CHAPTER TWENTY-SIX

183 6 1
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX




“LET me out!” kanina pa nagpupumilit si Zholianna na makalabas mula sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung binabantayan ba siya o pinaparusahan. Hindi pwedeng hintayin nalang niyang may masamang mangyaring masama kay Ajax. She knows that something is wrong. Kenzi is gone and she can’t afford to lose Ajax too. Or any of her friends. “Kaya ko na ang sarili ko, let me out!”

Kinakalampag pa niya ang pintuan dahil isinara iyon mula sa labas. Maraming pinadalang tao si Mr. Rizuto upang banyan sila ni Maxus. Pinagbawalan raw silang lumabas ano man ang mangayari. Nang maalala niya na hawak pa rin niya ang cellphone ni Marcus, sinubukan niyang tawagan si Rexford. Kaso nakailang dial na siya ay walang sumasagot.

Kinutuban nanaman siya ng masama. Sana. Sana wala ring mangyaring masama kay Rexford.

Si Damon! Agad niyang idial ang contact number ni Damon pero gaya ni Rexford hindi rin ito sumasagot sa tawag. Wala na siyang maisip na tawagan kaya naman mas lalo siyang hindi mapakali. Muli ay kinalampag niya ang pinto.

“Let me out!” sabi niya. Desperado na siyang makaalis kaya naman inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto. Napangisi siya ng makita ang bintana ng kwarto. Dali-dali siyang sumilip sa bintana. Sa tingin niya, nasa second floor lang naman sila ng gusali kaya mas napangisi siya. “If you don’t let me out, then I’ll make my way out.”

Sliding window naman ang bintana kaya naman mapapadali lang ang paglabas niya. Ang kailangan nalang niya ay mahabang kumot para iyon ang gagamitin niya upang makababa. Nakita nga niya ang bedsheet ng hospital bed. Pati kumot. Pwede na iyon!

Nang gagawin na sana niyang pagdugtungin ang kumot at bedsheet, saka naman may kumatok.

“Who’s there?” Tanong niya. Bumukas ang pinto at pumasok si Zhaino. Muntik na niyang nakalimutan si Zhaino. Buhay pa pala ito at kasama niya sa hospital na iyon. “Zhaino. . .”

Kinakabahan pa siya sa paraan ng pagtitig nito sakanya. Dapat ba siyang magtiwala kay Zhaino? Zhaino is a Raddison, at hindi maiiwasang hindi pagdudahan ito.

“Don’t worry, I won’t hurt you.” Sabi nito pero kinabahan siya nang ilock nito ang pinto saka ngumisi.

“W-what are you doing, Zhaino?” napapaatras na rin siya dahil unti-unting lumapit si Zhaino sakanya. Nakasoot ito gaya niya ng hospital gown. “Zhaino, stop!”

“Natatakot ka saakin?” tanong nitong nakangisi saka ito huminto. Halos isang metro nalang ang layo nila sa isa’t isa. Aatras pa sana siya pero bumunggo na sa likod niya ang pader. “You know what, Zholianna? Wala naman nang mawawala saakin kung ano man ang pwede kong gawin sayo eh. My family is gone.”

“Not now, Zhaino. Kailangan kong umalis! My friends are in danger!”

“I don’t care! Ikaw nalang ang alas ko laban kay Mr. Rizuto!” sigaw nito sa nanlilisik na mga mata. “Makaganti man lang sa lahat ng nawala saakin! Ikaw lang, sapat na para makabawi!”

“Zhaino, don’t do anything stupid!” sigaw niya ng magsimula na namang lumapit sakanya. “Please, I can help you move on—anything Zhaino. Just tell me what you want!”

“Really? Then, are you willing to marry me?” tanong nito kaya naman nangunot noo siya.

“What the hell, Zhaino!” sigaw niya nang hawakan siya bigla sa magkabilang balikat. “Let go of me!”



***


“MOM, umuwi na kayo. Ako na ang bahala kay Max.” sabi ni Marcus. Naipaliwanag na rin niya sa magulang ang lahat-lahat ng mga nalaman niya tungkol sa kakambal. Tumingin siya sa asawa niya. “Babe, umuwi ka na rin. Kailangan ka ni Thalissa sa bahay.”

STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon