Nakatulugan ko ang pag-iisip sa mga sinabi ni Kuya sakin. Nagising ako umaga na dala na din ata ng pagod sa byahe kaya tuluyan na akong nakatulog. Bumangon na ako at sabay nag ayos at tinignan ko na din ang oras at alas sais na ng umaga.
Matapos ng dapat kung gawin ay nagbihis na ako ng tuluyan na akong tapos kinuha ko ang phone at madaming missed calls sila Charena at JC sakin. Nabasa ko din ang mensahe nila sa GC namin nag magbe-beach daw sila sa susunod na linggo at hindi ko alam kung sasama ba ako or hindi, especially kasama daw si Dale at may pag asa na sasama ang taong nilulubayan ko.
Maiintindihan naman ata nila kung hindi ako sasama diba? Pagkatapos mag reply sa kanila at nag check ako ng IG ko nakita ko ang post ni Sandro.
Picture yun ng moon kasama ng city lights maganda ang tanawin. At may caption siya doon na...
I would appreciate your beauty if I am watching you with the person I love.
Hindi ko alam pero ako ba tinutukoy niya? Or assuming lang ako. Jusko po ano ba yan! Hindi na dapat ako nag-iisip ng bagay na yan. Walang naging kami at parehas lang kaming nasasaktan. Hindi kami pwede at hinding-hindi magiging kami.
Hindi ko siya na block sa IG kasi hindi naman ako active doon sadyang nagkataon ang pagbukas ko ay post niya agad ang bumungad. Nilapag ko ang phone ko sa side table at lumabas na sa kuwarto. Ilang hakbang pa lang ang nagaggawa ko para bumaba ng marinig ko ang boses ni tita at mama kasi ang kuwarto ni mama ay nakabukas ang pinto.
Sumulip ako sa nakabukas na pinto at nakita ko si mama na nakaupo sa kama habang si kuya at tita nakatayo pero nakatalikod sila.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Karlyle lahat." Sabi ni mama.
"Ipaliwanag mo maiintindihan ka ng anak mo."
"Pero-"
"Ma, hindi habang buhay itatago mo ang totoo kasi si Karlyle din ang mahihirapan. Masakit pero kailangan niyang malaman." Sabi ni kuya.
"Tatagan ko ang loob ko sasabihin ko pero hindi ngayon pag alam kong kaya ko na." Sabi ni mama at tumango sila tita at kuya.
Umalis na ako kasi baka makita nila ako na nakasilip sa pinto. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kung isipin yung sinabi sakin ni kuya or yung narinig ko ngayon.
Bumaba na ako ng tuluyan at na kita sila Dorothy at Kevin na kumakain.
"Good morning, ate!" Masiglang bati ng dalawa kong kapatid.
"Good morning!" Sabi ko ang hinalikan silang pareho.
Nagtimpla ako ng kape ng magsalita si Kevin.
"Ate, bakit hindi ka nag sabi na uuwi ka?"
"Para surprise."
"Hindi ako na surprise." Sabi niya at ngumiti
"Edi wala." Sabi ko dito at umupo sa tabi nilang dalwa.
"Bakit kayo lang dalawa ang kumakain? Sila mama ba tapos na?"
"Nasa kuwarto pa ata ate. Kumain na kami una kasi na gutom na kami eh."
"Lagi naman." Tumawa silang dalawa sa sagot ko.
Ilang minuto ay dumating na din sila mama. Lumapit sila sa amin na tinignan ko silang tatlo halos hindi sila makatingin saking mata. Hindi ko alam kung yung sikreto na ba yun is masasaktan ba talaga ako? Or yung pagtago ni mama doon is ikakabuti ko?
"Ma, tita I have to go." Sabi ni kuya at tuluyan ng umalis.
Kumain na kaming pamilya at umalis na din si tita kasi may tatapusin pa daw sa kanyang opisina. Sila Manang Linda na din ang naglinis kahit pilit kung gusto tumulong ay ayaw nila. Nasa sala si mama at may ginagawa habang sila Dorothy at Kevin ay nasa kuwarto nagbabasa ng libro.
Pumunta ako sa kuwarto at binuksan ang cellphone. Ang ingay nila JC at Charena sa GC namin.
JC
Gusto ko ng gumala para akong malalagutan ng hininga dito. Ang boring!
Charena
Boring talaga. Kasing boring ng lovelife mo.
JC
Sige lang. Gagapangin ko na talaga ang Engineer ko baka mauna pa ako sainyo ni Karlyle. HAHAHAHHA
Me
Sige talaga JC baka magkatotoo yan may inaanak na kami ah.
JC
Ayaw ko kayo maging ninang kung ganun. Mga kuripot.
Charena
Ano ba gusto mo? Ibibigay ko. HAHHAHHAHAHA
JC
Gusto yung Engineer na crush ko.
Tumawa lang ako sa sinabi ni JC at nagplano ang dalawa ng gumala daw kami ngayong hapon. Ilang minuto din bago kami natapos mag-usap napagkasunduan din namin sa mall na lang kami magkikita.
Lumabas ako ng kuwarto para magpaalam kay mama. Wala si mama sa sala kaya pumunta ako sa garden pero hindi ko inaasahan ang aking nakita. Si mama ay nakahiga sa damuhan nilapitan ko agad iyon. Humingi ako ng tulong at dinala namin si mama sa hospital.
Nasa hospital na ako at nag chat ako sa GC na nasa hospital ako at kanila tita at kuya dahil dinala si mama. Ilang minuto ay dumating ang mga kaibigan ko at si tita. Habang si kuya ay susunod siya kasi may inaasikaso pa.
"Anong nagyari sa mama mo?"
"Hindi ko alam tita basta kanina pagbaba ko at pagpunta sa garden nakahiga na siya sa damuhan."
Tumango si tita at sobrang ang pag-alala. Hindi ko alam ang gagawin ng biglang lumapit ang doctor na nagasikaso kay mama.
"Doc, kamusta po ng kapatid ko?"
"Okay na siya ngayon. But as of now I can tell that we need to have further test kasi meron kaming nakitang bukol sa may right breast niya. And hoping its not that malignant."
Tumango si tita at habang ako ay tahimik at iniintindi lahat ng sinabi ni doktor. Nagpaalam na din ito at pumasok si tita sa loob ng kuwarto ni mama habang nakaupo ako sa bench kasama ang kaibigan ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako.
"Hanggang kailan ba matatapos ang paghihirap ng pamilya ko?"
"Shss...andito lang kami." Charena
Umiyak ako ng umiyak hanggat sa wala na akong maluha pa. Mga ilang minuto ay dumating na si kuya. Bakas sa mukha ang pag-aalala. Pumasok kami sa kuwarto ni mama. Nasa loob lang kami at ng biglang nagising si mama.
"Mama, gising kana. May masakit po ba sa inyo?" Tanong ko dito
"Kang, wala naman anak. Okay lang si mama. Sila dorothy at kevin?"
"Andoon sa bahay safe naman sila doon wag ka mag-alala." Si tita.
Tumango si mama at tumingin kanila Charena at JC.
"Kamusta kayo?" Tanong ni mama sa kanila.
Ngumiti ang dalawa at sabay sumagot
"Okay naman kami tita." Lumapit si JC at Charena.
"Pagaling ka po ah. Pagod na kami magpatahan kay Karlyle ang pangit umiyak." Sabi ni JC Pinalo ko ito sa balikat
"Wow! Ganda ka?"
"Tingnan mo tita nanakit. At oo maganda ako."
"Magandang nanggagapang." Sabi ni Charena at tumawa ako pati na din sila tita at mama ay natawa.
"Kayo talaga. Tapusin niyo ang pag-aaral niyong tatlo ah. Dapat maging successful kayo. Naiintindihan niyo ba?" sabi ni mama.
Tumango kaming tatlo at sabay sabing "oo"
BINABASA MO ANG
Halfway (Journey Series 1)
Teen FictionKung ang paglayo ko sayo ay isang paraan para maprotektahan ko ang sarili, gagawin ko wag lang ang ako masaktan ulit kagaya ng ginawa mo.