Chapter 22

2 1 0
                                    

"Ayy, salamat tapos na talaga ang sem. Makakapag pahinga na din tayo." Sabi ni JC.

Tumango kami dalawa ni Charena. Dalawang buwan ang bakasyon namin at plano naming umuwi sa probinsya namin. Miss ko na din sila mama at mga kapatid ko. 

"Cafeteria tayo gutom na ako." Sabi ni JC habang hawak ang tyan. 

"Lagi naman eh. Parang yang bulate mo sa tyan hindi magkadamayaw."

 "Totoo ka dyan, Kang." Sabi ni Charena Tumawa kaming dalawa ni Charena dahil nakabusangot ang mukha ni JC dahil pinagka-isahan namin siya. 

"Parang di kayo kaibigan ah. Ang sama niyo." Sabi niya at umunang ng lumakad at nakasunod kami ni Charena.

 Nasa likod kami ni JC at nakita namin si Sandro nakakalabas lang sa office ng dean ng campus. Nakatingin siya kay JC at mukhang may hinahanap. Nagkita ang tingin naming dalawa at una akong umiwas. 

"JC antayin mo kami ang bilis mo maglakad." Sabi ni Charena at hinabol namin siya. Dinaanan ko  lang si Sandro pero may narinig akong binulong niya.

 I miss you.

 Ewan ko kung para sa akin iyon or guni guni ko lang yun. Hindi naman niya ata ako miss kasi meron kaya siyang kinikita at yun ang mga naririnig ko sa mga nakakilala sa kanya. Ilang minuto ay dumating na kami sa cafeteria. 

Umupo kaming sabay at sila JC at Charena ang umorder ng pagkain. Nasa kaalagitnaan ako ng pag aantay kanila JC ng biglang may lumapit sa mesa namin.

 "Excuse me, miss. Where's Charena." 

 Tiningala ko ito at masasabi kung madamot talaga si lord. He looks like living Greek God. Ang puti niya, makapal na kilay, maamong mata at natural black hair.

 Tumikhim ang kasama niya at tinignan ko ito at putek naman bakit andito ito. 

"His asking you, woman. Stop worshipping my friend unless it was me." Sabi niya at ngumisi. 

Bwesit to! Bakit andito ito? Hindi naman ito nag aaral dito? Ano bakasyon pa rin? Sana all. Inismidan ko si Sandro at tiningala ang lalaki.

 "Umorder sila ni JC at andoon si Charena." Tumango ito at nilagay ang gamit niya at tumingin kay Sandro. 

"Stay here we will eat with them." Sabi ng lalaki at ngumiti naman ang Sandro, gago. Tumango si Sandro sa lalaki at umalis na siya at umupo sa harap ko si Sandro. Walang umimik samin at panalangin ko na sana dumating sina Charena kasi ayaw ko makasama si Sandro. Alam kong nakatingin siya sakin at ako mukhang tanga na panay scroll sa phone kahit wala naman talaga dapat i-scroll. Narinig ko siyang tumikhim at hindi ko siya pinansin. 

"Ano ba yan para naman kayong nasa simbahan ang tahimik niyo." Sabi ni JC at tinignan ako nito. 

"Tunaw na tunaw na ang kaibigan namin Sandro." Sabi ni Charena 

 "Kumain na tayo gutom kana diba JC." Sabi ko at kinuha ang tray sa kanya kasi hindi pa niya nilapag. Nakita ko ang lalaki nakahawak ang kamay sa bewang ni Charena. Don't tell me ito si Dale? Tumikhim si Charena at tinignan namin siya. Habang si Sandro alam ko sakin siya nakatingin. 

"Ahhm..guys si Dale, boyfriend ko." Sabi ni Charena. Nagpakilala si Dale samin at nagpakilala kami ng kunin na ni Dale ang kamay ko ay nagsalita si Sandro at sabay hawi ng kamay ni Dale at siya ang nakipag kamay. 

"Karlyle nga pala ang pangalan niya." Sabi ni Sandro kay Dale at nagkamayan silang dalawa Ngumiti si Dale at sabay kuha ng kamay niya kay Sandro 

"You look so pissed ah."Sabi nito sabay upo. 

"Hindi ko kasi pinapahawakan ang ang pagmamay ari ko Mr. Lavigne at alam kung ganun ka din." Ngumisi si Sandro habang nakatingin kay Dale. Tumikhim si Charena ng mapansin niyang magsasalita na ulit si Dale.

 Nakuha niya ang atensyon namin at umupo na siya sa tabi ni Dale habang umupo si JC sa tabi ko. Kaharap namin silang tatlo at talagang kaharap ko ang kumag. 

"Kumain na tayo." Aya ni JC Kumain na kami habang may pinag-uusapan ng mapunta ang tingin ko sa kanila Charena at Dale. Sobrang sweet nila. At ang clingy ni Dale sa babae pero ang babae mukha naiinis na.

 "Subuan mo ako.. please" Sabi ni Dale at pinandilatan siya ni Charena 

"Kumain ka nga. Para kang bata magpapasubo pa." Sabi nito at subo ng pagkain. 

"Isa lang."

 "Isa pa talaga hindi kana na hiya nasa harap tayong ng kaibigan natin tapos ganyan ka." Sabi ni Charena kay Dale pero hindi pa rin ito nagpa-awat.

 "Isang kulit pa Dale hindi na kita papansinin." Parang maamong tutang nanahimik si Dale at kumain na lang pero bigla kong narinig si JC. 

"Jusko kailangan ba talaga ipamukha sakin na wala akong jowa. Para akong lalanggamin dito." Sabi nito na mukhang nang aasar. 

"Gagapangin ko na talaga yung Engineer ko." Sabi niya at sabay halakahak at napaubo ako sa sinabi ni JC. 

 Binatukan ko siya at tumatawa pa rin ang tanga. Nakita ko din na sinubuan ni Charena si Dale. Ang tamis mukha silang pinagdikit na turon na hindi mahiwalay. 

Ang lagkit!

 At nasa kalagitnaan ako ng paginom ng tubig kasi tapos na ako ng magsalita si Sandro 

"Gusto mo subuan din kita?" 

"Subuan mo mukha mo. Bwesit." Sabi ko sabay alis sa upuan. 

Buti na lang tapos na ako. Narinig kong tumatawa si JC at Charena at inaasar pa nila si Sandro. 

"Ano ka ngayon Sandro? " Sabi ni JC.

Pumunta ako sa garden sa likod ng campus wala na kaming pasok ngayong hapon at nag chat na din ako kanila Charena kung saan nila ako pwede mahanap. Nasa kalagitnan ako ng pag-iisip sa gagawin ko sa bakasyon ng bigla kong naramdaman ang presensya ng ibang tao. Tinignan ko ito at hindi ako nagkamali si Sandro, asungot nga. Hindi ba ito uuwi kung saan siya nanggaling.

"Can we talk." Sabi niya ng nakalapit siya sakin

" Ayoko ko." Sabi ko at aalis na sana ng magsalita siya. "Please, just now bago ako umalis."

Tinignan ko siya. "Hindi mo kailangan akong kausapin kasi wala akong pakialam kung aalis kana naman." Sabi ko tumalikod pero nakuha niya palapusuhan ko at hinila niya ako sabay yakap.

"Can we stay this for a mean time. I miss you."

Hindi ako umimik at ilang segundo nakalipas at tinulak ko siya. Aaminin ko mahal ko pa rin siya at kahit sabihin ko naka move on na ako kahit hindi naging kami ay maloloko ko lang ang sarili ko. Minahal ko si Sandro kaya kahit nag college na ako kahit may manliligaw ako lagi itong hindi pinapansin kasi hanggang ngayon hindi ko mapaliwanag bakit siya pa rin.

"Umalis kana Sandro o kung hindi ako na ang aalis. Please, wag ka mag pakita sakin." Sabi ko at hindi ko namalayan na may luha na pala ang mata ko.

Humakbang siya palapit sakin at pinunasan ang luha ko. "I'm sorry."

Umalis na ako at hindi na siya nilingon. Naka salubong ko si Charena at JC kasama nila si Dale. Mukhang may hinahanap si Dale kaya nagsalita ako.

"Nasa garden siya." Sabi ko at tumango ito.

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon