Chapter 27

1 1 0
                                    

Ilang araw na nakalipas ng malaman ko ang tungkol kay mama. At matapos ang gabing yun ay umuwi din kami ng mga kaibigan ko kasama namin si Dale at Sandro.

Nagtaka sila Charena at JC bakit kami magkasama. At nagpaliwanag ako sa dalawa. At matapos sabihin sa kanila sinabi ko din ang kalagayan ni mama kaya umiyak silang dalawa at hindi ko na pigilan maging emosyonal dahil sa kanila. Parang magulang na din nila si mama kaya masakit sa kanilang dalawa ang nalaman.

Isang linggo na nakalipas ay nasa bahay lang ako ngayon kasama sila tita at si mama. Nakauwi na din dahil sa kagustuhan niyang umuwi kasi ayaw niya manatili sa hospital. At hindi ko alam kahit ayaw man namin ay matigas ang ulo ni mama at nasusunod ang gusto niya. At sa araw ng pag uwi niya sa bahay at yun din ang araw ng pagdating namin galing resort.  At ng dumating ako sa bahay hindi ko na pinapasok si Sandro at wala na kaming pinag-usapan matapos ang araw na yun.

Narinig ko din kay JC na umuwi na ito kasi may kailangan panggawin. Hindi na ito nagpaalam sakin kasi alam niya na ayaw ko siya kausap sadyang nagkataon lang ang pangyayari na yun.

Nasa kusina ako ng makita sila Dorothy at Kevin na may ginagawa. Lumapit ako sa dalawa at umupo sa tabi nila.

"Anong ginagawa niyo?"

"Wala ata nag a-advance lang ng lesson this coming school year" Si Dorothy.

Habang si Kevin ay hindi kumikibo talagang tutok ito sa ginagawa. Nagpaalam ako sa dalawa kasi pupuntahan ko si mama sa kuwarto. Hindi pa alam ng dalawa kong kapatid ang kalagayan ni mama.

Dumating ako sa kuwarto ni mama at nakahiga ito sa kama pero gising. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Ma, wala bang masakit sayo?"

"Wala naman. Okay lang naman si mama."

Sabi nito at humiwalay ako sa yakap at tinignan siya. Umupo din siya sa kama. 

"Ma, magpapaalam lang sana ako. May pupuntahan lang ako."

Tumango ito "Sige mag iingat ka ah andito naman ang tita mo. At okay lang naman ako."

Tumango ako dito at hinagkan siya. Tumayo na ako at nakita ko papaunta si tita dito nagkasalubong kami ni tita at nagpaalam din ako sa kanya.

Mukhang malusog si mama pero unti na pala siyang sinisira ng sakit niya. Nalaman namin na stage 3 na ang sakit niya at ngayon lang namin nalaman kasi matagal na ang bukol niya pero ngayon lang siya talaga na check kasi ayaw niya dati kahit anong pilit ni tita sa kanya.

Nasa labas  na ako ng bahay at sumakay ng trycicle kasi pupunta ako sa lumang bahay namin. Na miss ko din tumira doon. Ilang minuto lang ay nakadating na ako.

Ang gate namin ay sira na. Pumasok ako sa loob at madami ng damo sa paligid. Pag pasok ko sa loob ng bahay puno ng alikabok at spider web.

Pinagpagan ko ang upuan at umupo dito ng bigla kong masilayan ang cabinet na halos hindi nila pinapabuksan. Tumayo ako at lumapit dito. Ang mga gamit sa bahay andoon pa rin at walang nabawas, nakakamiss tumira dito kahit may mga hindi magandang memorya.

Binuksan ko ang cabinet at kinuha doon ang isang kahon. Hindi ito naka lock kaya nabuksan ko ito ng tuluyan.

Nakita ko ang litrato ni mama at papa kasama ang pamilya ni papa at mga kapatid nito. At mga iba pang litarato ng kabataan pa nila pero ang hindi ko inaasahan ay litrato na kasama si papa at mama pati isang babae na isang beses ko lang nakita. Ito ang ina ni Sandro.

Hinalungkat ko pa ang gamit ng may nakita akong sulat.

'Pakasalan mo ako, papanagutan ko ang anak natin' -Davis

Davis? Sinong Davis wala namang ibang Davis kundi si Mayor at pamilya niya. Meron pa ba? At bakit andito ito? Anong meron sila mama at ng dating mayor?

May nakita pa akong ibang litrato yun ay sanggol pa ako at mga kapatid ko. May nakita akong papel na mas lalo ko pang kinagulat.

Nakatala doon na hindi ako anak ni Greg Fuentes kundi isa akong anak ng Davis. Pero paano? Hindi ko maintindihan. Ampon ba ako?

Wala akong sinayang na oras at kinuha ang gamit at dala ito at umalis sa bahay papunta kanila tita. Dumating ako sa bahay nila tita at andoon si kuya bakas ang gulat sa mata niya sa dala kong kahon.

"Kang,bakit hawak mo yan?"Tanong nito.

"Kuya... may alam kaba?" Tanong ko dito habang tumutulo na ang luha ko. 

"Meron...pero mas makakabuti si mama ang magsabi sayo." Sabi niya

At magsasalita pa sana siya ng umalis ako at umakyat sa kuwarto ni mama at nadatnan ko sila ni tita na umiiyak si mama sa kanya. Tumingin sila sakin at gulat ay bakas sa mukha nilang dalawa.

"Ma, ampon ba? Sino ba talaga ako?"Tanong ko dito at umiiyak na.

Lumapit si tita "Kang, makinig ka sa mama mo. Ngayon may alam kana pakinggan mo ang paliwanag niya."

Pinaupo ako ni tita sa higaan ni mama at lumapit si mama sakin at niyakap ako. Umiiyak siya sabay ng pag iyak ko.

"Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sayo ang totoo. Dapat hindi mo naranasan ang paghihirap kung matapang lang akong ipaglaban ang ama mo." Sabi nito at umiiyak.

"Ma, sino ba talaga ako? Sino ang tunay kung magulang?

Humiwalay siya ng yakap at hinawakna ang mukha ko sabay punas ng luha. "Makinig ka ah."

Tumango ako at bumuntong hininga siya at tumingin kay tita nakita ko ang pagtango nito at umalis.

"Anak, si...Greg na tinuturing mong ama ay hindi mo tunay na ama....kasi.." Hindi ako umimik at inanatay ang sunod niyang sasabihin.

"Si....Marco Davis ang tunay mong ama."

"Po? Ang dating mayor ang ama ko? Ibig sabihin magkapatid... "

"Hindi..hindi kayo magkapatid ni Sandro...."

"Mas lalo pa akong naguluhan"

"Ang tunay na ama ni Sandro ay si Greg... at si Kuya mo Kristoff ang kapatid niya. Anak, naghiwalay kami ng tatay Greg mo noon ng limang taong gulang pa si Kuya mo Kristoff kasi ayaw sakin ng pamilya niya. At yun ang panahon na nagtatarabaho ako sa munisipyo at nakilala ko si Marco. Hindi ko alam pero may namagitan saming dalawa at ikaw ang bunga nun.

Tinignan ako si mama na may pagtatanong

"Wag kang magalit pero gusto akong pakasalan ng ama mo noon pero ayaw ko kasi ikakasal na siya sa totoong ina ni Sandro na kalaguyo ni Greg sa panahon na yun. Magkakaibigan kami ng ina ni Sandro at Ako."

"Si Greg at Anilysa ay naging magkalaguyo at nag bunga ito at yun si Sandro...Si Anilysa ang tunay na ina ni Sandro at ama niya si Greg... Pero si Anilysa ay tinakdang ipakasal kay Marco kaya ng inayos ang kasal nila dala na niya na sa sinapupunan si Sandro.

"Ibig sabihin si tatay ang totoong ama ni Sandro at paanong nagkabalikan kayo ni tatay?

"Nagkabalikan kami dahil kusa siyang bumalik at nalaman niya ang tungkol sa pagdadalang tao ko. Tinanggap ako ng tatay mo pero mas lalong nagalit ang lola mo kaya siya ganyan sakin. At mas lalong naging bisyoso ang iyong ama-amahan na si Greg."

"Si Dorothy at Kevin po ba kapatid ko? 

"Oo, kapatid mo sila sakin."

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon