CHAPTER TWENTY-FIVE

191 9 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE



TILA isang baliw na tumatawa si Nimphadora habang tinitingnan ang mga kasamang kumakain ng kung anu-anong pagkain sa isang tambakan ng pagkain sa gusali ring iyon kung saan sila kinulong. Mamaya niya susunugin ang gusali kapag nakakain na ang mga kasama. Napatay na nga rin nila ang ilang nagbabantay doon.

Bukod kasi sa wala na sila sa katinuan, mas tumitimbang ang kagustuhan ng mga itong makalaya na.

“NIMPHA! PAKAWALAN MO NA KAMI!” sigaw ni Danielle Salvatore. Humagalpak siya ng tawa dahil doon. Ganyan na ganyan ang mga naririnig niyang sigaw ng mga kasamahan niya nung sila ay nakakulong pa. “MAAWA KA! PANGAKO, MAGSASAMA TAYO ULIT. WALA NA ANG ASAWA KO!”

Isang malakas na tawa muli ang pinakawalan niya. Marami pa siyang kailangan ihanda sa paglabas nila sa gusaling iyon. Matagal nang nakaplano sa utak niya noon pa man kung ano ang gagawin kapag nakatakas siya kaya madali nalang iyon isagawa.

“NIMPHA!” sigaw ng sigaw si Danielle at naririndi na rin siya kaya nilapitan na niya ang dalawa.

“Maya-maya ay masusunog na kayo. You’ll going to burn in hell as well, kaya pwede ba? Mag-hintay kayo!” sigaw niya. Tapos ay umalis siyang muli.

Dahil nagtrabaho rin naman siya noon sa kamay ng mga Rizuto, kahit papano ay alam niya ang pasikut-sikot ng building na iyon. Alam niya kung saan nakalagay ang mga armas, pagkain, damit, droga at iba pa. Sinabihan nga niya ang mga kasama na pagkatapos kumain, maghahanap muna sila ng maisosoot at mga armas na maari nilang gamitin laban sa mga Rizuto. Sumunod naman sakanya ang lahat.

Matapos iyon ay lahat sila’y nagtulong tulong upang ibuhos ang gallon gallon na gas sa gusali. Talagang lumapit pa siya sa dalawang Salvatore at ibinuhos ang isang galong gas sa mga ito. Nang matapos nga silang magbuhos, pinalabas na niya sa gusali ang mga kasama at sinabihan na itago lahat ang armas upang hindi sila pagdudahan ng mga tao.

Puting t-shrit at puting pajama lang ang naroon kaya pare-pareho sila ng soot. Iyon lang kasi ang mga isonosoot ng mga trabahador sa paglalagay ng droga sa sachet.

“Any last word, Salvatore?” tanong niya.

“Pakawalan mo nalang ang anak ko. Ako nalang.” Sabi nito kaya humalakhak siya. Tumingin siya sa anak nito na tila wala naman nang pakialam at tanggap na nito ang kapalaran.

“Ano ako, gago?” sabi niya at walang pag aalinlangan na sinindihan niya ang mag ama. Sigaw ng mag-ama ang maririnig sa gusali habang patakbo siya palabas. Baka kasi masama pa siyang matupok ng apoy. “You’re next, Rizutos.”



***



NANLULUMONG umuwi sa condo si Kenzi nang umuwi siya galing sa hospital. He is alone now. His mom’s gone after Maxus’ party, his dad and brother are in the traitor’s prison now. Hindi niya tuloy maiwasan mag isip, did he do the right choice?

When Zholianna slapped him at the hospital, he realized many things. He loves his family. He betrayed them just because mahalaga sakanya ang mga kaibigan niya. At lalung-lalo na, he’s in love with Zho ever since they were kids. Itinago niya lang iyon dahil mahigpit na pinagbabawal ng pamilya niya noon na bawal niyang ligawan si Zholianna.

Shawn did try. Pero walang nangyari dahil ayaw rin sakanya ni Zho. Isa pa, kahit magustuhan ni Zho ang kuya niya ay hindi rin papayag ang pamilya niya. Pati na rin si Mr. Rizuto. Alam na rin naman niya kung sino ang gusto ni Zholianna, iyon ay si Maxus. Bata palang sila ay puro Maxus na ang bukang bibig nito. At ngayon, galit si Zholianna dahil sa nagawa niya kay Max.

Napaluha siya. He feels lonely. Puntahan niya kaya ang daddy at ang kuya niya? Busy sa hospital si Mr. Rizuto at wala naman sigurong masama kung bisitahin niya ang daddy at kuya niya. Tama, pupuntahan niya muna ang mga ito upang makahingi ng tawad sa mga nagawa niya. Iniwan niya ang mga ito sa ere. Kung hindi man siya mapatawad, atleast sinubukan niyang humingi ng tawad. Tama naman, hindi ba?

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon