Chapter 39

2.1K 48 12
                                    


Prince Mark POV

Sabay kaming lumabas ni Jeff sa office ni sir Dean. Huminto siya bigla paglabas namin at naramdaman ko na tinitigan niya ako pero  hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Hoy!" Tawag niya saakin tska hinabol niya ako. "Isang tanong, isang sagot may gusto ka ba kay Charmaelaine!?" Tanong niya.

"Pake mo." Sabi ko at nagpatuloy parin sa paglalakad.

"Hindi pwede!" Sigaw niya.

Tsk bakit ba siya nag kakaganon?

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako dorm.

Humiga ako sa kama na nakangiti. Ewan ko kung bakit ako ganito baka dahil kay Charmaelaine. Masaya ako kasi nakasama ko siya kanina at pinasyal sa palasyo.

Ang saya saya ko talaga. Hindi ko alam kung bakit ba ako nag ka ganito dahil ba ito kay Charmaelaine o ano? Basta ang alam kolang masaya akong kasama siya.

Hindi mawala wala sa aking isip ang ngiti niya. Ang ganda ng ngiti niya at parang nakita ko na ito noon. Pero kailan ba yon? Bago lang naman siya dito. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaisip.

Jeff POV

"Aish! Bakit ba ako ganito!? Jeff okay ka lang ba!?" Tanong ko sa sarili ko at huminga ng malalim. Hinawakan ko ang puso ko. "Bakit ka nasasaktan? Bakit ka nasasaktan sa sinabi ni Mark? Bakit?" Tanong ko habang naka hawak sa puso ko.
"Aish Jeff ewan ko saiyo! mabuti pa't matulog kanalang!" Tska ako humiga.

After an hour.

"Arghhh!!! bakit hindi ako makatulooog!!!!!" Sigaw ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina ko. Yes ako lang isa sa room ko at malaki itong room ko kasi isa ako sa mga ranking. Noon kasama ko si Prince Mark sa iisang room pero dahil nga sa nangyari saamin noon kaya kami nag ka ganito ay pinakiusapan namin si Sir Dean na hindi kami magkasama sa iisang kwarto at dahil nga malakas si Prince Mark dito so ayown ang bilis pumayag ni Sir Dean palibhasa'y anak ng hari at reyna pero kahit ganito kami ni Mark naaawa din ako sakanya kasi namatay na nga ang Ina at Ama niya pati ba naman ang nag iisa at napakamamahal niyang kapatid ay nawawala din.

"Pero bakit mo siya iniisip, Jeff? diba nga may galit ka sa kanya? Aish!" Sabi ko sa sarili ko. Nabaling yung tingin ko sa cabinet na may naka lagay na alak sa loob. "Hmmm makainom nga." Tsaka kinuha ko ito at nag salin sa baso.

Nang maramdaman kong nahihilo na ako ay umupo ako sa mesa. Nahihilo lang hindi pa ako lasing. Matagal akong malasing hahahaha.

"Huhuhu bakit ba kasi ako nagkaganito?" Tanong ko sa sarili ko. "Bakit ba ako nasasaktan? Mahal ko ba siya? Mahal mo ba siya Jeff?" Tanong ko na naman sa sarili ko.

"Hoy Jeff makinig ka! Kung mahal nila ang isa't isa edi mahal nila! Wag ka nang makialam!" Singhal ko sa sarili ko.

"Aish!!!" Sigaw ko at hinablot ko ang sarili kong buhok.

Nang maubos ko yung alak nayon ay dahan dahan akong lumakad papuntang kwarto.

Mabuti  pa't itutulog ko nalang 'to

The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon