look- at tinaas ko ang isang kilay ko.

"Ayh! Ang taray naman nito." Sabi niya.

"Tsk ewan ko sa'yo!" Sabi ko. Tumayo na ako at lumabas sa kwarto niya. Pumunta ako sa sala niya. Grabe ang laki naman ng room niya dito sa dorm nila. May kwarto na may sala pa! Eh yung sa room namin ni Bianca hindi kasing laki nitong room niya.
Wala nga kaming sala hahaha sa cafeteria lang kami kumakain. Kwarto lang nandon.

"Gutom ka na ba? Sorry hindi ako nakapagluto. Nabusog na kasi ako." Biglang singit niya sa harap ko. "Nabusog kakatitig sa'yo. Nakakabusog pala ang mukha mo noh?" Sabi niya tska tumawa.

"Tsk. Baliw!" Bulong ko.

"Oo, tama ka nga! ang galing mo!" Nakangiting sabi niya. At nagawa mo pang maging masaya. "Baliw sa'yo yieeeeeee" Dagdag niya pa tska umarte na kinikilig. Luh! parang tanga! "Uyyyy kinikilig!!!!" Pang-aasar niya pa. Ano daw?

"Ewan ko sa'yo!" Sabi ko at tska tumalikod ako. Biglang tumahimik. Namatay na siguro siya sa kilig. Napansin ko ang bote ng alak. Umiinom ba siya ng mag-isa?

"Doon nalang tayo sa cafeteria kumain." Sabi niya. "Uhm, Charmaelaine?" Tawag niya saakin. Tiningnan ko naman siya. "Tungkol kahapon." Sabi niya. Hinihintay ko ang sasabihin niya. "Totoo yung narinig mo kahapon." Seryosong sabi niya. Lumapit siya saakin. Kinakabahan ako sa gagawin niya pero niyakap niya lang ako. "Hindi ko talaga alam. Nababaliw ang puso ko dahil sa'yo." Dagdag niya. Tiningnan niya ako sa mata. Hindi ko alam kong anong nangyayari! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Charmaelaine, may ipagtatapat ako sa'yo." Sabi niya at bumuntong hininga. Kinakabahan ako. "Charmaelaine----" Hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi may kumatok sa pinto.

*TOK TOK TOK*

"T-teka bu-buksan ko muna." Nauutal na sabi ko at tinuro ko ang pinto. Ewan ko ba't ako nauutal.

"Tsk disturbo!" Rinig kong bulong niya. Binuksan ko 'yong pintuan.

"Oh! Hi Prince Mark!" Masayang bati ko sakanya.

"Hello! Binabati ko ng magandang araw ang magandang binibini na nasa harapan ko ngayon." Nakangiting sabi nito saakin. Ang gwapo niya. Binigay niya saakin ang dala dala niyang kape.

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon