CHAPTER NINE

415 23 0
                                    

CHAPTER NINE



DINALA nga siya ng mga kumidnap sakanya sa isang magarang mansion. Akala niya, katulad kay Mr. Rizuto, aalagaan din siya doon, ngunit hindi. Ikinulong siya sa isang maliit na kwarto, sa pag aakalang anak talaga siya ni Mr.Rizuto. Napag-alaman din niyang hawak siya ngayon ng mahigpit na kaaway ni Mr.Rizuto. Yes, another Mafia Boss, kidnapped him.

Ginutom siya doon, itinali sa upuan at kung anu ano pang mga ginawa ng mga ito sakanya. Hindi niya alam kung ilang araw na siya doon. Basta ang alam niya, unti unti na siyang nanghihina at nawawalan ng pag-asang makalabas sa mala-empyernong lugar na iyon. Nakikita rin kasi niya kung paano humithit ng illegal na droga ang mga ito, kung papano mag torture ng taong nagtraydor sa mga ito. Sa murang isip, tila hindi niya nakakayanan ang mga nakikita.

And another day came. Pinaupo siya sa gitna ng nakarecord na camera.

“Humingi ka ng tulong sa daddy mo!” utos ng isang taong nakakataas sa grupo. Ubos na ang mga luha niya kaya halos hindi na niya magawang umiyak pa. “Talk!”

“D-dad,” iyon lamang ang nasabi niya habang iniisip ang daddy Michael, ang mommy niya at ang kambal niyang si Marcus. Maya-maya pa ay sumingit sa camera ang isang nakabonet na lalaki at nagsalita.

“Kung nakikita niyo, hawak namin ang anak niyo. Give us five million cash bago lumubog ang araw or else, your son will be dead!” matigas na saad nito sa camera. Matapos ay pinatay na nito. “Gusto kong mapanood ito ng buong bansa,”

“Yes sir,” sagot naman ng ilang tauhan dito.

Matapos iyon ay itinali muli siya sa upuan at iniwan doon mag-isa. Kung may natitira pang pag-asa para sakanya, sa tingin niya’y katiting nalang. Sa kwartong iyon ay may maliit na bintana. Doon lamang siya tumitingin tuwing wala siyang kasama sa loob.

Isang araw ang lumipas. Hindi pa rin siya kumakain kaya naman halos wala na siyang lakas sa katawan. Hindi pa din siya binibisita ng mga dumakip sakanya. Gusto niyang humingi ng pagkain, pero ayaw niyang makita ang sino man sa mga ito.

Tumingin siya sa bintana at nagulat siya ng may makitang batang babe na nandoon. Si Zho! Nakatingin si Zho sakanya at sinenyasan siyang huwag mag-iingay. Dahil nakatali siya, hindi siya makalapit sa bintana. Pinanood lamang niya si Zho sa mga kilos nito. Zho unlocked the window using some kind of silent machine. Glass ang window pero may grills ito at iyon nga ang tinanggal ni Zho para mabuksan ang bintanang maliit.

Dahil maliit rin ang katawan ni Zho, nagkasya ito sa bintana. Pumasok ito doon at saka siya kinalagan.

“Z-zho,” aniya sa mahinang boses.

“Let’s talk later,” pabulong naman na sagot nito. Sa bintana nga sila lumusot. Hindi niya alam kung papano siya nahanap ni Zho, pero laking pasasalamat niya dahil nadagdagan muli ang pag asa niyang makauwi sa kanyang magulang.

Tumakbo muli sila sa isang parang gubat. Tumakbo sila ng tumakbo palayo hanggang sa nadapa siya.

“Are you okay, Elliot?!” tanong ni Zho. Umiling siya, hindi siya pinakain ng ilang araw at parati pa siyang sinasaktan ng mga dumakip sakanya kaya tila ba naubos ang kanyang lakas. “Kailangan nating tumakbo, Elliot!”

“H-hindi ko na kaya, Zho!” aniya sa nanghihinang boses. Pagod na pagod na siya.

“Malapit na tayo kay daddy, tara na!” pinilit siyang alalayan ni Zho pero nanghihina talaga siya kaya naman natutumba silang pareho.

“Mauna kana—”

“At saan naman kayo pupunta?” halos panawan siya ng malay ng biglang may lalaking sumulpot. Nakatutok sakanila ang baril. Mukhang masasayang ang pinagpaguran ni Zho upang maligtas siya. Kung sana ay hindi siya nadapa, baka nakalayo na sila.

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon