Chapter 12

4 0 0
                                    

Months passed and we are on good terms. For me we are friends and that is. Today is the recognition of our 7th grade and after this, I'll be seeing myself in another school. But I know the bonds and memories we created would never be in vain for us.

I am the with highest honor in our batch during the recognition and next is Sandro. Ilang minuto nakalipas matapos ang recognition ay biglang lumapit sakin ang babaeng diko inaasahan, ang aking kaibigan.

"Congrats! I am so proud of you. At masaya ako na magiging same school na tayo."

"Thank you! Yeah medyo excited ako na kinakabahan, JC baka may bagong circle or bullies naman doon."

"Hay naku! Kang, alam mo walang mangbu-bully sayo kasi takot sila sa mga matatalino katulad mo."

"Ikaw talaga parang iwan."

"Totoo naman kasi. Tara baka hinahanap na tayo ng mama mo nag-aatay yun sa may gate, I swear."

Umalis na kami sa gymnasium kung saan dinaraos ang recignition kasi mamayang hapon graduation naman ng mga college. Ilang minuto ay nakita ko si mama kausap ang mama ni JC.

"Mama, uuwi naba tayo?"

"Oo, at doon kakain ang Tita Silvia mo at si JC kaya tara na kasi magluluto at magce-celebrate tayo sa bahay."

Naglakad lang kami pauwi kasi malapit lang ang bahay sa school namin. Ilang minuto at tumulong na din ako kay mama at tita sa pag-aasikaso ng pagkain kasama si JC. May mga kasamahan sa trabaho si mama na dumalo sa selebrasyon. Ewan ko ba hindi ko naman hiniling na magkaroon ng selebrasyon sa recognition day ko even though I got the highest rank among the students. Maybe paraan lang ng magulang ko to show how they are so proud of me but still waste of money.

Ilang araw ng nakalipas matapos ang recognition day at hindi ko nadin nakikita si Sandro or even pumunta sya sa bahay. At partly, favor din sakin ang bagay na yun kasi ayaw ko sa nararamdaman ko pag nakikita siya. At ang pagkakaalam ko nasa Davao City sila at nagbabakasyon ang pamilya.

Tumutulong ako sa bahay dating gawain pagwala si mama minsan din pag wala akong magawa pumupunta ako sa Munisipyo para tulungan si mama. Lahat ng katrabaho ni mama kilala ako kayo pasok at labas lang ako sa munisipyo at kilala din naman ako ng Mayor doon. Ang ginagawa ko doon ay tinutulungan si mama mag-ayos ng papers at mag print if kung may ipa-print out sila. Habang sila Dorothy at Kevin ay kaya naman daw nila sa bahay, sa bagay ang mga kapatid ko maasahan ko. At si kuya naman  habang walang paosk ay nagtatrabaho bilang call center pero ang setup nya sa bahay lang.

"Karlyle, okay ka lang ba dyan?" Tanong ni mama habang nag pri-print ako ng mga papers.

"Oo naman po, ma." Sabi ko dito at ngumiti.

"Kung pagod kana anak, umuwi kana ha at doon kana lang sa bahay."

"Opo ma pero if kung mapagod ako."

"Ikaw talaga ang kulit mo." Sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.

Bumalik si mama kanyang pwesto at ilang oras pa ay magagabi na. lahat halos ng kasabayan ni mama sa trabaho ay uuwi na habang mga anim na lang silang naiwan dito dahil nag OT sila. Tinignan ko ang orasan sa may wall at alas siete na ng gabi.  Lumapit ako kay mama at nagpalaam na uuwi muna para mag-ayos ng pagakin sa bahay kasi baka  busy si kuya. Pumayag naman ito kaya umalis na ako dahil mga ilang minuto na lang man ay uuwi na din si mama. Dumating ako sa bahay at sila Dorothy at Kevin ay nasa mesa habang may tinitignan. Lumapit ako sa mga ito at nakita ko si kuya nagluluto ng ulam.

"Anong niluto mo kuya? Tanong ko dito

"Afritada at wag kana magsaing nagluto na din ako." Sabi niya at tumingin.

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon