Bianca Pov,
Magkatabi kaming nakahiga ng aking kambal. Lumabas si Kurt dahil sinugod siya ng kaniyang men in black. Chour. Hindi ko alam basta parang ganoon na nga.
Hinawakan ko ang buhok ng kambal ko na walang malay na nakahiga sa aking tabi. Sinara ni Kurt ang nakamulat niyang mga mata kanina.
"Bea, Kambal ko. Hindi ko alam kung naririnig mo ba ako pero gusto ko lang sabihin saiyo na parang..." Huminga ako ng malalim. "Parang hindi ko naintindihan ang nararamdaman ko. Pumasok nalang bigla sa isip ko na hindi tayo safety na nandito tayo sa kahariang ito. Tiyaka sinabi ni Kurt kanina na naghahanda daw ang mga tauhan nila sa darating na laban. Ano kaya 'yun? Mag-aaway ba sila sa kaharian natin?" Tanong ko sa kambal ko kahit na alam kung hindi niya sasagotin ang mga katanungan ko kasi nga wala siyang malay.
Biglang pumasok si Kurt.
"Oh? bakit nandito 'yung mga alagad mo?" Tanong ko sakaniya pero hindi niya ako sinagot. Imbes na sagotin ako ay ang hayop biglang sumalampak sa tabi ko. Hinawakan pa ang tiyan ko. "H-hooy!! What are you doing!? Manyak ka! Lumayo ka nga!" Sigaw ko. Kinuha niya ang kamay niya na nakahawak sa tiyan ko tiyaka humiga ng nakadapa. Ang sabi ko lumayo ka hindi dumapa! Walang hiya!
"Hindi ka talaga nakakaintindi ano!?" Inis na sabi ko nito.
"Hmmm pagod ako Bianca. Gusto ko ng matulog. Kung gusto mong lumayo ako, ikaw nalang ang lumayo. Doon ka sa kabila." Walang ganang sabi nito.
"Aba! ako pa ang mag a-adjust ngayon ganon!? Ayaw ko! Bahala ka diyan!" Pagtangi ko.
Tumayo siya at kinamot niya ang batok niya. Wala siyang ganang lumakad. Nagulat ako ng bigla siyang sumalampak sa kabila, sa tabi ng kapatid ko.
"H-hooy!! ano 'yang ginagawa mo!! aliiisss!!!! Umalis ka diyan sa tabi ng kapatid ko!!!"
"Eh sabi mo eh umalis ako sa tabi mo. Edi umalis na ako sa tabi mo."
"Aish! Sinapo ko nalang ang ulo ko."
Lumabas nalang ako. Maaga pa para matulog. Tiyaka nakaka stress si Kurt.
Minamasdan ko ang mga ginagawa ng mga tauhan nila. Dahil busy sila hindi nila ako napansin. Hmm.
Charmaelaine pov,
"Dell tama na." Kanina pa niya kasi ako pinipilit na mag insayo. Eh sa nakakatakot siya magalit kaya napilitan nalang ako na pumayag.
"Tumigil ka! Kanina ka pa ganiyan! kaya wala kang nalalaman eh!" Galit na sabi nito. Ayan na naman siya. Nakakatakot siyang magalit. Kanina pa 'yan ganiyan.
"Eh sa hindi nga lumalabas ang kapangy---"
"Alam kong hindi lumalabas ang kapangyarihan mo kaya nga tuturuan kitang lumaban!"
"Tinuruan mo naman ako ah."
"Pero hindi mo pa din nakukuha!"
"Anong nangyayari dito? Bakit kayo nag sisigawan?" Napalingon kami sa bagong dating.
"Prince Mark." Sabi ko.
"Bakit kayo nag mamadaling umalis kanina? Tiyaka bakit kayo nag aaway?" Kunot noong tanong niya.
"Hindi kami nag aaway." Nagkatinginan kami ni Dell nang magsabay kaming sumagot.
"'Yung totoo?" Kumunot ang noo niya.
"Hindi talaga kami nag away, Prince Mark." Sagot ko ulit sakaniya.
"Okay kung ganoon. Nagugutom na ba kayo? Tara sasabayin ko kayo sa Cafeteria." Aya niya saamin.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of The Wonderful Kingdom (Powerful Academy)
FantasyMay nawawalang isang prinsessa sa kaharian ng Wonderfull Kingdom. Nang dahil sa nangyaring kaguluhan ay nahiwalay siya sa kaharian at sa kanyang mga magulang. Napadpad siya sa mundo ng mga tao at isa lang ang kanyang kasama, ang kanyang Tita. Ano ka...