Tatlong araw na ang nakalipas simula dumating sila Sabelle dito. Si Ate Yara naman ay umuwi na pagkatapos ng dalawang araw kasi may work ito habang sila Tito Ruel at Tita Elisa kasama si Tita Maribelle ay andito pa. Kasalukuyan akong nagsusulat ng bila akong makaramdaam ng presensya sa likod ko.
"Alam mo hindi ka naman gusto ni Sandro, pinagtritripan ka lang nito." Sabi ni Sabelle sabay upo sa harapan ko.
"Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya na may ngisi sa labi. Alam mo wala din naman akong sinabi na gusto ko yung tao at kung yung dahilan ng pagbubunganga mo ay yung nakita mo kahapon na hinatid niya ako. Well, ka pair ko siya at siya ang may laptop kaya kami magkasama. Kaya kung ako sayo wag mo akong akusahan sa bagay na hindi ako interesado." Sabi ko tinuloy ang pasusulat.
Bwesit na babe ito. Mangagambala lang para sa kalandi-an niya. Bigla itong tumayo at lumapit sa gilid ko at hinatak ang buhok ko.
"Aray, ano ba Sabelle bitawan mo nga ako. Masakit, aray! Ano ba!" sabi ko habang nagpupumiglas. Hindi ito pwede saktan kasi ako naman ang kawawa.
"Bakit kita bibitawan eh nagsisimula pa lang ako." Sabi niya sabay hatak ng buhok ko para makatayo at panay ito sigaw.
"Tulong-tulong, sinasasaktan ako ni karlyle." Sigaw niyo habang hatak-hatak ang buhok ko at siya naman ay ginugulo ang buhok. Nagpupumiglas ako at tuluyan ng nakawala sa paghatak niya kaya bigla itong naupo sa sahig at sabay non ang pagdating ni Lola at ang magulang niya.
Patay!
Wala-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong samapalin ni lola sa mukha."wala kang karapatan saktan ang apo ko. Sino ka ba, huh? Ang kapal ng mukha mong palamunin ka. Bwesit ka!" Sabi nito at sabay tulak sakink aya ako natumba sa may sofa at masakit iyon kasi malaks ang pagkakatulak ni lola. Sila Tita at Tito naman ay tinulungan ang anak makatayo at tinignan ako nito habang umiiling.
"Alm ko naman ko na hindi kayo magkabati ni Sabelle. Pero Karlyle, wag naman umabot sa ganitong sitwasyon." Sabi nito habang yakap ni Tita si Sabelle at humihikbi.
Ay puta! pwede pala itong mag artista. pa victim. Siya ang nauna pero kampi niya pa rin lahat. Well, that's life is.
"Tito, hindi po talaga-" Hindi ko na tapos ng magsalita si Sabelle.
"Papa, sinungaling ang babaeng yan. Nakaupo ako kanina tas hinablot niya bigla ang buhok ko." Sabi nito at tinignan ko ito at tinanong ang sarili.
Paano niya kayang mag sinungaling sa harap ng magulang niya.
"Ganun talaga pag anak ng babeng walang kwenta. Wala ring modo, parehas sila ng nanay niya." sabi ni lola at tumayo ako.
"Oo, may mali ako pero alamin niyo ang sitwasyon bago kayo mag akusa ng isang tao at lola wag na wag niyong idadamay ang nanay ko. Kasi wala siyang kasalanan sa mga nagyayre sa buhay ni papa na anak niyo." Sabi ko at bigla itong lumapit at sinampal ako. Malakas ito kaysa sa una niyang smapal. Ngumiwi ako sa sakit ng bigla kung marinig ang boses ni mama.
"Anong nagyayre dito?" Tanong nito at nasa tabi ko.
"Yung anak mo inaway si Sabelle at ngayon sinasagot si mama." Sabi ni Tita Elisa.
Ramdam ko ang tingin ni mama sakin at lumapit ito "Maya mag-usap tayo ah. Lumabas kana muna." Tumango ako lumabas.Hindi ako umiyak kanina sa sakit ng pagkaktulak ni lola o sampal pero nasasakatan ako kasi kampi nilang lahat kung sino ang mali. Alam ko naman bat ganun si lola eh. Syempre galit siya kay mama kaya pati kami damay.
Sila Dorothy at Kevin ay wala sa bahay kasi sinama ito ni Tita Maribelle mamasyal. Ako kanina ay kakagaling ko lang magluto ng pagkain namin ng hapunan.
Ng tuluyan na akong nakalabas ng bahay bumuntong hininga ako at pumunta sa kalapit na dagat. Doon ako minsan tumatambay kung ayaw ko ng ingay at mabigat ang nararamdaman ko. Dumating ako doon at umupo sa may buhangin alas sais na din ng gabi kaya tanaw dito sa pwesto ko ang mga ilaw nakapaligid sa dagat.
Lagi naman ako ang suspek pag nassasaktan ang mga pinsan ko minsan pa nga dumating sa point na pinalayas ako ni papa ng bahay dahil daw wala akong kwenta at hindi ako tumulad sa mga pinsan ko. Kung hindi dumating si kuya ng time na yun baka tuluyan na akong wala sa poder ng magulang ko. Kahit mahirap at maskait yung araw na kinabubuhay ko gagawin ko para sa mga kapatid ko. Minsan pagod na pero may choice ba ako.Nasa kalagitna-an ako ng pag-iisip ng maramdaman ko may presensya sa likod ko. Tinignan ko ito at si Kuya Kristoff ang nakatayo at nakapamulsa ang kamay. Naka uniform pa ito at may ID. Malinis si Kuya sa katawan at madaming nagkakagusto dito pero parang bakla kasi hindi nman interesado. Pero naririnig ko nagda-date daw nito ang ank na babae ni Mayor pero hindi ako naniniwala hindi nga yon halos pinapansin ni kuya.
Lumapit siya sa gawi ko at tumingin na sa harap "Tapos kan mag monologue tungkol sakin" Sabi nito sabay upo sa buhangin.
Tinignan ko siya "Bakit ka umupo may klase kapa maya ah."
Umiling siya "May urgent conference meeting ang dalawang kong prof kaya wala akong class."
Tumango ako dito kahit hindi niya kita kasi nasa harap ito nakatingin. Ilang minuto nakalipas nagsalita siya.
"Kakauwi ko lang galing school pero nakita kita sa labas umiiyak. Ang pangit mo palang umiyak." Sabi nito at tinignan ko at kita ko na tumatawa ito.
"Wow! ah nandito kaba para asarin ako?""Hindi naman, nagsasabi lang eh. Sinundan kita at dito kita naabutan. Hindi kita tatanungin sa nangyare pero bakit hindi mo sinabi." Sabi niya at tinignan ako at kita ko sa mata ni kuya ang pag-aalala.
"Kuya, wala naman akong laban pag sila ang victim eh. Lagi sila yung tama at ako yung mali." Sabi ko.
"Wala naman masama ,Kang kung magsasabi ka ng totoo." Sabi niya
"Tapos kapalit nun sampal kundi pagpaplayas sakin? Wag na kuya okay na ako masakatan hindi naman lagi eh." sabi ko at tumawa.
"Alam mo bat mo pinipigalan umiyak kanina kapa gusto umiyak eh. Pa-anga angas ka pero nasampal kana." sabi niya ng tuluyan na nagpaluha sakin.
"Kuya, bat ganun ano ginwa ni mama at ganun sila lola satin?" Taning ko dito.
Pinalapit niya ako at niyakap patagilig habang hima-himas ang braso ko "Hindi ko din alam eh, pero ang alam ko ayaw ni lola kay mama para sa anak niya."
"Pero kuya matagal naman yun diba. Ang laki na nga natin hindi parin maka move-on. Hindi ba yan uso sa kanya." Sabi ko at nagsalita siya.
"Malalim ang rason ni lola sabi ni mama kaya minsan iniitindi ni mama si lola at pinapabayaan nalang niya ito. Pero kaya naman nati eh kasi kailangan."
"Kuya, pagod na ako sa bahay kung hindi ako masasaktan ng piskal, masasaktan naman ako ng salita nila. Kuya, gusto ko lumayo." Sabi ko.
"iiwan mo si mama? para sa katahimikan mo? pati kami?" Sabi nito na may pagtatampo.
"Edi umalis tayo sabi ko"
"Walang aalis kasi obligayson natin alamin." Sabi nito.
"Hindi kita maintindihan, kuya." Sabi ko at tiningala siya.
"Wag muna isipin basta kakayanin natin to. Walang Fuentes na mahina, diba?" Ika niya
"Oo na, daming mong alam." Sabi ko
Ilang minuto ang nakalipas at nag stay kami ni kuya doon sa dalampasigan ng biglang nag-vibrate ang phone nito.
"Tara na kang, dinala daw sa hospital si Dorothy." Sabi ni kuya at nakapag-patayo sakin.
BINABASA MO ANG
Halfway (Journey Series 1)
JugendliteraturKung ang paglayo ko sayo ay isang paraan para maprotektahan ko ang sarili, gagawin ko wag lang ang ako masaktan ulit kagaya ng ginawa mo.