CHAPTER FOURTEEN

271 15 0
                                    


CHAPTER FOURTEEN


NAGING masaya nga ang araw ni Maxus kasama si Zho. Nagpapahatid nalang sila ng pagkain sa mga katulong. At siyempre nagtatago siya sa loob ng closet ni Zho kapag nariyan na ang katulong na naghahatid ng kanilang makakain.

Hindi mabilang kung ilang rounds ang nagawa nila ng dalaga. Iba’t ibang pwesto at iba’t ibang posisyon.

“Sleep here with me.” Saad ng dalaga. Alas nwebe y media na rin kasi ng gabi. Niyakap niya ang dalaga. Ayaw rin naman niyang umalis.

“Nasasanay kana yata na nandito ako sa tabi mo.” Saad niya sa nakakaasar at sa mahinang boses.

“Baka ikaw ang nasasanay.” Mapang asar na saad pabalik ng dalaga.

“Okay lang naman na masanay. We’re living in the same roof anyway.” He said. Dahil doon ay humiwalay ng yakap ang dalaga. Nagkatitigan sila. Ngumiti siya ng makita ang magandang mukha nito. Kaya naman wala sa sarili na hinaplos niya ang magandang mukha ng dalaga.

Ngumiti ang dalaga, ang ngiting iyon ay may halong lungkot.

“Thank you, Max.” she said. “Thank you sa lahat. Salamat kasi kasama kita ngayon. We’re leaving in this huge mansion but you’re my home, Max. You’re the only one who’s here to love me. I don’t even know if my real parents loved me.”

Nakangiti ito pero may isang butil ng luha na tumulo sa mga mata nito. Kaya naman pinunasan niya ang luhang iyon gamit ang kanyang hinlalaki. Tapos ay hinalikan niya ang dalaga.

“I love you.” He said sincerely. Lumuha lalo ang dalaga. Bakit ba napaka emosyonal ng dalaga ng araw na iyon?

“Mahal din kita, Max.”  saad ng dalaga saka siya niyakap at muling humagulgol sa dibdib niya. “S-sorry…”

“Sorry? Para saan?” kunot noong tanong niya. Mas lalong humagulgol ito kaya kinabahan na siya. “Zho, what do you mean?”

“S-sorry kasi parang patago ang kung anong meron tayo. Kasi sa mata ng mga tao, magkapatid tayo. That you’re Elliot Rizuto and I am Zholianna Collins Rizuto. Sorry kung hindi ko kayang ibigay yung hiling mo na makita ang magulang mo. Kasi baka mapahamak t-tayo. S-sorry, hindi ko maipakilala ang totoong magulang ko. I am so sorry, Max kasi pinilit kitang dalhin sa mundo ng organization na ito. Kasalanan ko talaga kung bakit ka nandito. S-sorr—”

Humagulgol na ang dalaga kaya niyakap niya ito. Parang hindi ito ang dalagang Zho na matigas.

“Wala kang kasalanan, okay? What are you thinking? Don’t blame yourself about what I decided for myself. I choose to live with the mafia. And I love you, Zho. I’m willing to live my life with you.” Saad niya habang pinapatahan ang dalaga. “Wala ka bang balita tungkol sa totoo mong magulang?”

“A-ayokong pag-usapan ang totoong mga magulang ko.” Saad ng dalaga kaya tumango tango siya. He respects her. “I love you, Max.”

“I love you. Tahan na.” he said. Tapos ay niyakap at hinalikan muli ang noo ng dalaga.

Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. Masaya siya pero parang may kakaiba siyang nararamdaman. Sa palaga’y kasi niya ay may hindi magandang mangyayari kapalit ng masayang naranasan niya ngayong araw.

Pero mukhang tama ang hinala niya. Na lahat ng saya, mapapalitan ng lungkot. Dahil iyon pala ang umpisa ng kalbaryo ng buhay niya.

Nagising si Maxus sa loob ng kanyang kwarto. Ang kanyang ipinagtataka, paano siya nakapunta sa kwarto niya? Eh kagabi lamang ay nasa loob siya ng kwarto ni Zho. Tapos ay mas lalong nangunot noo siya dahil wala na sa tabi niya ang dalaga.

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon