Chapter 23

2 1 0
                                    

"Dale, una na kami at wag mona kaming ihatid puntahan mo na lng si Sandro. He needs you." Sabi ni Charena.

Umalis na ako at tumingin sila sakin.

"Nag-usap kayo? May sinabi na siya sayo?" Tanong ni Charena.

"Oo, pero walang naman siya sinabi. At umalis na ako ayaw ko siyang makausap." Sabi ko.

Tumango silang dalawa at tuluyan na kaming umuwi sa condo ni Charena. Humiga ako sa kama at hindi ko napansin nakatulog na pala ako.

Gabi na nung magising ako. Lumabas ako sa kuwarro at nanonood sila Charena at JC ng horror movie. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at tinignan ako din if may groceries pa kami.

Wala na kaming goceries kaya pumunta ako sa sala at inaya ang dalawa mag groceries kasi may malapit na supermarket dito sa condo ni Charena.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng bigla akong nagtanong kay Charena. "May problema kay Sandro?"

Mukha siyang nagulat at tinignan ako "Wala naman." Sabi niya at inaya si JC na may bibilhin sila. At nag volunter na din sila na ang mag groceries. At ako naiwan magisa.

Ang sama parang hindi kaibigan. Naglalakad ako hanggat nakadaan ako sa convenience store. Umupo ako doon at bumili ng ice cream. Ewan ko ba pero favorite ko ang ice cream dati pa. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng ice cream ng pumasok si Sandro. 

Meron siyang binili at hindi ko na yun pinansin akala ko aalis na siya pero tumambay pa ang gago at kaharap ko pa.

Imbes na manatili sa lugar tumayo ako at umalis. Naglalakad ako at umupo sa bench kung saan kaharap ng condo namin. Hanggang ngayon wala sila Charena. Nakaupo ako ng bigla siyang umupo sa upuan ko.

"Ano ba problema mo at sinusundan mo ako?"

Tumingin siya sakin at ngumiti. "Wala lang gusto lang kita makita."

"Akala ko pa naman aalis kana. Bakit hindi ka pa umaalis! Ayoko na makita ang pagmumukha mo."

"I don't care as long I can see you." Sabi niya at lumapit sakin "Ang ganda mo."

Sabi niya na parang bang magkabati kami at yung punyetang puso ko parang hinahabol sa sobrang bilis ng tibok nito. Pinakalma ko ang aking sarili at tinigan siya sa mata.

"Pwede ba, tigil-tigilan mo sa kakaganyan mo. Hinding hindi mo na ako makukuha sa pa ganyan mo."

"Lets see " Sabi niya at ngumiti.

Tumayo ako at aalis na sana pero muli siyang nagsalita. "Aalis kana naman? Iiwan mo na naman ako?"

Sabi niya na para bang ako ang ng iwan noon.

Tumingin ako sa kanya. "Kung yan lang ang paraan para hindi ko na maramdaman yung naramdaman ko dati sayo, gagawin ko ma protektahan lang sarili ko sa masakit at magulo mong mundo."

Tuluyan na akong tumalikod sa kanya at umalis doon. Dumating ako sa condo andoon na sila Charena. Hindi ko alam pero bigla akong nanghina at dinaluhan ako ng dalawa.

Hindi ko napansin lumuluha na ako at inaalo ako ni JC. Mahal ko siya pero kung ito lang ang dahilan para ma protektahan ko ang sarili ko sa sakit, gagawin ko wag lang maulit yun.

"Bibitawan ko na, ayaw ko na nito...Ang sakit akala okay na ako, pero mahal ko pa rin pala at.... nasasaktan ako."

Ilang araw ng huli kaming magkita ni Sandro. At nalaman ko din na umalis na siya at umuwi ng Manila. Sinabi iyon sa akin ni Charena kasi si Dale daw ang  naghatid. Hindi ko alam pero ang gulo ng nararamdaman ko. Gusto ko siyang kalimutan at putulin lahat ng meron kami pero  sa puso ko na hinahanap pa rin siya. At ng malaman kung umalis na siya ay nanlumo ako kaya kahit sarili ko kinastego ko kasi nakakainis ito yung gusto ko pero bakit ganun ang gulo.

"Kang, tapos kana?" Tanong ng nasa labas ng kuwarto. 

"Palabas na." Sabi ko dito. Si JC ang kumatok

Ngayong araw ay aalis kami pauwing probinsya . Ilang araw kami nag stay muna dito kasi tinapos lahat ng dapat tapusin sa school. Lumabas na ako at ngumiti sakin si JC.

"Sa wakas makakuwi na din tayo."

"Oo, miss ko na lugar natin" Payag pa ni Charena. "Ikaw kang excited ka ba?"

"Oo, naman. Miss ko na nga sila mama at mga kapatid ko."

"Kung ganun tara na. Nagpasundo na ako sa driver namin hindi ako pwede magmaneho kasi alam niyo na yun."

"Oo na sana all may doctor na nagbabawal." Sabi ni JC at tumatawa. Lumapit si Charena dito at binatukan siya

"Sira."

"Tara na tama na yan." Sabi ko at dinala na namin ang gamit sa baba at andoon na ang driver ni Charena.

Kinuha ng driver ang gamit at nilagay sa back compartment lahat kaming magkakaibigan ay umupo sa backseat.

"Okay na po ba lahat, ma'am?"

"Opo kuya okay na po lahat. Tara na po."

Tumango ang driver at sumandal ako sa upuan. Naalala ko yung gabi nagyaya si JC na uminom hindi namin alam ang dahilan pero gusto niya daw uminom kaya yun ang gabing nagalit si Dale kay Charena at naalala ko pa rin kung paano magalit si Dale sa pag-aalala sa girlfriend niya.

****

"Damn, woman papatayin mo ba ang mga kaibigan mo?" Hindi umimik si Charena sa kaharap niya.

"I'm sorry. I was too dunk."

"Yun na nga lasing ka pero pinilit mo pa rin magmaneho. Oh God!" Sabi ni Dale at napahilamos sa mukha.

Umiiyak na si Charena dahil sa takot na nangyari samin. Malapit niya kasing mabangga ang poste dahil sa kalasingan. At hindi naman madami ang nainom niya pero kasi hindi siya sanay kaya ganun ang nangyari. Tinawagan ko pa si Dale nasunduin kami at sabi niya mag antay kami pero mapilit si Charena kasi nag-away pala ang dalawa.

"Dale, wag ka na magalit hindi naman kasalanan ni Charena eh. Ako nagyaya ng inom."Sabi ni JC.

"I am not mad is just sana nakinig kayo kay Karlyle na antayin ako. Ang tigas talaga ng ulo niyo." Sabi nito.

Ilang minuto lang ay pinakalma niya ang sarili niya at lumapit kay Charena.

"Look, start from this day hindi kana magmamaneho."

"What? That's a big no.

"You'll follow my words or i-uuwi kita sa condo ko?"

Walang nagawa si Charena at tumango na lang ito kasi ayaw niya naman umuwi sa condo ng lalaki kasi since naging sila she never tend to stay at Dale's place baka daw may milagro na mangyari. Umalis na kaming dalawa ni JC kaya nag uusap sila. Sobra ang pag-aalala ni Dale na kulang na lang mawalaan ng bait dahil sa nangyari.

Mahal na mahal niya si Charena lalo na ng pag usisa niya kung may sugat ba ang kaibigan namin at pag-alo niya dito bago ito pinagsabihan.

He love Charena that I can't see  that no one can parted them. 

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon