A/N: Good morning! Wake up with a positive outlook in life. Love lots!
5:18 A.MSabi nila hanggat bata pa dapat pangarap ang unahin at itong nararamdaman ko sa pinapakita ni Sandro ay wala akong karapatan maramdamn ito dahil una sa lahat bata pa kami at hindi pwede ko siyang magustuhan kasi nga bawal kasi malayo ang buhay namin sa isa't-isa. At isa pa tingin ko hindi naman totoo itong nararamdaman ko baka guni-guni ko lang to. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng tinawag ako ni kuya.
"Kang, andito si JC sinusundo ka."
Oo nga pala pupunta yun dito kasi sabay kami mag-eenroll. Lumabas ako sa kuwarto at pumunta sa may sala namin at nakita ko ang kaibigan kung prenteng nakaupo sa sofa habang ngumingiti kausap si kuya.
Buti naman bumaba kana, ikaw na muna bahala kay JC at mayagagawin pa ako." Sabi ni kuya at umalis.
"Ang tagal mo. Tara na baka mahuli pa tayo at baka madaming tao."
Ilang minuto at umalis na kami sa bahay at nagpaalam kay kuya. Ilang minuto ay dumating na kami sa chool nila. Medyo hinid pa gaano kadami ang tao hinila ako JC sa may linya na pumipila sa Grade 8. Nasa akin na lahat ng requirements na kakailanganin ko s apag e-enroll kinuha ko itong nong nakaraang araw. Ilang minuto nakalipas ay ako na ang magpapasa ng requirements tinignan ng guro ang kabu-an ko at bago tumingin sa card ko.
" So, you're Fuentes at galing sa kilalang school at you have good grades since then ah." Sabi nito.
"Yes po." Yan lang ang sagot ko sa mga sinabi nila."I see. Okay na ito at just fill up this form for your official enrollment."
Tumango ako pumunta sa place ni JC at sabay kami nag fill up ng form ng ilang segundo nakarinig ako ng boses ng isang babae.
"I don't want to represent the school just find another one, please."
"We can't find one na kagaya mo."
"But I can't and you know why." Sabi nito at umalis.
Nagtanong ako kay JC. "Sino ba yun, estudyante ba yun dito at sino ang kausap niya?"
Tumingin si JC sa tinutukoy ko kasi halos lahat ng estudyante ay nakuha ang atensyon dahil sa kanila.
"Yun, si Charena yun ang laging nag pre-present ng school sa iba't- ibang competition at yung kausap niya ay principal ng school. Pinipilit na naman ata sya mag present ng school."
"Bakit ayaw niya ba?'
"Hindi naman sa ayaw niya dahil gusto naman niya ang problem ay magulang niya minsan hindi siya pinapayagan."
"Talaga? Hindi ba proud sa kanya?"
"Tingin ko kasi since then despite her achievements hindi pa namin nakita ng magulang niya even sa meeting walang dumadalo sa kanya. Hindi yan sila mahirap madami daw ari-arian ang mga magulang niyan pero kahit kailan hindi ko nakitaan si Charena na magiging masama ugali despite how bless she is." Mahabang linya niya.
"I see. Tara na mukhang tapos kana din. " Sabi ko dito at tumayo kami at nagpasa na sa guro pagkatapos non ay umalis na kami pero pinasyal ako ni JC sa campus nila at habang pumapasyal kami nakita ko na naman ang babae.She's skinny, matangkad, mahaba ang kanyang maiitim na buhok, maputi at bumagay sa kanya ang ang kanyang white dress. Mukha siyang mahinhin pero ang ang kanyang expresyon sa mukha ay parang nakakatakot kumbaga nakaka-intimidate siya. Ilang segundo at nasa gawi na niya kami. Nagbabasa siya ng libro at mukhang wala pakialam sa mundo. At masasabi ko maganda sya. She's simple and pretty.
"May kaibigan ba siya dito?" Tanong ko kay JC.
"Huh? Sino? Si Charena ba? Ayy, oo madaming gusto maki-pagkaibigan pero iniiwasan niya. Iwan ko kahit ako matgal na siyang kilala at kakalase ko sya non natatakot akong lapitan siya basta hirap talaga pag brainy."
"Baka ganyan lang talaga siya or may rason ang pagiging ganyan niya. Hindi naman gingawa ang isang bagay ng walang dahilan."
"Sa bagay. Tara na at lilibutin pa natin ang campus."
Ilang minuto din kami naglibot sa campus at madaming kilala si JC dito at pinapakilala niya ako. Ngayon ko lang napansin na ganto kalaki ang campus at ang malalaki din talaga ang mga building, especially sa mga higher level. Masaya ako sa maga nakikita ko and partly, I want to be adaptable to the environment na papasukan ko. Pero hindi mawala sa isip ko ang babae kanina kasi hindi ko na siya nakita sa lugar kung saan siya tumambay kasi sabi ni JC lagi daw yun ang tambayan ng babae. Nasa likod yun ng classroom ng Grade 9 at doon kami dumaan may puno doon na malaki at doon siya umupo sa may ugat ng puno na yun. Basta ang masasabi ko lang ang gifted niya pero iba-iba talaga ng pagiging gifted ng tao.
Siya gifted siya sa lahat maliban sa kalinga at pagmamahal ng magulang.
Hanbang ako gifted din pero sa estado ng buhay hindi. Pero hindi ko yung pinagsisihan. Masaya ako at andyan ang pamilya ko.
Kaya minsan wag tayong mainggit kasi minsan may mga bagay na meron sila na wala tayo at mgay mga bagay din na meron tayo at wala sila. And I can tell that everyone are gifted in differnt aspects in life somehow hindi lang natin nakikita kasi ang nagpatutuonan lng nag pansin ay estado ng kapwa sa buhay. Ang hirap kasi ang babaw ng ng pananaw ng tao sa buhay puro na lang pera.
Ilang minuto ay kumain na kami ni JC malapit na kainan sa school at pagkatapos ay umuwi na kaming dalawa pero hinatid niya muna ako.
"Paalam, see you next week."
"Bye! Salamat!." Sabi ko at tuluyan ng pumasok sa bahay.
Pumunta ako sa kuwarto at hindi ko nakita sila Dorothy at Kevin. Asan na naman yun nagpunta? Kaninang umaga hindi ko din sila nakita pwera na lang sumama yun kay mama sa trabaho pero hindi yun papayagan ni mama na sumama. Ilang minuto at kumatok ako sa kuwarto ni kuya.
"Bakit? Anong meron?" Tanong nito. Habnag hindi nakatingin sakin kundi sa computer niya lang siya nakatingin.
"Asan sila Dorothy at Kevin hindi ko nakikita kanina din umaga."
"Nakay mama pinasama dahil sabi ko mag e-enroll ka at walang kasama yung mga yun dito kasi busy ako."
"I see. Sige puntahan ko na muna at baka sumakit ulo ni mama sa mga yun."
Umalis ako ng bahay at pumunta sa munisipyo at tingin ko umuwi na din ang Mayor na ama ni Sandro. Dumating ako sa place ni mama at wala doon sila Dorothy at Kevin.
"Ma, asan sila Dorothy?' Tanong ko."Hindi mo ba nakita sa labas? Hanapin mo muna baka naglaro lang yun." Sabi niya habang abala sa ginagawa.
Umalis na ako pumunta sa labas nakita ko sila Dorothy at Kevin nakumakain ng ice cream at pupunta na san ako ng nakita ko si Sandro na nakikipagtawanan sa mga kapatid ko. Nakita ako ni Kevin kaya tinawag ako nito.
"Ate, dito ka oh""Tapos kana mag enroll?" Tanong ni Sandro at umupo ako sa tabi ni Dorothy.
"Oo." Sabi ko dito.
"Dorothy, bakit ka kumain ng ice cream diba sa ni mama bawal muna kasi may sipon ka."
"I didn't know that kasi nagtanong ako kay tita sabi niya okay lang naman daw."
Hindi ko pinansin si Sandro at bakit ganun ibig sabihin alam ni mama na kasma nila Dorothy si Sandro. Jusme!
"Wala na ate, ubos na." Sabi ni Dorothy habang humahagikgik.
"Tss. Matigas ulo mo. Umuwi na tayo hapon na oh."
Tumango ang dalaw at nagsalita si Sandro.
"I'll accompany you."
"Wag na, kaya na namin."
"I'll accompany you."
Wala akong nagawa at sumunod siya sa aming magkapatid. At ng nasa labas na kami nakita ko siya na may tinutulangan matanda tumawid ng daan at ipinakain ang bata sa dala niya sa paper bag.
"Kilala mo?" Tanong ni Sandro
"Oo, same school kami. Bakit? Kilala mo?"
"Yeah." Tipid niyang sagot at naglakad na kami paalis doon ng biglang siyang nagsalita.
"Charena Miguela Saavedra"
Ang ganda ng pangalan niya kasing ganda niya.
BINABASA MO ANG
Halfway (Journey Series 1)
Novela JuvenilKung ang paglayo ko sayo ay isang paraan para maprotektahan ko ang sarili, gagawin ko wag lang ang ako masaktan ulit kagaya ng ginawa mo.