CHAPTER FIVE

510 30 2
                                    

CHAPTER FIVE



BUNGAD pa lamang ng mansion ng mga Rizuto ay kapansin-pansin na ang mga mamahaling inumin na ipinamimigay sa bawat bisitang pumapasok sa loob ng mansion. Hindi lang inumin ang mamahalin pati na rin ang mga naihandang mga pagkain para sa welcome party na iyon. 

Ang mga pagkain ay hindi basta basta. Bawat putahe ay nagkakahalaga ng $100,000 at ang mga magagaling na cheft sa buong asia pa ang naghanda. Ang welcome party ay para sa Mafia Boss na si Franklyn Rizuto na kakarating lamang kaninang umaga galing France.

Hindi rin naman kasi basta bastang tao ang mga bisita kundi mga malalaking tao. Mga may sinabi sa buhay. Mga taong pinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig. Bawat bisita ay nakasoot ng mga mahahaling kasootan. Ang mga babae ay naggagandahan sa soot ng mga itong gown at nag-gugwapuhan naman ang mga lalake sa soot ng mga itong amerikana. Isama na rin ang mga mamahaling alahas ng mga ito. At siyempre ang bawat miyembro ng Mafia Org. ay may pin, logo ito ng organizasyon.

Ang mga pin na iyon ay ibinibigay lamang sa mga totoong parte ng organizasyon. Ang logo ay kulay itim na may korteng pakpak at baril at may maliliit na letrang nakaukit doon. “Rizuto”. Bawal pumasok ang walang pin kaya naman lahat may soot.

Malaki ang Rizuto’s mansion. It’s a 15,345 sq.m two storey mansion. The Mansion comprises 150 bedrooms, 100 bathrooms, 10 elevators, a spa, 30 –seater movie theatre, a grand hall, yoga center and others. Thirty hectares ang lote kung saan nakatayo ang mansion. Includes a massive greenhouse, training area, a swimming pool with pool house, an outdoor kitchen, 4 helipads, parking garage for 100 cars and a guest house.

Talagang nakakalula ang mansion na ito. At bibihira lamang ang mga oras na pwedeng makapasok ang mga tao doon kaya naman kapag ganitong pagkakataon ay talagang pinag hahandaan. Biglaan nga lang ang pagdating ni Mr. Rizuto kaya naman iyon din ang usap usapan ng ilan sa mga guests. Na hindi masyadong nakapaghanda ang mga ito. Kahit kitang kita naman sa mga postura na halatang napaghandaan naman.

Maririnig sa grand hall ang live na tumutugtog ng violin kasabay ang mga mahihinang kwentuhan at halakhakan ng mga bisita habang hinihintay ang pag uumisa ng eleganteng welcome party na iyon.

***

SAMANTALA, tahimik lang na nakatanaw si Maxus sa isang malaking bintana kung saan malaya niyang nakikita ang mga bisita mula sa grandhall. Bawat minuto na lumilipas ay nadadagdagan ang mga tao na lalong nakakadagdag rin sa kanyang kaba.

Ito ang pangalawang gabi niya sa mansion na ito. Hindi niya lubos akalain na ganito kalaki ang mansion. Kulang ang isang araw sa paglilibot palang sa loob ng mansion.

Naayusan na siya at ni hindi man lamang niya tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Wala na rin naman siyang pakealam kung anong hitsura niya ngayong gabi. Hindi niya alam kung anong mga ginawa sa mukha niya basta ang pagakakatanda niya, umabot ng halos isang oras ang pag aayos ng mga make-up artists sakanya.

Kailangan kasing maiba ang mukha niya. Kailangang hindi siya makilala bilang Maxus Stanford. Kundi ay maipapahamak lamang niya ang pamilya at oragnisasyon kapag nagkataon.

Naalaa niya tuloy ang kaganapan kanina bago siya inayusan. Ang mga sandaling kausap niya ang Mafia Boss.

“I’M glad to see you son!” isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Mr. Rizuto sakanya. Tila ba hindi tumatanda ang hitsura ng ama-amahan. Ganoon pa din simula noong paslit palamang sila ni Zho. Ngumiti siya ng pilit dahil ganoon naman dapat ang kanyang gagawin. Kunwaring natutuwa siya kahit hindi.

“Hi Dad! Glad to see you too.” Sa parteng iyon ay naalala niya ang kanyang totoong ama. Namimiss niya ang kanyang pamilya pero pilit niyang isinantabi ang isipang iyon.

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon