CHAPTER TWENTY-FOUR
“PAGSISISIHAN ng mga Rizuto kung bakit hindi pa tayo pinatay!” sabi ni Mr. Salvatore habang nakakulong sila ni Shawn sa isang maliit na hawla na tila isa silang mga hayop. Kasama nila doon ang ilang bihag na noon ay nagtraydor din sa mga Rizuto. Mga babaeng nakahubad at nakakulong sa maliliit na rehas ang kanya kanyang sumisigaw. Tila ba mga aso ang mga ito. Madudumi at tila hindi kumakain. “Shit! How can we get out of here?!”
Mabuti nalang at hindi sila hinubaran kagaya ng mga babaeng bihag na naroon. Ang asawa niya, hindi niya alam kung nasaan ito dahil nang magkagulo sa party ni Maxus, hindi na niya ito mahagilap. Ni hindi na rin niya matawagan ang telepono ng asawa. Ang asawa nalang niya ang tanging pag-asa nila upang makatakas.
“It’s all your fault, dad.” Si Shawn na biglang nagsalita. “Ang akala ko ay plinano mo ito ng maayos! Where’s mom anyway? Iniwan nalang ba tayo?”
“Don’t blame me, Shawn! You agreed to do this.” Sabi niya.
“Of course, gaya mo ay sabik rin ako sa properties at pera. At nagtiwala ako sayo na mapagtatagumpayan natin to.” walang pagundangan na sagot nito. “We deserve this.”
“No, we don’t. We are not supposed to be here!” tumaas ang boses niya sa puntong iyon. “I know your mom will gonna save us.”
“How? We don’t even know if she’s still alive.” Sagot ng anak. “I’m just glad, Kenzi made the right choice.”
“Your brother is a traitor!” sigaw niya. Nagkaroon ng mahabang katahimikan.
“Danielle Salvatore. . .” boses ng babaeng pamilyar sa pandinig niya.
“Who—”
“Danielle, hindi ko alam na magkikita pala tayo dito.” Isang babaeng magulo ang buhok, nakahubad, marumi at buto’t balat ang lumapit sa hawla niya. Sa palaga’y niya ay isa ito sa mga bihag, paano ito nakatakas? Natatakpan ng ilang hibla ng buhok nito ang mukha pero tila pamilyar ang babae. “Ako ito, Danielle! Ang babaeng nabaliw dahil sayo. Ang babaeng ginamit mo sa mga plano mo. Ang babaeng trinaydor mo at nilaglag sa mga Rizuto!”
“Who are you?” tanong niya kaya tumawa ito ng malakas, dahilan upang mapalingon sakanila ang mga iba pang bihag. Tila nababaliw na ang babaeng kaharap.
“Are you fucking serious, Danielle?” sumeryoso ang mukha nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok dahilan upang makilala niya ng tuluyan ang babae.
“N-Nimpha?” nauutal niyang sabi. Ngumisi naman ang babae.
“Nimphadora Fathon! Well, I am so glad that the Rizuto finally found out what your true color is!” sigaw nito.
It’s Nimpha. His mistress. At ginamit niya si Nimpha upang maging spy sa mga Fathons, at doon nga niya nalaman 3 years ago na hindi Fathons ang malaking kalaban, kundi mga Collins. Marami siyang nakuhang impormasyon mula dito at nang magkagipitan, inilaglag niya si Nimpha.
Minsan na kasi silang nahuli ng kanyang asawa na nagtatalik, at ang condition ng asawa niya ay ilaglag si Nimpha bilang traydor kapalit nun ay magsasama parin silang mag-asawa at walang gulong mangyayari. Dahil mahal niya ang sarling asawa at ang pamilya, ginawa niya iyon kay Nimpha. Sinabi niya kay Mr. Rizuto na isang Fathon si Nimpha at ito ang espiya ng mga Fathons.
“N-Nimpha, I don’t have any idea why you’re here.” Sabi niya, pero ang totoo ay kitang-kita niya noon ang pagdadala kay Nimpha dito sa mga kulungan ng mga traydor. Bago iyon, kitang kita niya rin kung papano noon ito nagmakaawa sakanya na pakawalan nalang ito at magpapakalayo nalang upang hindi na nila ito makita kahit kailan.
BINABASA MO ANG
STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETED
Romance[WARNING: RATED SPG!] STANFORD SERIES #3 Maxus Calvin Stanford and Zholianna Collins DATE STARTED: APRIL 27, 2020 DATE FINISHED: