CHAPTER TWELVE

338 15 0
                                    

CHAPTER TWELVE




KANINA pa nag iisip si Maxus kung paano niya sasabihin kay Zho na gusto niyang makita ang kanyang pamilya bago sumapit ang kaarawan. Alam niyang delekado ang gusto niyang mangyari pero kung tutulungan siya ni Zho, magiging malinis ang plano niya. Sa isip niya, sana tulungan siya nito.

Inabangan nga niya ang dalaga sa labas ng kwarto nito pagsapit ng umaga. At ng lumabas nga ang dalaga mula sa pinto ay agad niya itong nilapitan.

“Zho. . .” Aniya. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat at pagtataka dahil siguro nasa labas siya ng pintuan.

“What? Where are we going?” Hinila niya ang dalaga papasok sa kanyang kwarto. Binitawan niya lang ito ng nasa loob na sila ng kwarto. Tinitigan niya ang dalaga sa mata habang ito nga ay nagtataka pa rin sa kinikilos niya.

“May sasabihin ako. Sorry I dragged you in here. We need to talk in private.” Aniya. Tumaas ang kilay ng dalaga. Kahit nakasoot lang ito ng oversized t-shirt na puti ay maganda pa din ito. Partida at wala pa itong make up.

“About what?” tanong ng dalaga. Hindi niya alam kung papano sisimulan ang sasabihin. Tumingin siya sa kisame at hinimas pa niya ang batok. “Now what Maxus?”

Tumingin siya sa dalaga. Pinuno ng hangin ang dibdib.

“I want to see my twin before our birthday.” Deretsahan niyang saad. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig.

“Are you fucking serious right now?” masungit nitong tanong. Tumango lamang siya bilang sagot.  “Oh, come on, Maxus! Alam mong hindi pwede ang sinasabi mo.”

“Just one last time, Zho. I just want to see if they’re doing good.” Sabat niya.

“Of course, they are! Kung ‘yan ang gusto mong malaman, why don’t you just browse on the internet? Ano pang silbi ng mga gadgets mo? They’re famous on social media, Max. Facebooks, intagrams, tikstoks, youtubes, halos lahat yata ng social media platforms ay naroon ang mukha ng mga Stanfords.” Sagot naman ng dalaga. Umiling siya.

“Social media?” Aniya sabay ngisi.  “It’s all fake, Zho. I don’t trust people’s life on social medias. Hindi lahat ng naka post sa social media ay totoo.”

Alam niya iyon dahil naranasan niya ito sa piling ng kanyang pamilya. Halos lahat ng nasa social media ay pagpapanggap. Nais lamang kumuha ng attention ng mga tao kaya halos lahat ay scripted. Lahat may pasabog na gawa gawa lamang ng mga manager upang sumikat ang isang artista. Lalo na kapag nararamdamang palaos na ito. Gagawa at gagawa ng kahit na anong issue upang marinig ulit ng mga tao ang mga pangalan. Mabuti man o masama, ang social media ay unti unting bumibilog sa isip ng mga tao.

“Okay fine. Pero hindi tayo basta bastang makakapunta doon.” Kumalma naman ang dalaga. Tila nag iisip. Hindi mapakali. Alam niyang gusto rin siyang tulungan ng dalaga. Sadyang mahirap lang gawin ang gusto niya. “Magagalit si Mr. Rizuto!”

“He’ll never know.” Giit niya.

“Paano ka makakasigurong hindi malalaman ni Mr. Rizuto ang plano mo?”  si Zho.

“Mag-iingat tayo.” He answered.

“You knew Mr. Rizuto! He is capable to do everything para lang mabantayan ang bawat galaw natin.” Giit muli ng dalaga. “He can be the worst.”

“Please, Zho.” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Gustong gusto niya talagang makita ang mga ito. “Please. I just wanna see them. Kahit hindi ko na sila lapitan. Gusto ko lang talaga silang makita.”

“Max—” mag sasalita pa sana ang dalaga ngunit siniil na niya ito ng halik. Mabagal ang halik na iyon pero bago pa man tuluyang malunod sa init ng kanilang katawan. Humiwalay na ang dalaga. “O-okay okay! I’ll call you later kapag okay na. Let’s have breakfast with Mr. Rizuto first.”


STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon