"Dorothy! Halika nga dito at tulungan mo ako." Sigaw ko sa kapatid ko na nasa labas ng bahay at kalaro ang kapitbahay namin.
"Opo ate, papunta na." Sigaw nito mula sa labas.
Sabado ngayon at may class si Kuya hanggang 3pm at si mama naman may trabaho kumbaga Sunday lang day off nito. Si Kevin ay nasa kwarto at naglilinis. Naglinis kami sa bahay kasi dadating daw ang pamilya ni papa mula sa Davao City. Ito yung mga pinsan kung pinagpala sa kakayahan sa buhay hindi naman pinagpala sa magandang ugali. Tao nga naman."Ate ano ba yun?" Tanong ni Dorothy.
"Hugasan mo ang mga plato hindi pa ako tapos magpunas ng mga bintana." sabi ko dito at tumango ito.
Kayang-kaya naman namin maglinis ng bahay at ilang oras ang ginugul ay na nalinis na namin ang buong bahay. Naligo una ang mga kapaatid ko at habang naliligo sila ay nag plano akong mag saing muna pero pag punta ko sa likod bahay kung nasaan ang lutuan namin ay sira na ito. Nung araw pa ito sira sumuko na abuhan namin kasi matagl na din ito. Pinapalitan ito ni mama kay papa pero hindi naman ni papa kini-kilos at ipi nang-iinom lang budget nito. Nag pasya akong magluto kanila lola kalapit lang ng bahay namin. Ito ang mama ni papa, naglakad ako papasok sa bahay at nagtakal ng bigas at nilinisin matapos kong matansya ang tubig nito dinala ko ito sa bahay n ila lola.Walang tao sa kusina nasa sala or teresa ata si lola. Pumunta ako doon para magpaalam.
"Lola, magsasaing po ako sa lutuan niyo. Sira na po kasi abuhan namin eh."
"Aba'y wala akong pake, ngayon lang kayo magluto ah wag na sa susunod na araw!" Sabi nito na hindi naman bago. Kasi ganyan naman siya lagi tas pag galit si papa sa kanya si mama pinag-iinitan nito.Tumango ako sa kanya at pumunta sa kusina at hindi na pino-problema ang bagay bagay para sa susunod na magluluto ako dito ang mahalaga may pananghalian kami. Nakasaing na ako ilang minuto ay naluto na ito. At bumalik ako sa bahay at babalikan ko lang kanin doon maya matapos ko maligo.
"Tapos na ba kayo? Anng gagawin niyo ngayon?" Tanong ko sa mga kapatid ko na nasa sala."Magbabasa at gagawa ng assingments ate." Sabi ni Kevin. Tumango ako dito at umakyat sa kwarto para maligo.
Wala dito si papa ewan ko asan yun kasi lagi nman yun wala pag sabado kung saan-saan pumupunta at lasing umuwi. Nasa kalagitnaan ako ng pagligo ng bigla ko ma-alala na andoon pala yung isang notes ko sa science kay Sandro. Hiniram niya ito kasi absent siya nung kamakailan kaya nag aral siya para mahabol ang hindi niya na take na quiz.
Ilang minuto ay natapos na ako maligo at lumabas sa kwarto na nakatapis ng puting tuwalya. Ilang segundo ay nag vibrate ang phone ko ng makita ko ito ay galing sa facebook mula kay Sandro. I open the message and I saw his message.
Sandro Davis
Hi! I-uwi ko sana ang notes mo kung pwede pumunta sa inyo?"Nag-isip ako kung ano isasagot ko kasi pag nakita ni lola si Sandro dito sa bahay or kahit sa gate magsasabi na naman yun na ang bata-bata ko pa lumalandi na ako. Matanda nga naman advance masyado. Nag type ako sa phone.
Me
Wag na. Just hand me my notes in the class.
Reply ko sa kanya at agad itong nag seen.
Sandro Davis
Ganon ba. Sige. Salamat.
Ilang segundo tinignan ang reply niya at nilapag ang cellphone ko sa mesa at nagbihis. pagkatapos magbihis tinignan ko ang oras at 12pm na pala. Bumaba ako para bumili ng ulam namin. Hindi kasi ako makaluto kasi hindi pa naka pamalemgke si mama."Dorothy, Kevin dito lang ba kayo kasi bibili ako ng ulam sa labas." Sabi ko sa mga ito.
Umangat ang ulo nilang dalwa. "Sama kami ate baka may momo dito." Sabi ni Dorothy na tinatawanan ni Kevin.
"Sira, naniniwala ka doon? Walang ganun." Sabi nito pero hindi pinansin ni Dorothy tumayo ito at yumakap sa bewang ko.
"Tara ate at iwan natin yan. Pangit naman yan si Kuya eh." Sabi nito.
Tumayo si Kevin "Hoy! Ikaw din pangit remember we have the same genes. HAHAHAHAHA" Sabi at sabay tawa na pa-ngisi na lang ako sa kalokohan ng mga kapatid ko.
"Sige na. Sasama kaba Kevin?" Tanong ko dito.
"Yes! Yes!" Sabi nito.
Tumango ako at umalis na kami papunta kay Aling Lucing na malapit lang sa bahay na karenderya. Dito kami bumubili kasi malinis at masarap ang luto ni Aling Lucing. Ilang minuto ay nakadating na kami sa karenderya nito. Pumasok kaming magkakapatid at bumili.
"Hello, Kang anong ulam bibilhin mo?" Tanong ni Aling Lucing
"Afritada at Pansit po tig i-isang order po." Sabi ko dito at tumango. Inayos niya ang order namin at binigay ko sa kanaya ang bayad. Bale ang lahat ng nabili namit ay 65 pesos at 70 ang binigay ko sa kanya kaya may limang peso pa kami. Lalabas na kami ng karenderya ni Aling Lucing ng nakita namin si Mang Tenor na papalapit sa amin.
"Ay buti at nakita kita. Iyong tatay mo ay nakikipag-away doon sa waiting shed kay Mang Ethan banda. Naku talaga yang tatay niyo." Sabi nito.
"Sige po. Salamat. Tara puntahan muna natin si tatay doon baka anong nangyare doon" Tumango ang dalawa kung kapatid. At pumunta kami sa lugar nila Mang Ethan at andoon nga si tatay nakikipagbuno sa mag ka-inuman.
"Wala ka namang ambag ang lakas mo pang uminom." Ika ng kaharap ni tatay na lalake.
"Aba'y bat ako mag-aambag kung kayo ang nagyaya" Sabi ni tatay ay sinuntok ang kaharap na alerto ako at pumunta sa gawi niya.
Inawat ng mga lalake ang dalwa. "Tatay ano ba tama na yan parang kayong iwan tanghaling tapat nag-aaway kayo sa daan. Tingnan niyo nga pinagtitinginan kayo dito." Ika ko dito.
"Ay hindi wala kong pake bwesit tong lalakeng to." Sabi ni tatay sabay turo sa lalaki at ng muling a-amba sana ang lalaki ng suntok ay ako ang natamaan sa braso.
"Ang tanga mo naman sumuntok hindi kalaban ng sinapak kundi yung anak. Ay bakla" Rinig kong sabi ng nakikisyoso.
Masakit ang suntok na iyon pero hindi ko alam ng bigla silang natigil at parang nakita ng multo kahit si tatay ay lumaki ang mata. Tinignan ko ang gawi sa likod at nakita ko ang Mayor na kasama ang anak nitong si Sandro.
"anong nagyayare dito ah?" Tanong ng Mayor ng makalapit.
"Wala po Mayor nagkakasiyahan lang." Sabi ni tatay. Wow! Nagkaksiyahan iba din naman a\kayo magkasiyahan kasi may suntukan.
Ilang segundo ay nagsalita ang Mayor "Hala mag si-uwian na kayo." sabi nito at tumalikod at ng tumingin ako sa gawi ng anak nito nakatingin ito sa braso na hawak ko ng bigla itong bumulong sa ama. Tumango ang ama at umalis kasama ang mga ilan nilang kasamahan habang siya at palapit sa gawi ko.
"Okay ka lang ba? hawak mo braso mo eh?"
"Oo, okay lang ako. Sige alis na kami." Sabi ko dito sabay hawak sa pulso ni tatay para umalis ng hinawakan niya ang braso ako.
"Pwede hatid ko na kayo?" Sabi niya.
Hindi ako kumibo ng magsalita si Kevin "Ayos yan Kuya Sandro kasi lasing si tatay walang aalalay." Sabi nito at tumango naman si Sandro.
"Sige tulungan ko na kayo?" sabi niya at nauna silang maglakad habang inaalalayan ni Sandro si tatay para hindi tuluyang magpasuray-suray sa paglalakad at nasa likod nila ako.
Hindi ko alam pero habang tinignan silang naglalakad tumingin si Sandro sakin na may ngiti. Hala! baliw na ang gago. Hindi ko ito nginitian pabalik kundi tinaasan ko ito ng kilay kaya tumingin ito sa harap at nagpatuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Halfway (Journey Series 1)
Teen FictionKung ang paglayo ko sayo ay isang paraan para maprotektahan ko ang sarili, gagawin ko wag lang ang ako masaktan ulit kagaya ng ginawa mo.