CHAPTER NINETEEN

197 8 1
                                    

CHAPTER NINETEEN


“WHO’s the new spy?” tanong ni Zholianna sa mag-asawang Collins. Nakangisi ang mga ito na tila walang pakialam sa nararamdaman niya.

“Do you think we’re dumb? Bakit namin sasabihin sayo? From now on, you’re done to your Rizuto task. Ang kailangan mo lamang gawin ngayon ay ang magpaganda upang hindi bawiin ng mga Raddison ang marriage proposal.”

“Ayoko nga magpakasal!” sigaw niya. Isang sampal muli ang natanggap niya. Kasunod ng isa pa sa kabilang pisngi.

“There’s no turning back, Zholianna!” mariing saad ni Mr. Collins. “I gave you one more night to be with the Rizutos. Bukas na bukas din ay ipapasundo kita doon. You’ll be named as a traitor to them kaya huwag kanang umangal.”

“And that Elliot Rizuto, he seems weak. Kaya mabilis nalang mapapatalsik sa pwesto yang mga Rizuto na yan!” dagdag ng ina nito. “And sooner or later, tayo na ang pinakamalakas na organization sa buong asia.”

“Don’t underestimate the Rizutos.” Ngisi niya. She knows how many men has Mr. Rizuto. Mga malalakas na tao. Also, weapons, Rizuto has a lot of it. Any variant. Anything that they can imagine.

“I hope that the heir will be the first one to die.” Dagdag ni Mr.Collins. Walang kaalam alam ang mga ito na si Elliot ay hindi totoong anak ni Mr. Rizuto at wala na siyang balak sabihin iyon sa mga ito.

“Who knows kung sinong unang mamatay sainyo ni Elliot?” nakataas ang kilay niyang saad. Wala na siyang pakialam pa kung makakatikim muli siya ng sampal. At tama nga siya, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya galing sa kanyang itinuring na ama.

“Then, let’s see.” Ani Mr. Collins bago siya iniwan doon sa sala.

Umupo siya sa sofa at doon siya umiyak ng umiyak. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gusto niyang takasan ang lahat ng ito. Gusto niyang magpakalayo layo. Malayo sa mga Collins. Malayo sa lahat ng pamilyang binibigyan siya ng pasakit sa buhay.

“Maxus. . .” aniya. Tumingin siya sa oras, halos ginabi rin pala siyang umiiyak sa sofa. Tumayo siya at inayos ang sarili. Tapos ay nagmaneho na siya pabalik sa mga Rizuto. Bukas, hindi na siya magiging parte ng Rizuto.

Nang makabalik nga sa mansion ay nadatnan niya ang mga kaibigan niyang lalaki kabilang si Maxus na nag iinom sa pool. Hindi muna siya lumapit sa mga ito dahil mukhang hindi naman siya napansin. Nakikinig lamang siya sa usapan.

“Ikaw Elliot hindi ka ba naiingit sa kambal mo dahil siya yung naging sikat?” si Rexford. Mukhang lasing na nga ang mga ito dahil sa tono ng mga boses. Medyo hindi na mabigkas ng maayos ang mga sinasabi.

“No...” tipid na sagot ni Maxus. “Why would I? Hindi ko naman gusto ang maging sikat ever since we were a child.”

“Okay.” Tugon lamang ni Rexford.

“Marcus Stanford is a really good actor. Pati sa pagiging host. Napaka ganda rin ng asawa niyang si Calixtah.”  Dagdag ni Shawn na halatang tinamaan na rin ng alak.

“I’m proud of my twin.” Maxus added. Kailan man talaga ay hindi niya nakikitaan si Maxus na gusto nitong maging artista o host. Wala talaga ito sa pangarap ng binata.

“Don’t you miss them? Buti hindi mo naisip na balikan sila?” tanong naman ni Kenzi.

“I promised Mr.Rizuto that I’m gonna be his son at hindi na babalikan ang pagiging Stanford.” Max answered. “Of course, I miss them. Lalo na yung pamangkin ko. Pero hanggang doon nalang iyon.”

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon