CHAPTER TWENTY THREE

201 9 1
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE


“WELL, big boss. I’m surprised that you’re still alive. Tibay mo rin ah.” Kanina pa gustong ngumisi ni Mr. Rizuto nang makita ang traydor na si Mr. Salvatore. Pagod na rin siyang mag kunwaring naghihingalo kahit hindi naman talaga.

Ang totoo niyan, hindi naman talaga totoong nabaril siya. Nung party ni Elliot ay alam niyang may nagbabalak nang patayin siya ayon sa impormasyon na natanggap niya mula kay Zholianna nung huli silang mag-usap, bago ang kaarawan ni Elliot.

Kaya naman plinano niyang mabuti ang lahat. Bago pa siya maunahan na mabaril ng kalaban, nag-utos siya ng magaling na shooter upang tamaan siya kunwari sa tagiliran na hindi naman talaga tatama. Yung tamang tama lang upang malinlang ang lahat ng tao.

Ang dugong umaagos sakanya ay pekeng dugo lamang na nakabalot sa plastic na nakatago sa kanyang soot na suit. Pinasadya niya pang ipagawa ang suit na iyon para sa party. Upang maging makatotohanan ay pagka putok ng baril sakanya ay kunwaring tumumba siya saka binutasan ang plastic na iyon upang ang dugo ay paunti unting tumulo. Sa madaling salita, hindi siya nabaril at nasa maayos siyang lagay.

Si Elliot at Zholianna lamang ang inaalala niya. Sana ay nasa maayos na lagay ang dalawa niyang ampon.

“Just sign these papers, Mr. Rizuto para hindi kana mahirapan.” Dagdag pa ni Salvatore na talaga namang ikinainit ng ulo niya. “So, you can rest in peace.”

Matagal na rin naman niyang naaamoy na tatraydurin siya ng mga Salvatore, wala lang siyang patunay. Pero nang masabi ni Zholianna sakanya na nakita nga niya ang mga Salvatore sa loob ng opisina ng mga Collins ay doon lamang niya na kumpirma na tama siya.

Hindi siya nagsalita, naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon. Ang mga papeles na nasa harapan niya ay talagang original. At talagang balak nitong kunin lahat sakanya.

He might be old pero kaya pa niyang ipaglaban ang sarili sa taong nasa harap niya. Natatawa pa siya sa kanyang isip, sa tingin ba nito ay ganun kadali? Salvatore is just one of those idiot traitors. Hindi nag-iisip, sige lang ng sige. Eton a ba ang matagal nitong plano? Pero bakit hindi naman naplano ang lahat? Parang hindi pinag-isipang maigi.

“Come on! Sign it!” sigaw pa nito. Napangisi siya at alam niyang nakita iyon ng kaharap. “Smirking, huh?”

“You’re a fool, Salvatore.” ngisi niya na nagpapanggap pa ring nanghihina.

“You are the one who’s fool, Rizuto!” sigaw nito. “Nagtiwala ka sakin at iyon ang unang katangahan na nagawa mo.”

“So, you think you are winning?” tila may pang uuyam sa tono ng boses niya.

“Of course! Wala na ang mga Collins kasama ang Fathons at Raddison. Ikaw nalang ang buhay pati ang dalawa mong ampon. Kaunting oras nalang ay mapapasakin na lahat ng ari-arian niyo.” Sigaw nito.

“Where’s my son? How ‘bout my daughter? Are they okay?”

“Come on, Rizuto! Maxus in not yours! He is not an heir! He is not Elliot! Gumising ka.” Natatawa nitong saad. “Also, Zholianna, she is not yours to hold on to.”

“I don’t care about your opinion, Salvatore. Elliot and Zholianna are mine. I love them like my own blood.” Sabi niya.

“Whatever, they’re going to die anyway.” Sabi nito kaya naman nagpigil na siya ng galit. Ano kaya ang ginawa nito sa kanyang mga anak? “Nw all you have to do is to sign these fucking papers!”

“I will. . .I just want to see them, Elliot and Zholianna.”

“For what? They’re dying. You want to see them dying in a cold room?” sabi nito.

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon