CHAPTER THIRTEEN
NAUUHAW nga si Maxus kaya naman lumabas na siya sa kanyang kwarto.Nadaanan niya ang kwarto ni Zholianna. Kakatukin niya sana pero naisip niyang masyado pang maaga para gisingin ito. Dumeretso na nga siya sa kusina. Nangunot ang noo niya ng makita ang isa sa mga katulong na kasalukuyan pang nagpupunas ng lababo.
Nagulat din ito ng makita siya.
“S-sir gising na po pala kayo? Nagugutom po ba kayo? Dadalhan ko na po kayo sa kwarto niyo. Ano bang gusto niyong pagkain?” sunod sunod nitong tanong tila natataranta. Sa tingin niya nasa mid 40’s lang ang katulong.
“What are you doing here at 3AM?” tanong niya pabalik. Ang pagkakaalam niya ay hanggang 9:00PM lamang ang trabaho ng mga katulong.
“Ah. Kasi kararating po ni sir Kenzi. Inayos ko lang po yung guest room at naghanda rin ng makakain niya.” Sagot naman nito. Tumango tango siya. Madalas naman si Kenzi sa mansion ngunit hindi niya alam na madaling araw ito pumupunta sa doon. “Kayo po? Anong kailangan niyo sir?”
“Okay. Just take a rest. I can handle myself.” Sagot niya.
“Salamat po.” Saad nito bago tinungo ang hallway patungong maid’s room.
Nagsalin na nga siya ng tubig sa baso mula sa pitsel. Naibsan ang kanyang uhaw ngunit nagising naman ang kanyang buong diwa. Matapos uminom ay naisipan niyang maglakad lakad sa mansion. Napakalaki nito. Magara pero tila nababalot ng yelo. Malamig. Tahimik. Walang saya.
Dumeretso ang kanyang mga paa sa swimming pool area ngunit agad din siyang napahinto sa paglalakad ng mula sa hindi kalayuan ay naaninag niya si Kenzi at ang papa nito. Nagtago siya sa mga halamanan. Hindi niya marinig ang usapan ngunit alam niyang nagtatalo ang dalawa. Parang may inuutos ang ama ni Kenzi na ayaw gawin ng binata.
Kinabahan siya sa nakikita. Parang may mali. Pakit parang palihim ang mga ginagawa ng mga Salvatore? Kulang nalang ay marinig na niya ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba. Ano ang pinag uusapan ng mga ito sa alas tres ng madaling araw at sa madilim pa na parte ng pool area?
Dapat ba niyang sabihin ito kay Zho?
“Shit!” napamura siya ng mahina ng magsimula ng maglakad ang dalawa papasok kung saaan siya dumaan kanina. Mas lalo niyang isiniksik ang katawan niya sa halamanan. Sana lang ay hindi siya mapansin ng mga ito.
“I’m not gonna do that, dad. Kaibigan ko si Zholianna.” Narinig pa niyang pahabol na saad ni Kenzi kaya tuluyan nang nangunot ang kanyang noo.
“You have to do it son. Whether you like it or not.” Seryosong tugon naman ni Mr. Salvatore. Nang tuluyan ng makapasok sa mansion ang mag ama ay lumabas na rin siya mula sa pinagtataguan.
Bakit involve si Zholianna sa usapan ng mag-ama? Ano ang binabalak ng mga ito? Kailangan niyang balaan ang dalaga sa narinig.
Dahan dahan siyang pumasok sa loob ng mansion. Sinigurado niya munang wala na sa paligid ang mag ama. Umakyat na siya sa taas at pumasok sa kanyang kwarto. Mag aalas kwatro na ng umaga at hindi na siya makatulog dahil iniisip pa rin niya kung ano ang pinapagawa ni Mr.Salvatore na ayaw gawin ni Kenzi.
Mukhang kailangan niyang balaan ang dalaga. Halos isang oras siyang palakad lakad sa loob ng kwarto niya, hindi mapakali. Kaya naisip niya na puntahan nalamang niya si Zholianna.
Lumabas na siya sa kanyang kwarto at dahan dahang naglakad palapit sa kwarto ng dalaga. Hindi na siya kumatok dahil siguradong tulog pa ito. Hindi rin naman nag lo-lock ng pintuan ang dalaga kaya naman nakapasok siya. Nang makapasok ay siya na ang nag lock ng kwarto.
BINABASA MO ANG
STANFORD SERIES #3:ZHOLIANNA|R-18| COMPLETED
Romance[WARNING: RATED SPG!] STANFORD SERIES #3 Maxus Calvin Stanford and Zholianna Collins DATE STARTED: APRIL 27, 2020 DATE FINISHED: