Chapter 30

3 1 0
                                    

"Mama, kamusta po kayo, dyan?" Tanong ko kay mama habang kausap ko siya sa phone kasi namimiss ko na sila.

"Ito okay lang naman ako, Kang. At wag ka mag-alala kasi inalagaan naman ako ng kuya at tita mo at andito din naman ang mabbait at makukulit mong kapatid."

"Mabuti naman po, ma. Yung gamutan niyo po akmusta?" 

"Okay naman. Ikaw kamusta?"

"Okay lang po ma, medyo ito pagod pero kaya naman."

"Sige mapahinga ka muna dyan ah."

"Sige po ma, bye."

Na off na ang call at tinignana ko ang gawi ng sala at nakaupo ang daalwa sa floor at merong ginagawa kasi nasa kusina ako nagluluto ng hapunan namin. Tinignan ko ang niluto kung adobong manok at okay na ito naghain na ako ng pagkain namin at tinawag sila.

"Tara na kumain na tayo maya na yang ginagawa niyo."

Tumayo silang dalawa at dumiretso sa hapag

"Ang bango, Kang. At mukhang masarap, yum, yum, yum.." Sabi ni JC.

"Para kang bata." Sabi ko dito at umupo

Kumain kaming tatlo ng biglang may nag doorbell.

"May inaasahan ba kayong bisita?" Tanong ni Charena

"Wala." Sabay naming sabi ni JC

"Kung wala eh sino yun?" Sabi niya at tumayo siya sinundan namin

Pagdating namin ng sala at pagbukas ng pinto ni Charena at tunog ng sampal ang narinig namin.

"Wala kang kwenta isa kang kahihiyan sa pamilya namin Charena. Hindi kami nagkulang sayo"

Lumapit kami at nakita namin ang galit na mukha ni Mrs. Saavedra ito ang ina ni Charena. Hindi humihikbi si Charena or makitaan ng luha sa mukha kundi galit din ang nakita namin dito.

"Bakit? Ngareklamo ba ako na kayo ang magulang ko? Oo nabibigay niyo lahat sakin pero ma, tinanong niyo ba kung ang pagmamahal ay naibigay niyo bilang magulang ko, ah?" Tinignan ni Charena ang kanyang ina habang binibitawan ang katagang ito.

"Hiwalayan mo ang anak ng mga Lavigne kundi pati kaibigan mo ay maghihirap sa kahangalan mo, Charena!" Sabi nito sabay alis sa harap namin.

Biglang humagulgol si Charena at sinara ni JC ang pinto at inalalyan namin si Cha sa sofa. Umiiyak siya at sabay ring ng phone niya at ang caller ay si Dale.

"Hindi mo ba sasagutin?"

Umiling lang ito at umalis at dumiretso sa kuwarto niya. Bumuntong hininga kami n i JC.

"Nakatakot talaga magmahal ng patago minsan kung sino pa ang totoo mong minahal siya ang hindi pwede. Jusko po!" Sabi ni JC

Umiling ako dito at dumiretso sa hapag ay nilinis ang pinagkainan namin.  Tinulungan ako ni JC sa pag-aayos ng ilang minuto ay natapos na kami at paglabas namin sa kusina ay sabay na paglabas ni Charena sa kuwarto niya. She is wearing black hoodie at alam ko kay Dale iyon. 

"Saan ka pupunta?"

"I need to talk to him"

Hindi na namin siya napigilan kundi umalis na siya at wala kaming nagawa.

"Kaya ikaw Karlyle Fuentes ingatan mo puso mo nakakamatay daw kasi magmahal." Sabi ni JC at umalis sa tabi ko at dumiretso sa kuwarto namin.

*********
Its been two weeks ago sa nangyari ng gabing iyon at lagi namin hindi nakakasama si Charena. Hindi namin alam kung lumalayo siya at lagi din namin nakikita si Dale pumupunta sa campus para kausapin siya pero hindi niya ito pinapansin. 

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon