Chapter 2

17 1 0
                                    


"Buti naman at nakauwi ka pa kagabi. At hindi ka nakitulog sa kumpare mo." Galit na sabi ni mama kay papa. Habnag si papa ay nagkakape at hinahawakan ang ulo.

"Pwede ba! Tumahimik kang babae ka." Ika ni papa kay mama na pasigaw.

Lahat kami ay nagulat sa pagsigaw ni papa sabay hampas sa mesa na kung saan kami kumakain. Tumayo ito at lumabas dala ng kape niya. Tinignan namin si mama.

"Kumain na kayo at mahuhuli kayo sa klase. Mauna na ako sa inyo mala-late na ako sa munisipyo, baka magalit si Mayor." Tumango ang dalawa kung kapatid.

"ma, mag o-overtime ka po ba mamaya?" Tanong ko dito at tumingin sa gawi ko.

"Hindi ko pa alam pero baka. At ikaw muna bahala sa mga kapatid mo if mag OT ako, ah." Tumango ako sa sinabi niya at lumapit sa amin at humalik sa noo." At isa pa yung kuya mo gisingin mo na kasi pag ako nakagising nun papalayasin ko na yun." Sabi niya bago nagmartsa palabas ng bahay.

Matapos kami kumain ay nagsitayuan na ang mga kapatid ko at nag-ayos na ng gamit at naghugas muna ako ng pinagkainan. Pagkatapos at pumunta ako sa kwarto ni kuya. Nakahiga pa ito at tulog. Ginising ko ito at may nakita akong sigarilyo sa lamesita na nasa kwrto niya at ng kukunin ko ito bigla itong nagmulat ng mata.

"Wag mo yan hahawakan. At wag mong tangkain magsumbong kanila mama."Tumango ako sa tinuran nito at umalis.

Hindi naman ganun si kuya dati iwan ko ba bat nagkaganun siya. Isang taon na lang ay ga-graduate na siya sa kolehiyo ta ngayon pa siya nagloko kung kailan matatapos na siya sa pag-aaral. Nagla;akad ako sa kwarto at nakita ko mga kapatid ko naka-ayos na.

"Sige na sa lumabas na muna kayo at magbihis na si ate ah." Sabi ko at tumango ang mga ito.

Ilang minuto nakalipas ay naka-ayos na ako ng uniform at gamit. Pagkatapos ay lumabas at nakita ko si kuya sa sala na nagce-cellphone. Huminto ako sa harap nito "Sana wag mo naman gawin ang bagay na ikakasira ng buhay mo, kuya pati sa tiwala nila mama. Sana makita mo ang paghihirap ni mama para satin." Sabi ko dito at tumingin siya sakin. Tumayo siya at hinawakan ang ulo ko at tinap ito.

"Nagpapahinga lang si kuya pero hindi ko naman yun gagawin lagi, Pagod lang ako, Kang. Kaya ganun. Don't worry magtatapos si kuya. Sige na hinihintay kana nila kevin at Dorothy sa labas." Tumango ako dito at nagmartsa palabas. Naglalakad na kami ng makita namin si papa na kausap ang kapitbahay namin.

"Oh, aalis na pala kayo mag-iingat kayo papunta sa school." Sabi nito at tumango kami.

Malapit lang ang paaralan sa bahay namin kaya nilalakad lang namin ito. Ilang minuto ay nakadating kami sa school.  Hinatid ko ang mga kapatid ko sa kani-kanilang classroom. Pagkatapos ay pumunta na ako sa classroom ko. Magulo ang klase dahil wala pa ang teacher. Ingay dito at ingay doon. At may nag-aaway pang biglang tumunog ang sign na mag pra-prayer ay huminto ang mga ito sa mga ginagawa. Kasi ang school na ito ay Christian School. 

Natawa ako sa iniisip ko kasi mukha silang mga inosente pag prayer time sa buong campus pero mga demonyo naman ang ugali. Pagakapos ng prayer ay parang wala lang kasi nagbalikan ito sa mga ginagawa. 

Nakaupo lang ako sa upuan ko habang nagbabasa ng libro na binigay ng kaibigan ko. May kaibigan naman ako pero minsan lang magkita kasi hindi kami same school. May lumapit sakin na grupo ng mga kababaihan ito ay sila Liliane, Agatha, and Marsha. Ito yung grupo nawalang ibang ginawa kundi ang mangbully sa kapwa pero wala namang laman utak.

Lumapit ang mga ito sakin at pinalibutan ako ng biglang nagsalita ang Agatha "Alam mo matalino ka pero loner ka naman. Sayang sabi ko sayo sumali ka sa grupo namin para naman makilala ka." Sabi nito pero hindi ko ito pinansin.

"Alam mo Karlyle, hindi namang masam na  maging kaibigan kami. Matino naman kami minsan pero minam lang yun kasi most of the time masama kami." Sabi ni Marsha at humalakhak silang lahat.

Tatayo na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Lilaine sa braso at binuhusan ng tubig. lahat ng nasa klase ay nagkatingin sa pwesto namin. Ang iba ay nabigla at nagtatawanan at rinig ko ang tawa ng tatlong magkakibigan. Umangat ang ulo ko at tinignan silang tatlo.

"Alam niyo maganda naman sana kayo pero hindi sinali ang ugali niyo." Lahat ay nabigla sa sinabi ko at ng umakto si lilaine na sasampalin ako nito hinawakan ko ang pulso niya "Kung yung iba kaya niyong ipahiya ibahin niyo ako kasi sabi niyo nga matalino ako diba. So I know to play games without letting you know. Messed with everyone but not me, bitches." Sabi ko sabay bitaw ng kamay ni Liliane. At umaray ito " Wala na nga kayong utak, wala pa kayong lakas. Mayabang magsalita pero isang sagot sa guro hindi magawa." Sabi ko sabay alis at rinig ko ang palakpakan ng mga kaklase ko dahil sa nangyare.

Pumunta ako sa restroom ng campus at hindi alam ang aggawin kasi t-shirt lang ang dala ko. Lagi akong may shirt kasi minsan may bigla-an kaming P.E. Ngapalit ako at nag-ayos at bumalik sa classroom. Wala pa ang teacher at ilang segundo ay dumating ito.

Sabay-sabay kami tumayo ng tuluyan na itong nakapasok at humarap. "Good morning, everyone!." Galak nitong bati samin.

"Good morning Sir Viola," Bati ng klase sa kanya. Sumenyas ito na maupo na kami. At nagsimula siyang magsalita.

"Today, we'll going to have pair activity. At ang pair niyo na yun ang magiging pair niyo until school year ends. But there's a twist ang partner niyo ay hindi kaklase niyo kundi sa kabilang section na hawak ko rin. Hindi ito groupings just to mold your skills towards output but it wil teach you how to work on in peoplo who are not in the same cycle. Got that, students?"

Lahat ay masayang sumigaw ng "Yes" habang ako iniisp na yung mga hinahawakang section ni sir ay isa doon ang section ko nasaan ang lalakeng pinaka-ayaw ko si Sandro Adam Davis na kung saan anak ng mayor ng lugar namin.

Ang mga kaklase ko ay tuwang-tuwa sa nangyayare kasi makakasama na daw nila ang mga crush nila at may pag-aasa na maka grupo nila si Sandro, kuno.

Pero sakin pinapanalangin ko sana hindi. Kahit ngayon lang lord, wag naman po. Pero hindi ata nadinig eh kasi nagsisimula na si sir ng pagtatawag ng partner kasi nasa-ayos na niya ito. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang nagsalita si Sir.

"Karlyle Fuentes and Sandro Adam, Davis." Sabi nito at tumingin sa gawi ko. Tumango ako ng pilit dito.

"Class, I partner you base sa rank niyo, especially in my class." He added.

Jusko ko po!

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon