Chapter 19

4 0 0
                                    

Apat na araw na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Sandro at yun ang gabing nalaman niya ang nangyari sa  mama niya. Hindi ko alam kung paano pagaanin ang loob niya. Alam ko kung gaano kamahal ni Sandro si Mrs. Davis na ina niya.  Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin ang pangyayaring nakawan sa bahay nila na kung saan yun ang dahilan sa pagkamatay ng mama niya.

Nakauwi na din kami  sa bahay ni tita hindi na kami pinauwi sa bahay namin baka daw bumalik si tatay doon. At kasalukuyan din na pinaghihinalaan na kasama siya doon kasi nalaman na bumalik siya sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

"Anak okay ka lang ba? pwede muna  namang puntahan si Sandro, kailangan ka niya ngayon."

"Ma, natatakot ako, hindi ko alam pero paano kung si papa nga ang pumatay sa mama niya? Kaya pa ba ako tanggapin ng lalaking  gusto ako?"

"Anak, normal lang masaktan si Sandro mahal na mahal ng batang iyon ang kanyang ina. Pero kung totoo ang nararamdaman niya sayo pwede naman kayong mag-usap. Sumama ka sa kuya mo mamayang gabi kasi pupunta siya sa burol ng ina ni Sandro. Kailangan ka ni Sandro ngayon, anak."

Tumango ako at niyakap ako ni mama. Umiiyak ako sa balikat niya. Gusto kung puntahan si Sandro nung unang gabi palang ng burol ng ina niya kaya lang natatakot ako baka hindi niya ako kausapin.

Ilang oras lumipas ay gabi na din at dumating na si kuya galing school nag sout lang siya ng simpleng damit at sumabay ako sa kanya. PInakain sana ako ni mama pero wala akong gana.

Dumating na kami sa burol ng ina ni Sandro at merong sumundo samin papunta sa loob. May kausap si kuya habang ako ay nakaupo nakita ko ang mama ni Sandro sa picture na katabi ng kabaong nito. Ang ganda ng mama niya  at sobrang makikita ang saya  sa ngiti nito at sa mga mata niya. Ilang minuto ay may nagbigay sakin ng pagkain tinanggap ko iyon pero hindi ko yun ininom.

 Lumabas ako  kasi hinahanp ko si Sandro. Nasa likod ako kung saan naka burol ang mama niya nakita ko si Sandro na may hawak na bote. Lumapit ako sa gawi niya.

"Kailangan ba talaga pati sarili mo pahirapan mo?"

Tumingin siya sakin at ngumiti yung ngiti na puno ng sakit. Lumapit siya sakin at umiyak.

"Wala na   si mama, paano na ako ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Yung babaeng pinakamamahal ko iniwan na ako... "

Inalo ko siya kasi panay siya iyak. "Andito ako Sandro iyakan mo ako kung gutso mo, please tatagan mo naman sarili mo."

Humiwalay siya ng yakap at hinila niya ako paupo sa bench. " Namiss kita, salamat at pumunta ka."

Pinunasan ko ang luha niya at kinuha ang bote na hawak niya. "Sumama ako kay kuya para puntahan ka tapos nalaman ko din na halos wala ka ng ayos na kain. Sandro, naman hindi ito magugustuhan ng mama mo."

"Wag ka ng uminom please" Sabi ko dito

Tumingin siya sakin "Ngayon lang naman to, pero dahil andito kana hindi na po. I want to eat."

"Dalhan kita ng pagkain dito. Dito ka lang ah."

Tumango siya at umalis ako. Kumuha ako ng pagkain at bumalik sa likod kung saan siya nag-aantay. 

"Ito na oh." Sabi ko sabay upo.

Hindi niya ginalaw ang pagkain ng bigla itong magsalita.

"Subuan mo ako."

"Bakit? Wala ka na bang kamay?" Pagsusungit ko dito sumusobra na naman siya.

"Hindi na lang ako kakain."

"Fine." Sabi ko at sinubuan siya.

"Ikaw kumain kana." 

"Hindi pa."

"Susubuan kita" Sabi niya at aayaw pa sana ako ng bigla niya akong subuan ng pagkain.

Ilang minuto ay natapos na kaming kumain. Tanaw namin ang ganda ng buwna at mga bituin. Ilang oras nakalipas at nakatulog siya sa balikat ko at medyo nangangalay na ako. Ilang minuto ay nagmulat siya.

"Sorry, mabigat pa naman ako. Bakit hindi mo ako ginising nangalay ka tuloy."

"Okay lang. Kasi alam ko wala ka pang tulog ng ilang gabi."

"Namimiss ko na si mama." Sabi niya ng biglang tumulo ang luha niya.

"Miss na miss ko na si mama gustong gusto siyang yakapin. Ang saya niya nung umalis ako sa bahay nung araw na yun. Sabi niya pa paglulutuan niya ako. Pero...."

"Shhs.."

"Pero nadatnan ko na lang ang wala siyang buhay... Gusto ko siyang ipaghiganti, gustong gustong pero hindi ko  alam asan mag-uumpisa." 

Panay lang siya sa pagsasalita  at nakikinig lang ako nasasaktan ako sa mga naririnig ko tungkol sa kung gaano niya kamahal ang ina niya. Mahal na mahal ni Sandro ang ina niya ang unang babaeng minahal ng taong ito. 

"Sandro, magpahinga kana wala kapang tulog sasamahan kita."

"Talaga? Hindi mo ako iiwan? Mananatili ka sakin?

Tumango ako kahit naiilang.  Tumayo kaming dalawa at pumunta sa kuwarto niya. Naglinis ng kuwarto puro puti at itim na kulay ang makikita mo. Ang higaan niya ay black lahat habang ang wall naman ay white with black border in upper and lower part. Ang laki ng room  at nasa kalagitnana ako ng paghanga ng kuwarto niya ng bigla siya magsalita.

"Maliligo lang ako."

Tumango ako at umupo sa couch na nasa kilid ng higaan niya. Ilang minuto nakalipas lumabas na si Sandro may damit na siya at may tuwalya sa leeg niya.

"Baka gusto mo din maligo."

"Wala akong damit Sandro."

"You can borrow my shirt and boxer instead" Sabi niya ng bigla kong maramdaman ang paginit ng mukha ko ng bigla siya ngumiti at lumapit sakin.

"Did I make you blush?" Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Tinulak ko siya. "Hindi ah. Sige pahiram ng stuff mo babalik ko rin."

Tumango siya at binigay sakin. Amoy na amoy ko ang pabango niya na  ginamit niya ng pumasok ako sa banyo pagkatapos ko sa banyo maligo at magbihis ay lumabas na ako. Nakahiga na si Sandro at tumingin siya sa gawi ko at pinalapit ako. Umupo ako sa higaan at umupo siya sa may likod ko ay kinuha ang tuwalya sa buhok ko.

"Ako na magpupunas ah."

Tumango ako  dito. Pinunusan niya ang buhok ko at inamoy iyon. At bigla siyang nagsalita at ramdam ko ang init ng hiniga niya sa leeg ko.

"You smells good. Ang ganda mo at bango pa."

Sabi niya at bigla akong niyakap. Hindi ko alam pero bakit hindi ko na kaya mawala siya skain. Iba na itong nararamdaman ko kay Sandro masyado ng malalim hindi na ako nito makaahon.

"Sandro, magpahinga na tayo." Sabi ko dito at tumango naman siya kasi naramdaman ko sa balikat ko ang paggalaw ng ulo niya.

Sabay kaming humiga at nakaunan ako sa braso niya ng bigla siya nagsalita.

"Good night.  I hope this is not the last. I love you"

Tiningala ko siya pero naka pikit na siya. Sandro, anong ginawa mo sakin? Ang lalim na makakaahon pa kaya ko? Kaya ko kaya ng wala ka? 

At bakit ganun kinakabahan ako sa huling niyang salita.

Hindi ko na lang iyon pinansin at natulog. 

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon