CHAPTER SIX

515 30 0
                                    

CHAPTER SIX


HINDI alam ni Zholianna kung magsasalita ba siya o papanoorin lamang niya si Maxus habang tinatanggal nito ang make up nito sa harapan ng malaking salamin. Gusto niya itong tulungan kanina ngunit ayaw ng binata.

Nasa loob na sila ngayon ng kwarto ni Maxus sa mansyong iyon. Malayo ang kwarto ng binata sa master’s bedroom kung saan natutulog ang ama amahan nila, kaya naman kahit pa siguro magsigawan sila sa loob ay hndi sila maririnig. Isa pa sound proof ang kwarto kaya imposibleng may makarinig pa sa mga pag uusap nila, kung may mapag uusapan man sila.

Malaki ang kwarto ng binata kumpara sakanya. Pinaghalong French and Modern Design ang interior nito. May malaking kama, malaking TV at may sariling bar counter kung saan siya nakaupo ngayon.

“Baka gusto mong mag bihis muna ng pantulog, Zho?” tanong ng binata. Hindi niya namalayan na nasa harapan na niya ito at tapos na sa pag lilinis ng mukha. Bumalik na ulit sa dati ang mukha nito.

Bahagya pa siyang napaiwas ng tingin ng mapansin niyang nakasoot na lamang ito ng boxer shorts at sando. Sa palagay niya’y namula pa ang kanyang mga pisngi.

“H-Huh?” nauutal niyang tugon sabay tingin sa soot niya. Naka gown parin siya.

“Sabi ko baka gusto mo muna magbihis. I have a lot of shirt inside my closet baka gusto mo munang humiram.” Anito.

“M-mamaya nalang siguro pagkatapos ng session natin.” Sagot niya.

“Okay.” Nakangiting tugon ng binata. “Ihanda ko lang ang iinumin natin. Ano bang gusto mo?”

Napatingin siya sa lagayan ng alak na naka-display malapit sa bar counter. Maraming klase ng alcohol and wines ang naroon. Habang namimili ang binata ay hindi niya maiwasang mapatingin sa labi ng nito. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyaring halikan sa pagitan nilang dalawa.

Bakit ko nga ba siya hinalikan? Tanong niya sa kanyang sarili.

“Are you okay? Hindi pa nga tayo nagu-umpisa ay namumula kana.” Pabirong tukso ng binata. Hindi siya sumagot Naglatag na ito ng dalawang wine glass at ang napili nitong wine. Ang Penfolds Grange Hermitage 1951. “Let’s try this one. Ngayon ko pa lamang ito matitikman. Bigay lang ni Mr.Rizuto. According to him, this wine is the first Australian wine on the list. This is also one of the rarest wines on the planet, therefore its price reflects its limited status. Nakakalasing pero masarap naman raw sabi niya.”

“Maglalasing ba talaga tayo, Max?” curious niyang tanong.

“Yup. Sabi naman ni Mr.Rizuto ay 8:00PM na tayo magkita kita bukas ng gabi. Kaya mahaba haba ang rest natin kahit pa maglasing tayo.” Sagot nito habang sinasalinan ang kanilang mga baso. May punto nga naman ang binata. “Anyway, kumusta naman ang hitsura ko habang kausap ko ang mga bisita?”

“Talaga bang itatanong mo yan?” aniya sabay inom ng wine. Naalala kasi niya kung paano makipagngitian ang binata sa mga mahaharot na babae doon sa party. Napangiti tuloy siya ng mapakla. “Mukhang nag enjoy ka naman.”

“Sound sarcastic huh?” tukso ng binata sabay inom rin ng wine. “Hmmm. It tastes good.”

Totoong masarap ang wine na iyon. Hindi gaanong mapakla at hindi ring gaanong matamis. Sakto lang sa panlasa. Pero tila malakas nga ang tama nito. Unang shot palang ay tila nakaamdam siya ng hilo. Pero alam naman niyang kaya niya iyon. Sa dinami-dami ba naman ng wines at alak ang kanyang natikman ay talaga namang handa na ang kanyang laman loob para doon.

Isang mahabang katahimikan na naman ang namagitan.

Hindi sila umiimik pero patuloy ang paglagok nila sa kanilang iniinom. Wala naman siyang balak maglasing pero hindi niya maintinihan ang sarili. Kada lilingon siya kay Maxus at nakikita niya ito kung paano uminom ay napapagaya rin siya. She’s mirroring him.

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon