CHAPTER EIGHT

446 23 0
                                    

CHAPTER EIGHT

UMIIYAK. Nakahubad. Magulo ang buhok. Nababakas sa mga magagandang mukha ng mga babaeng naroon ang pagdudusa. Kalungkutan, hirap at galit. Hindi rin nawawala sa mga mata ng mga ito ang pagmamakaawa at pagkadesperada ng mga itong kumawala mula sa mga maliliit na kulangan na tila mga aso.

Nanlulumo si Maxus habang nakatingin sa mga babaeng bihag.

“Sir! Ilabas niyo na kami, sir!” tila isang babaeng kinakalampag na ang dalawang pinggan nito upang makuha lamang ang atensyon nila. Nilapitan nga nila ang babaeng iyon. Magulo ang buhok. Madungis. Pero halatang may hitsura ito kapag inayusan. Binitawan nito ang hawak na pinggan at humawak sa mga rehas at tila nakaluhod na. “May mga anak rin kami! Maawa naman kayo!”

Sa puntong iyon ay naalala niya ang kanyang mommy. Paano kung ang kanyang ina ang naroon? Nadudurog ang puso niya. Tila nasa isang kulungan ang mga ito. Kulungan ng mga babaeng tila ginagawang parang mga aso.

“MAAWA KAYO SAAMIN!” nagulat pa siya ng may sumigaw na babae na nasa katabi lamang niyang kulungan. Agad siyang umiwas dahil sa gulat.

“TULONG!” Tila nababaliw na ang mga ito na kanya kanya ng sumisigaw. At tila wala lang iyon sa ama-amahan. Nakatingin ito sakanya na para bang inaaral nito ang kanyang emosyon.

“MAAWA NA KAYO SAAMIN!”

“PLEASE!”

“PALABASIN NIYO NA KAMI”

“PARANG AWA NIYO NA!”

Nadudurog ang puso niya. Pero pinilit niyang huwag maglabas ng kahit na anong emosyon hanggat maaari. Ang ibang babae pa nga’y hindi nalang gumagalaw dala narin siguro ng pagod at gutom. O kaya’y sumuko nalang.

“What the hell is going on here?” hindi niya alam kung bakit kusang bumukas ang kanyang bibig. Na dapat ay sa utak lamang niya iyon. Kaya naman tiningnan siya ng serysoso ng kanyanag ama-amahan.

“Are you scared?” tanong nito.

“He’s the Mafia Boss’ son!” isang babae ang sumigaw. Nagkaroon ng katahimikan ang mga babae. Na wari’y kanya kanyang nag-iisip. Lahat ng mata ay nakatuon na sakanya.

Napahawak pa siya sa kanyang mukha. Oo nga pala. Nakasoot siya ng make up. Hindi pala mukha ng isang Maxus Stanford ang mukha niya ngayon. Kundi isang Elliot Rizuto.

“Your father killed our son and raped our daughters!” sigaw din nung isa. “Your father is a monster!”

“AT BALANG ARAW MAGIGING ISANG DEMONYO KA RIN KATULAD NG AMA MO!” galit na galit na dagdag nung isa. Saka ito tumingin sa ama-amahan niya at dinuro ito. “FUCK YOU MAFIA BOSS! MAMAMATAY KA RIN GAYA NG ASAWA MO! MAMAMATAY RIN ANG ANAK MONG YAN—”

Mabilis ang pangyayari. Nagulat nalang siya ng mabilis itong binaril ng isa sa mga guards nila. Napatahimik ang lahat. Sa noo tinamaan ang babae.

“TUMAHIMK KAYONG LAHAT KUNG HINDI AY PAPASABUGIN KO ANG ULO NINYONG LAHAT!” sigaw ng ama-amahan. Ang ilan ay masama lamang silang tiningnan. Ang ilan naman ay umiyak nalang. Naglakad na nga sila palayo sa mga kulungan.

Isang kwarto ang pinasok nila. Kulay puti ang kwarto. Tahimik hindi gaya ng nasa labas. May wine at dalawang baso ring nakahanda doon. Isang mesa at dalawang upuan na nakahanda para sakanila. Doon ay may closet, nagpalit ang ama amahan. Habang siya nakatingin lang. Kung may apoy lamang sanang lumalabas sa mata niya ay baka akanina pa sunog ang matanda.

“What?” tanong ng ama amahan. Napansin yata nitong nakatingin siya rito.

“Ano ang ginagawa mo sa mga babaeng nasa labas?” walang galang niyang tanong kaya naman napataas ang kilay nito.

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon