EPILOGUE

476 10 0
                                    

EPILOGUE



LIFE. Gaano ba kahalaga ang buhay ng isang tao? Dapat ba mas mahalaga kung mayaman ka? Hindi naman ‘di ba. Kung bibigyan ka ng isang daang milyon na dolyar, kukunin mo ba? Kung ang kapalit naman nito’y mawawalan ka ng hininga kinabukasan. Kukunin mo parin ba ang pera? Kung hindi, sana naisip mong napakahalaga ng buhay na kahit magkanong halaga ng pera ay hindi iyon matutumbasan.

Isang buntong hininga ang ginawa ni Zholianna habang nakatitig sa altar ng mansion kung saan nakalagay ang picture ni Mr. Rizuto at ang abo nito na nakalagay sa isang mamahaling jar. Isang buwan na ang lumipas simula nung nangyaring mapatay ang ama-amahan. Nang mawala ito ay doon niya naisip na kahit gaano ka kayaman, kung oras na ng kamatayan, walang magagawa ang pera upang buhayin ka. Your time will always come to an end.

Nahirapan siyang bumangon mula sa pagkakadapa. Mabuti nalang at inalalayan siya ng kanyang mga kaibigan. Ang ari-arian ni Mr. Rizuto ay naipangalan na sakanila ni Maxus. Nagdesisyon na rin siyang itigil na ang organisasyon. Wala rin namang mamumuno dahil hindi pa nasa ayos si Maxus. At lalong ayaw na niyang mapahamak ni isa sa mga taong mahalaga sakanya.

Isa pa, ayaw na niyang maulit ang gulong naranasan nila. Magulo na ang sitwasyon, ang mga myembro ng organisasyon ay natakot na rin dala nang nangyari sa gabi ng party ni Maxus. Maraming namatay. At ayaw na rin naman niyang mamuno sa ganoong paraan. Sana lang ay kung nasaan man si Mr. Rizuto, maintindihan ang mga naging desisyon niya.

Ang mga legal na negosyo patuloy parin, samantalang ang mga illegal naman ay tuluyan na niyang ipinasara. Ang mga babaeng bihag na naiwang buhay ay dinala na rin sa mental upang doon ipagamot. Nailibing na rin lahat ng namatay sa gulo kasama na ang mga Salvatore at si Zhaino. Si Mrs. Salvatore ay nasa kulungan na rin. Napatawan ito ng pang habang buhay na pagkakakukolng dahil sa patung-patong na kaso.

“Are you okay?” nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Ajax. Ngumiti siya at tumango. “Iniisip mo parin ba si Maxus?”

“Yeah. I’m okay.” Sagot niya nalang. Wala namang araw na hindi niya naisip si Maxus. Kung ano ang ginagawa nito. Kung kumain na ba siya? Naiinom ba nito ang mga gamot? Kung naaalala na ba siya?

“Don’t worry, sigurado babalik ‘yun agad kapagka naalala kana niya.” sabi nito. Napabuntong hininga siya. Kailan naman kaya iyon?

Nang magkamalay si Maxus, tatlong lingo na ang nakararaan, nagdesisyon ang mga Stanford na dalhin muna ito sa America. Medyo galit sakanya ang pamilya nito dahil muntik nang napahamak ang kambal dahil rin sakanya. Kaya naman kahit ayaw niya ay pumayag nalang siya bilang respeto sa pamilya ni Maxus.

Hindi rin naman siya makilala ni Maxus. Sabi ng doctor ay nagkaroon ito ng amnesia. Pangit raw kasi ang pagkakapalo sakanya ng baseball bat kaya nagkaganon. Ni isang tao wala itong maalala. Lahat ng nangyari limot nito. Sabi naman ng doctor ay makakaalala rin ang binata, kailangan lang nilang maghintay.

“Pwede mo namang puntahan si Maxus sa US.” Sabi ni Ajax. Ilang beses na rin niyang tinangkang mag book ng flight pa-US. Ilang beses rin siyang nagpigil. Kaya ngumiti lang siya at umiling.

“Nirerespeto ko ang mga Stanford. I’ll just wait here. Alam kong babalik si Maxus.” Sagot niya. Kahit sa loob loob niya, maraming what ifs.

What if, tuluyan na siyang makalimutan ni Maxus?

“Okay.” Sabi naman ni Ajax. “By the way, I’m here para ipaalala ang birthday ni Rexford. Baka makalimutan mo at magtampo iyon.”

“Natatandaan ko.” Nakatawa niyang saad. “Siyempre hindi ko iyon makakalimutan. May ireregalo na nga rin ako sakanya.”

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon