CHAPTER TWENTY-SEVEN

270 9 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN


"Tita, maawa po kayo kay Max. Let him live!" pagmamakaawa ni Zholianna kay Mrs. Salvatore. Nasa isang karto sila. Hindi pamilyar ang kwartong iyon. Hindi naman halatang luma pero halatang hindi ginagamit dahil puno ito ng agiw.

Basta nagising nalang siya doon at hindi rin niya alam kung paano siya napunta doon. Nakaupo siya sa maalikabok na sahig. Kasama niya sa kwartong iyon si Maxus na nakaswero pa at ang kambal nitong si Marcus na nakahiga sa sahig, walang malay.

Hindi siya nakatali pero tila nanghihina siya. Tila naparalisa ang katawan niya at mukha niya lang ang kaya niyang galawin. Sinubukan niya pang igalaw ang mga kamay niya pero tila isa siyang lantang gulay.

"Maawa? Kayo ba naawa nung kinulong niyo ang mag ama ko? Dahil sainyo nasunog sila ng buhay!" sigaw ni Mrs. Salvatore. Umiiyak na rin siya dahil hindi niya rin naman alam kung bakit ganoon ang nangyari. Kung sino ang sumunog kina Kenzi. Kung bakit kailangan pang masunog ang mga ito.

Nasasaktan rin naman siya sa mga nangyari, lalo na kay Kenzi. Ni hindi niya rin matanggap. Galit pa siya nung huli niya itong makita at pinagsisisihan niya iyon.

"They betrayed us, tita! You betrayed us! Hindi ba ang patakaran naman natin ay ikukulong doon ang sinumang tatraydor?" sigaw niyang humahagulgol.

"Yes! Pero bakit nasunog sila?!" nanggagalaiti ito sa galit.

"I don't know, tita! Someone did it at hindi ang daddy iyon!" paliwanag niya. "Please tita, I swear hindi ko sasabihin kay daddy ang mga nangyayari. Pangako. Pakawalan mo lang kami nila Maxus at Marcus! Wala pang malay si Maxus, hindi siya dapat nandito! And even Marcus, wala siyang kamalay malay sa mga nangyayari!"

"I already sent Mr. Rizuto the address. Hihintayin ko ang daddy mo at ipapanood ko sakaniya ang gagawin kong pagpatay sainyong dalawa ni Maxus!" matigas nitong turan kaya napahagulgol nalang siya. "At siguro idadamay ko na rin tong kambal niya."

"Ako nalang tita! Pakawalan mo na ang kambal!" pakiusap niyang muli. Pinilit pa niyang tumayo pero hindi niya talaga magawa. Siguro epekto iyon ng tinurok sakanya kanina ni Mrs. Salavatore.

"No way, hija. Hindi ka ba magpapasalamat man lang saakin? Kung hindi dahil sakin baka na-rape kana ng Zhaino na yun." Tama naman ang sinabing iyan ni Mrs. Salvatore. Talagang hindi niya malabanan kanina si Zhaino at kung wala si Mrs. Salvatore, baka nga nagtagumpay si Zhaino sa plano nito.

"Thank you, tita. But, why did you kill Zhaino?!" iyak niya. Natalsikan pa nga siya ng dugo ni Zhaino. Tila hindi agad nag sink in sa utak niya ang pangyayari sa sobrang bilis.

"Kaya nga dapat magpasalamat ka! Wala kang utang na loob!" masungit nitong sagot. She never seen Mrs. Salvatore like the way she is right now. Si Mrs. Salvatore, ni minsan hindi niya ito nakitang sumimangot, lagi lang itong nakangiti. Minsan seryoso pero hindi niya pa ito nakitang magalit man lang.

Sabagay, sino ba namang hindi magagalit kung nabalitaang patay na ang mag aama mo? Alam naman niya kung saan nanggagaling ang galit nito. Kung makakagalaw nga lamang siya ay baka nakaluhod na siya sa harapan nito. Para kay Maxus.

Pero kahit saang angulo niyang tingnan mali pa rin ito sa pagdamay kay Marcus Stanford. Wala namang kinalaman si Marcus sa lahat ng nangyayari. At maling mali ang ginagawa nito ngayon. Yes, nasa mundo sila kung saan normal ang patayan. Pero di ba nito naisip na minsan parang naging isang pamilya na sila?

"Tita, pasensya na pero kayo ho ang walang utang na loob." Wala sa sariling nasabi niya. Sa totoo lang, tama naman siya eh. Walang utang na loob ito, lalo na kay Mr.Rizuto.

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon