Chapter 15

2 0 0
                                    

Gabi ng umuwi si mama tapos  na kami kumain at nag-aaral ako ng dumating siya. Mukha siyang sobrang pagod kaya pinaghain ko na siya.  At yung nakita ko kanina kay kuya pinagsawalang bahala ko na lang at sabi niya dapat hindi makarating iyon kay mama kasi kung makarating kay mama  lagot daw ako sa kanya.

Scary ako!

Nasa sala pa ako ng lumabas si mama mula sa kusina.

"Hindi kapa ba matutulog, Karlyle?' tanong nito tumabi sakin.

"Hindi pa po ma. May assignments kasi kami at nag-advance na lang din ako para sa lesson namin bukas." Sabi ko dito.

"Kamusta ka naman sa school mo?" Tanong nito  at tumingin ako sa kanya.

"Okay naman po wala naman po naging problema sa first day ko doon." Sabi ko dito.

"Mabuti namna . O siya mauna na ko at matulog kana din pagkatapos mo dyan." 

"Opo ma. " sabi ko dito at tinapos na ang ginawa ilang minuto nakalipas at natapos na ako at biglang nagvibrate ang pone ko.

From: Sandro

Hindi na ako lilipat ng school :(

Baka nga hindi mo na ako pansin magtitiis na lang ako sunduin kaysa sa hindi mo akong pansin. Good night, Kang :)

Hindi ko ito ni-replayan kundi tinanong ko sarili ko anong problema ng lalaking ito bakit ganon siya hindi nman kami ganito dati. Sa pagkakaalam ko ang layo ng mundo namin sa isa't-isa. Ilang minuto ay natapos na ako at pumasok sa kwarto  at natulog.

******
'Ate, gising na  sabi ni mama"

Nagising ako sa pagyugyog ng kapatid ko skain. Tinignan ko ito at si Dorothy pala naka uniform na ito. 

"Wait lang. Ito na tatayo na. Punta kana sa labas at mag-aayos na muna ako."

Tumango ito at lumabas na. Naligo ako pagkatapos ay nagbihis matapos gawin ang lahat bumaba na ako at nakaihain nasa mesa nag pagkain ng biglang nagsalita si papa.

"Bigyan mo ako ng pera o babalik ako sa dati kong gawain?" Tanong nito kay mama.

"Wala akong pakealam kung mahuli ka man ng pulis  kasi ang pera na meron ako para sa mga anak mo. Wala ka na ngang binigay sa pamilyang ito pero kung makasta ka akala mo may inambag sa bahay na ito." Sabi ni mama at biglang tumayo si papa sabay tapon ng  taso ng pinag-inoman niya ng kape. Lumapit siya kay mama at sinampal ito.

Sumigaw si Dorothy dahil  sa nakita at biglang lumabas si Kuya umiiyak na si Dorothy habang si Kevin at nakatingin lamang kay papa at hindi ko makitaan ng emosyon ang kapatid ko.

"Wala kang kwenta, pera lang naman  ang hinhingi pero hindi mo pa mabigay ang yabang mo akala mo kung sino ka."  sabi nito at sabay tulak kay mama kaya nakasalampak si mama sa semento. Umalis si mama at dinaluhan namin si mama.

"Mama, okay ka lang ba?' Tanong ko dito at inalalayan tumayo at pinaupo.

"Oo anak okay lang si mama. Kumain na kayo at pumaosk sa school." Sabi ito at tumingin sa gawi Dorothy.

"Anak halika dito. Wag kana umiyak, okay lang si  mama ah." Pinatahan ni mama ito ng biglang nagsalita si  kuya.

"Palayasin na lang kaya natin ang walang kwenta naming ama, ma? Palamunin na nga wala pang kwenta. Putangina talaga."

"Kristoff, ama mo pa rin siya."

"Hindi siya nagpaka-ama saming magkapatid. Nagpakaama siya sa bote ng iniinom niya." Sabi ni kuya at sabay alis.

"Mama, dito lang po ako hindi na ako ppasok para mo may-aalalay sa inyo." Sabi ko dito.

"Pumasok ka na, Kang. Okay lang talaga ako at papasok din naman ako sa trabaho sayang din ang araw." Sabi nito sabay tayo at pumunta kuwarto.

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon