CHAPTER SEVEN
KANINA pa si Maxus sa loob ng shower room. Hinayaan niya lang na dumaloy ang tubig sa hubad niyang katawan. Nakatitig lang siya sa pader at malalim ang iniisip. Bakit pakiramdam niya ay nakadikit pa rin ang katawan ni Zholianna sakanya?
Bakit tila sinisilaban siya ng apoy sa tuwing bumabalik sa isip niya ang nangyari sakanila ng dalaga? Alam niyang galit si Zholianna paglabas nito ng kanyang kwarto kanina. Hindi niya tuloy alam kung papano haharapin ang dalaga.
Makalipas ang ilang minutong pagkakatitig sa pader, naisipan niya ng patayin ang shower at magbihis na. Kailangan na rin kasi niyang maghanda para sa dinner nila mamaya kasama ang ama-amahan.
Sa mansion lang ang dinner kaya naman hindi na niya kailangan pang magsuot ng kahit anong make up. O kahit na magarang kasootan. Plain white T-shirt and shorts ang sinuot niya. Nagsuklay lang siya ng buhok at hindi na rin siya gumamit ng kung ano pang pabango. Tsaka tiningnan ang orasan. It’s already 7:45PM. Kaya naman lumabas na siya ng kanyang kwarto.
Magkatapat ang kwarto nila ni Zholianna. At sabay nga silang nagbukas ng pinto. Nakasoot lamang din ito ng puting dress. Simple lang din gaya niya. Nakalugay ang mahaba nitong buhok. Nagkatitigan sila.
“Zho—” akmang lalapitan niya ang dalaga pero agad itong umiwas at nauna nang naglakad pababa.
Napahilamos nalang siya sa kanyang mukha. Ramdam naman niyang gusto nilang pareho ang nangyari at alam rin nilang mali iyon dahil magkapatid ang tingin sakanilang dalawa. Siguro nadala lamang sila sa kanilang ininom na wine. Siguro. Hindi rin siya sigurado sa nararamdaman.
Handa na ang hapag kainan. Samu’t sari rin ang pagkain. May mga body guards na nakapalibot sa dining area. Wala pa ang Mafia Boss nung dumating siya. Gayun pa man ay umupo na rin siya katulad ni Zho na hindi parin siya pinapansin.
“Zho—”
“Yes, Elliot?” agad na sagot ni Zho. Tumingin ito sakanya. Tinitigan niya rin ito na tila ba binabasa ang mata ng dalaga. Parang sinasabi nitong huwag munang banggitin ang bagay na iyon. Napabuntong hininga nalang siya. Nanaig na naman ang katahimikan sa pagitan nila.
“Good evening, Elliot, Zholianna.” Napatayo sila at sinalubong ang kanilang ama-amahan. Binati nila ito pabalik. “How’s your day?”
“It’s good, dad. Nakatulog naman ako ng mahimbing.” Deretsong tugon ni Zholianna. Tumango naman ang ama-amahan at tumingin sakanya na tila nag aantay rin ng kanyang tugon.
“Same as my sister, dad.” Tugon niya sabay tingin sa dalaga na umiwas naman ng tingin. Sister? Hanggang doon na nga lang ba talaga iyon?
“Mabuti naman kung ganon. Dahil ngayong araw, dadalhin ko kayo sa ating mga negosyo.” Seryosong turan ng ama-amahan.
Akmang kukuha na siya ng pagkain pero agad may pumuntang maid doon at ito ang naglagay ng pagkai sa plato niya. Hindi sila ang naglalagay ng pagkain sa mga plato nila. Kundi mga katulong. Hindi siya sanay sag anon kaya medyo naiilang siya.
“Kailangan niyong matuto sa mga negoso natin habang bata pa kayo. Lalo na ikaw, Elliot dahil sayo ko iiwan ang malaking parte ng mga ari-arian.” Dagdag ng ama-amahan. Kasalukuyan na silang kumakain.
Tahimik lamang sila ni Zho habang nakikinig. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumikhim si Zho.
“Dad,” umpisa ng dalaga.
“Yes, darling?” matamang tiningnan ito ng matanda.
“Can I excuse myself for tomorrow?” malumanay na paalam nito.“Why?” kunot noong tanong naman ng ama-amahan.
BINABASA MO ANG
STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETED
Romance[WARNING: RATED SPG!] STANFORD SERIES #3 Maxus Calvin Stanford and Zholianna Collins DATE STARTED: APRIL 27, 2020 DATE FINISHED: