CHAPTER TWENTY-ONE

254 13 4
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Pinilit niyang magpakatatag hanggang sa matapos ang mga ito sa kakabugbog sakanya. Nang makaalis ang mga lalaki, dahan-dahan siyang tumayo. Bawat galaw niya ay napapadaing siya.

Tumingin siya sa repleksyon niya sa salamin. Ang kaninang elegante niyang mukha ay tila nawala ng tuluyan. Sabog ang buhok niya at halos mapunit na ang soot niyang pulang dress.

Pumanhik siya sa kanyang kwarto at doon nagpalit ng oversized shirt. Nahahalata rin sa katawan niya ang mga pasa at latay na natamo kanina. Napapaiyak nalang siya sa awa sa kanyang sarili. Tumingin siya sa orasan, isang oras nalang ay kaarawan na ni Maxus.

Nagdahan-dahan siyang lumabas sa kwarto at tinungo ang fridge. Kinuha niya doon ang isang cake at siya na mismo ang gumawa ng letterings gamit ang melted chocolate “Happy Birthday, Maxus” iyon ang nakalagay.

Nang matapos ay dahan dahan rin siyang lumabas ng bahay. Hindi naman siya bilanggo sa bahay na iyon kaya malaya siyang nakaalis gamit ang sasakyan niya patungo sa mga Rizuto. Sana lang ay walang sumunod sakanya.

Sa tagal niya sa mansion ng mga Rizuto alam na niya ang parte kung saan walang nakabantay. At sa likod ng bahay iyon malapit sa pool area at doon din malapit ang kwarto ni Maxus.

Kahit nananakit ang buong katawan niya ay hindi na niya iyon pinansin. Ang nasa isip niya ay ang mapuntahan si Maxus. Umakyat nga siya sa bakod dala dala ang cake na para kay Maxus. Nang sa wakas ay nakapasok na siya sa loob, sa balkonahe naman ni Maxus siya umakyat at doon na siya kumatok.
Nakailang katok pa siya bago sumilip si Maxus sa sliding door.

“Z-Zho?” anito na nakasimangot ang mukha.

“L-let me in, Max.” mahinang niyang saad pero umiling ito.  Alam niyang galit ito sakanya. Siguro nga ay hinding hindi na siya papaniwalaan.

“Please, Maxus…Marami akong gustong ipaliwanag sayo.” She said. Hagulgol na ang iyak niya. Nakita naman niya na tila nanlambot ang mukha nito.  “Please, Maxus. I’m begging you.”

“Umalis kana, Zho.” Malamig nitong tugon. Umiling siya. Imbes na umalis ay inilabas niya ang isang box mula sa paper bag na dala. “Is that a bomb or something?”

Hindi siya nagsasalita. Binuksan niya ang box at inilabas niya ang isang bilog na cake at may nakahulma doon na, HAPPY BIRTHDAY, MAXUS. Tapos ay kumanta siya.

“Happy birthday, Maxus! H-Happy birthday, Maxus! Happy birthday, Happy birthday! Happy birthday, Maxus!” lumuluhang siyang kumanta ng mahina. Ilang sandal pa ay nakita niyang bumuntong hininga ang binata saka nito binuksan ang pinto. “Happy birthday, Max.”

“Zho…”

“I am so sorry, Max. I missed you. I love you.” Iyak niyang bulong saka niyakap ang binata.

“Pero sinabi mong hindi totoo na mahal mo ako.” Anito at humiwalay sa yakap. Nakakunot ang noo siyang tiningnan. “Ano? Pakulo mo na naman ba ito? What are you doing here anyway?”

“They want me dead, Max! Pinilit lang ako na sumama sakan—”

“Really? Hindi ako naniniwala. You’ve been a spy, Zho!” sigaw ni Maxus.

“No! Please, trust me—”

“You told me not to trust anyone.” Putol nto.

“Trust me this time, Max.” she begged. “P-Please Max. Just give me another chance. H-Hindi ko kagustuhan ang lahat. They j-just force m-me to do it! T-they want me d-dead kapag hindi ako sumama sakanila!”

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon