Chapter 21

3 1 0
                                    

"Ms. Fuentes, can you please solve the problem in the board." Sabi ng professor namin sa Mathematics in the Modern World.

Pumunta ako sa  harapan at sinagutan iyon.

"Very good." Sabi ng professor namin at ngumiti lang ako at bumalik sa upuan ko.  Wala kong kilala dito sa mga blockmates ko kasi architect ang kinuha ni JC habang si Charena naman ay nag Pol-Sci. 

Pagkatapos ng discussion ni sir ay nagpa quiz lang siya pagkatapos non ay naglabasan na nag mga students. Same school lang kami ni JC at Charena hindi siya umalis sa lugar even gusto siyang kunin ng lola niya na nasa states. Nagkita kaming magkakaibigan sa cafeteria.

"Hayst! kainis talaga yung masungit na engineering. Pogi pa naman." Sabi ni JC na halos hindi maguhit ang mukha.

"Ano na naman ginawa mo ah?" Tanong ko dito.

"Kasi naman binagga niya ako tapos hindi naman ako tinulungan. Akala ko pa naman mararanasan ko na yung mala-wattpad na scene." sabi niya at tumawa.

"Sira." Sabay sabi namin Charena.

Nag-order na ang dalawa at hindi na ako umalis sa upuan namin. Sophomore students na kami ngayon at so far masaya kahit mahirap. At yung tungkol kay papa nalaman namin na sumali nga siya sa mga sindikato at isa sa pumatay sa mama ni Sandro kasi nanlaban pala ito.

Sobrang dalawang taon na din yung huling usap namin ni Sandro. Mahirap kalimutan at kahit may gustong manligaw sakin hindi ko sila pinapayagn kasi hindi ko nakikita ang sarili ko mag ka jowa. Ayaw ko kasi gusto ko matapos ang pag-aaral ko bago ang bagay na yan. At parte din sa puso ko na hinahanap na tao. Ewan ko ba pero kahit sobra ng tagal may mga gabi pa rin na hinahanap ko.

Hindi na din Mayor ang ama niya at  wala na akong balita sa kanya at hindi na si mama nag tatarabaho sa munispyo simula ng nanagyari yun at nalaman ng karamihan na  ama ko ang gumawa non. Naalala ko pa yung dumalaw kami kay papa.

***
Isang linggo na ang nakalipas ng iniwan ako ni Sandro at ngayon ay pupuntahan namin ni mama at kuya si papa sa presinto.

"Kaya mo ba makita at makausap ang ama mo , Karlyle?" 

Tumango ako kay mama "Kakayanin ma." 

Tumango siya at pumasok kami sa loob. Tinawag si papa at tuluyan na namin siyang nakita.

Lumapit siya sa amin ng hawakan niya sana kamay ni mama ay sinampal ito ni mama at kita ang galit sa mukha niya.

" Wala kang hiya kasi hindi mo ako napatay si Mrs. Davis talaga ng tinuluyan mo." Walang imik si papa ng biglang natatanong si kuya.

"Totoo ba lahat ng sinabi ng pamilya ni Mayor?"

Tumango si papa at tumingin sa amin " Patawarin niyo ako, alam kong mali ako."

Umalis ako sa harap nila at lumabas. Hindi ko kayang marinig ang paliwanag ni papa. Nasa labas ako at nag-aantay kanila mama. Ilang minuto lang ay lumabas na sila.

"Anak, sabi ng papa mo sana patawarin mo siya." Sabi ni mama

"Hindi naman ganun kadali yun ma, iniwan ako ng lalaking mahal ko dahil sa kagagawan niya."

"Anak-"

"Ma, umuwi na tayo." Sabi ni kuya

****

Natapos ang buong klase namin sa araw na yun at alas sais na din ng gabi ng umuwi kami.  May condo si Charena  at doon kami tumutuloy magkakaibigan, kasi medyo malayo ito sa mismong lugar namin may dalawang oras na biyahe kaya mas pinili namin na mag stay dito at buti na lang pumayag si Charena sa place niya kami tumira.

Naghahnaap na kami ni JC noon ng  apartment pero si Charena ay nag offer na magsama na lang daw kami tatlo sa condo niya kasi wala naman siyang kasama doon. At dalawa ang room sa kanya ang isa at sa amin ni JC ang isa. Nag-aambagan kaming tatlo sa pagkain kasi nakakahiya naman kung pati pagkain  sa kanya pa. Full scholar naman ako sa school namin at ganun din silang dalawa despite na may kaya si Charena na paaralin siya ng mga magulang niya hindi niya ito inabuso talagang ginamit niya ang talino niya.

Kahit ang tagal na naming magkaibigan hindi pa namin nakikilala ang mga magulang ni Charena. At naiintindihan namin siya sa bagay na yun dahil baka may rason siya kung bakit ganun.

"Hay naku kapagod. Madami pa akong plates nagagawin." reklamo ni JC at umupo sa sofa.

"Okay lang yan, buti ng mapagod sa pag-aaral kaysa mapagod sa lalaking di ka mahal."

"Wow Charena ah. Sakit mo naman." Sabi ni JC

"Sige una na ako sa kuwarto pagkatpos is mag ayos na tayo ng  hapunan."

Tumango ang dalawa at pumunta na ako sa kuwarto. Ilang minuto ang nakalipas ay nag vibrate ang phone ko. 

"Hello!"

"Kang, si tita mo ito kamusta ka dyan?"

"Okay lang naman po tita. Kayo po dyan?"

"Okay naman gusto mo ba makauap ang mama mo?"

"Sige po."

Narinig ko ang boses ni Dorothy at Kevin na nag hi-hi sakin.

"Hello, anak! Kamusta ka dyan?"

"Hello, ma okay lang naman po."

"Mabuti naman. Oh siya baka may gagawin ka pa."

"Opo ma, kakadating lang namin sa condo at magluluto din kami pa ng hapunan."

"O sige na. bye anak. Mahal ka ni mama."

"Bye po, ma ingat kayo dyan."

Wala na akong narinig ng pinatay niya ang tawag ilang minuto nakalipas natapos na akong magbihis ay lumabas na ako.

"Ako naman magbibihis ah. Andoon pa si Charena sa kuwarto niya parang kausap yung loveydabs niya."

Tumawa ako sa sinabi ni JC. Alam namin na may nanliligaw kay Charena med ang course non gwapo ang lalaki pero lagi siyang sinusungitan ni Charena. At matalino din kagaya niya di nakakapagtaka.

Ilang minuto at sabay lumabas ang dalawa pagkatapos ay nagluto na kami ng hapunan. Matapos magluto ay nag handa na kami  para kumain. Ilang minuto lang yun at habang kumakain ay nag-uusap lang kami tungkol sa nagyayare sa school. 

At ilang minuto nakalipas ay natapos din. Si JC na ang nakatuka sa paghugas ng pinggan at nag half bath na din kami ni Charena para mag-aaral kasi may quiz ako bukas sa first subject namin  which is major din.  Kaunti na lang man matatapos na din ang sem at mag ti-third year na kaming tatlo.

Nasa labas kami ng sala  at nag-aaral ng biglang may kumatok. Nagkatinginan kaming magkakibigan dahil wala naman kaming inasahan na bisita.

Sino ang magbubukas ah?" Tanong ni JC

"Wag kaya nating buksan wala naman tayong inaasahan na bisita diba?' 

"Nag order ako ng food nakalimutan kong sabihin sa inyo." Sabi ni Charena at tumango kami ni JC.

Sinamahan ako ni JC sa pinto at buksan namin iyon ang taong gusto ko kamuhian at i-sumpa at ilang taon ng hindi nakita at biglang na lang magpapakita.

"Anak ng tipaklong" Sabi ni JC ng makita niya kung sino ang may dala ng pagkain.

"Kunin mo na mauna na ako sayo." Sabi ko at hindi siya pinansin.

"Salamat! Sandro, lumipat kana pala?"

"Nope. I just have a vacation."

Narinig ko lang ang pagsara ng pinto at umupo ako sa  pwesto ko kanina at biglang nagsalita si Charena.

"Kang, sorry hindi ko alam na kaibigan ni Dale si Sandro at siya nag ang pinahatid ng food. Ngayon lang din siya nag text." Sabi niya at pinakita niya ang text ni Dale at minura niya pa ito ng malaman na si Sandro ang maghatid ng pagakin.

"Okay lang wala naman akong pakialam sa kanya." Sabi ko at bumalik sa ginagawa.




Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon