CHAPTER FIFTEEN
NAKARAMDAM muli si Maxus ng kaba ng umagang iyon. Nagising nanaman siyang wala si Zholliana. Pati sa kwarto nito ay wala rin. Hindi niya alam kung tatawagan niya ang dalaga o hayaan na lamang niya ulit ito. Dahil baka babalik rin naman ito mamayang gabi, katulad ng ginawa nito kahapon. Inisip nalang niya na may inasikaso lang muli ang dalaga at hindi na nanaman ito nakapag paalam sakanya.
Ilang saglit pa ay tinawag siya ng katulog. Pinapababa raw siya ni Mr. Rizuto dahil kakain sila ng almusal. Tamang tama, tatanungin niya ang matanda tungkol dito. Nagmadali siyang nag-ayos ng sarili bago siya bumaba. Naroon na nga ang kanyang ama-amahan.
“Good morning, dad.” Bati niya.
“Good morning. Sit down and eat.” Tugon nito na medyo seryoso ang boses. Nang makakuha ng pagkain. Nagsalita muli ang matanda. “You know what, son? My morning isn’t good at all.”
“Why, dad?” tanong niya.
“Because of Zholianna.” Sagot ng matanda kaya natigilan siya sa pag nguya. Uminom siya ng tubig at tumingin sa ama-amahan. Halata ngang galit ito pero bakit? “From now on, forget about her.”
“W-what?” naguguluhan siya. “W-what’s going on, dad? She’s my sister.”
“Not anymore, Elliot. Marami siyang nagawang kamalian sa organization.” Seryosong saad ng matanda na ikinagulat niya. Marami pa siyang gustong itanong pero nagsalita muli ang matanda. “I’m gonna kill that traitor bitch. Matapos kong pakainin at bihisan ng ilang taon ay ganito pa ang isusukli saakin.”
“D-Dad, what are you talking about?” nanginginig na siya. Kinakabahan sa mga sinasabi ng ama-amahan. Kill her? Bakit gigil itong patayin si Zho?
“Pinaulit ko kina Ajax ang plano sa birthday celebration mo. And I’m trying to fix all the problem that Zholianna made. Wala akong panahon to answer your question, son.” Saad nito. “Don’t ever talk to that bitch. Kung ayaw mong madamay sa galit ko, Elliot.”
Hindi na siya nakakain dahil sa kabang nararamdaman niya. Tumayo na rin si Mr. Rizuto at nagpaalam na itong pumanhik sa opisina. Galit na galit ang matanda at hindi niya alam kung anong nagawa ni Zho para magalit ito ng ganun.
Mukhang kailangan niyang tawagan si Ajax o kaya ay si Kenzi. Pero bago iyon ay tinawagan muna niya ang numero ni Zholianna. Pero nabigo siya dahil out of reach na ito.
“Shit!” mura nalang niya.
Ano ba ang nangyayari? Nanginginig siyang umakyat sa kanyang kwarto. Wala na siyang pakealam kung kakaunti lamang ang nakain niya. Nawalan narin naman siya ng gana. Kailangan niyang makuha ang susi ng sasakyan at pupuntahan niya ngayon din si Ajax. Malamang alam nito ang mga nangyayari.
***
“SHE betrayed us.” Natigilan si Maxus sa mga narinig na sagot mula kay Ajax. Nang dumating siya sa bahay nito ay nadatnan nga niya na busy ito sa pag aayos ng mga kailangan sa birthday celebration. Iniba lahat ng caterings at mga pakulo. Si Zho kasi ang umayos ng lahat kaya baka patibong lahat ng ginawa nito. Dahil ayon kay Ajax, sumama na ito sa kalaban.
“Hindi ako naniniwala.” Aniya. Umupo siya sa sofa at sumandal saka pumikit.
“That’s the truth, Elliot. Zholianna is a traitor. We have to accept it whether we like it or not.” Sagot ni Ajax. Naningkit ang mga mata niya sa narinig. “She’s a liar, Elliot.”
“Don’t ever say that.” Aniya. “Hindi natin alam ang side ni Zho. Pwede bang huwag muna tayong manghusga?”
She trusted her. Kaya mananatili siyang kakapit sa tiwalang iyon. Hangga’t hindi niya nakakausap ang dalaga at hanggat hindi niya naririnig ang rason nito, hindi siya basta-basta maniniwala na traydor ito.
BINABASA MO ANG
STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETED
Romantik[WARNING: RATED SPG!] STANFORD SERIES #3 Maxus Calvin Stanford and Zholianna Collins DATE STARTED: APRIL 27, 2020 DATE FINISHED: