CHAPTER TWENTY-TWO

211 9 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO



NANG makarating si Maxus sa abandonadong bahay, kung saan nya dinala si Zholianna, nadatnan na lamang nila ni Ajax na patay na ang mga bantay doon. Kaya naman halos liparin niya ang pagpasok sa loob upang makita ang dalaga. Kinakabahan siya. Maaaring may hindi magandang nangyari.

“ZHOLIANNA! WHERE ARE YOU, ZHO!” sigaw niya ng makitang wala na ang dalaga doon. Tama ang kutob niya. Naitakas ng mga kalaban si Zholianna. Naiwan nalang ay ang mga ginamit pantali sa dalaga. “Where is she?!”

“Titingnan ko sa likod.” Sabi naman ni Ajax saka ito nagmadaling tinungo ang back door. Siya naman ay naglibot pa sa ilang kwartong naroon. Nasaan na ba ang dalaga? Nakatakas ba ito? O may nagtakas? Ang mga Collins? Raddison? O Fathon?

Hindi maaaring mawala si Zho! Hindi niya akalain na makakaramdam pa rin siya ng pag-aalala para rito. Sana nasa maayos ang dalaga. Lalo pa at totoo ang mga sinabi nitong may mga tattoo na letter “C” ang ang kaaway.

“ZHO?!” paikot ikot siya sa kakahanap ngunit ni anino ng dalaga wala talaga roon.

“There you are!” bago pa man niya makita kung sino ang nagsalitang iyon ay naramdaman na niya ang matigas na bagay na tumama sa kanyang ulo. Kilala niya ang boses na iyon.

“F-Fuck you, K-Kenzi. . .” nagawa pa niyang sabihin iyon bago siya mawala ng malay.


***


NAKANGISING nakatingin si Mr. Salvatore sa mga bihag niya mula sa CCTV room, kung saan niya pinapanood ang mga bihag na walang malay. Nandoon lamang sila sa mansion ng mga Rizuto na kaunting panahon nalang ay magiging sakanya na.

“Dad, pwede bang huwag na nating idamay dito si Zholianna? She’s a woman! She’s my friend, dad!” ang anak niyang si Kenzi na kanina pa hindi mapakali.

“Are you serious? Zholianna knows everything, Kenzi!” sigaw niya sa anak. Habang nakatutok pa rin ang mga mata niya sa mga monitor.

Si Mr. Rizuto na nasa camera 1, na ngayon ay nag-aagaw buhay dahil halos maubusan na ito ng dugo. Sa harap nito ay ang mga papeles, mga properties ng Rizuto. Ang gagawin lamang niya ay papipirmahin ang matanda sa mga iyon upang maisalin sakanya lahat ng ari-arian. Sapilitan man niyang ipapagawa, wala siyang pakialam.

“Zholianna don’t know about us being a traitor.” Giit ng anak. Saglit niyang tiningnan ito.

“Maxus knows.”

“Kaya nga bago pa masabi ni Maxus kay Zholianna ay tanggalin na natin siya sa kwartong iyon! Labas na natin siya sa gulong ‘to.” sigaw ng anak kaya nagsalubong ang mga kilay niya.

“Are you commanding me?”

“Dad, Zholianna is my bestfriend! I love her, dad.” Dagdag nito kaya napailing siya. Saka ibinaling ang tingin sa mga monitor.

Sa camera 2 ay ang grupo ng mga kaibigan ng anak niya, sina Ajax, Damon, at Rexford. Nakatali ang mga kamay ng mga ito sa upuang bakal.

“Please, dad. I’m begging. Let Zholianna go.” Pakiusap muli ng anak niya.

“You’re a fool, Kenzi. Forget about her.” Matigas niyang saad. “We can get money from her, Kenzi. She’s the only successor of the Collins.”

“Is Rizuto’s money isn’t enough, dad?”

Sa Camera 3 naman ay sina Zholianna, Maxus at Zhaino. Napangisi siya ng makita ang tatlo na galing pa sa mga malalaking pamilya. Si Zholianna, na may dugong Fathons at ampon ng Collins/Rizuto, si Maxus na anak ng isang sikat na si Mr. Stanford at ampon ng Rizuto, at ang huli, si Zhaino, ang anak ng mga Raddison. Raddison, Fathons, Collins at Rizuto, lahat yan ay gusto niyang mabura. Ang tatlo ay nakasoot lamang ng kani-kanilang underwear. Wala ng iba.

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon