Chapter 11

5 1 0
                                    

Ilang araw nakalipas ay lagi ako sinusundo ni Sandro at hinahatid sa bahay iwan ko ba sa ugok na yun sinabihan ko naman na wag na kasi mukha binibigyan ng kahulugan ng iba ang pagiging close namin. At dahil doon muntik pa akong maaway sa mga babaeng umaaligig sa kanya dahil akala nila boyfriend ko daw si Sandro. Jusko! Ang bata-bata pa namin sa bagay na yan.

At kung magkakaroon man ng pagkakakataon hindi ko pa rin gusutuhin kasi parang may mali kung siya yung mamahalin eh madaming problema, magulo ang mundo niya at walang direksyon ang mundo ko. Hinding-hindi magtatagpo ang magkaibang mundo na iba ang layunin habang nabubuhay sa mundo.

Nasa plaza ako ngayon at nagpa-praktis ng sayaw para sa project namin sa P.E. Iwan ko ba at sino nagpa-uso nito. Nagpapahinga muna kami at mamaya ang tapos na ito. Ang mga kaklase ko ay nag-uusap tungkol sa mangyayare sa susunod na linggo para sa experimental defense namin na ginawa in which is na tsek na lahat ni sir at madami sa kanila ang nag-redo samin lang ang wala. 

"Ano kaya mangyayare sa defense natin. 7th grade pa lang tayo duguan na." Sabi ni Tasha.

"Oo, nga eh. Kinakabahan na ako eh. Ikaw ba Fuentes?" Maurice

"Ayy, yan pa tinanong mo. Syempre forte na nyan at kasama pa niya si Sandro." Tasha

Hindi na ko sumagot at umalis ako kina-upuan ko at bumili ng tubig sa malapit ng makita ko si Sandro kasama mga kaibigan niya. Naka jersey ito na itim at magulo ang buhok at basa ng pawis. Syempre kasi naglaro ata yan galing.

"Hey!" Sabi niya ng lumapit sakin at mga kasama niya ay nag-aasaran dahil sa paglapit niya.

"Hoy! Davis wag yan si Fuentes. Naku patay ka sa kuya niya."

"Oo, Sandro tigilan mo yan!

"Tss. Don't mind them."

Tumango ako at bumili ng tubig ng bigla na naman siyang nagsalita. " Can I go with you?"

"Oo, hindi ko naman pagmamy-ari ang daan at plaza."

"Tss. Pilosopo."

"Tss mo din mukha mo. Sungit."

Inuunahan niya akong maglakad kaya nasa likod niya ako. Ng ilang segundo ay nakadating na ako sa pwesto ko at tumabi siya sakin. "I'll watch your practice."

Halos mabilaukan ako sa pagtungga ng tubig dahil sa sinabi niya.

"Umuwi kana lang nanggugulo ka eh." Sabi ko.

"No. I'll watch you." Sabi niya

Hindi na ako nagsalita ng ilang segundo ay magsisimula kaming magpraktis. Nagpraktis at nagpraktis kami at hindi ko ininda ang tingin ni Sandro sa gawi ko mukha siyang tanga kung tumingin yung para ayaw niya mawala sa paningin kung ano ang tinitignan niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na kaming natapos. Ilang kaklase ko ang nagpaalam kay Sandro at nagppa-cute. At ng kaming dalawa na lang naiwan bigla ito lumapit habang nag-aayos ako ng gamit ko.

"You dance well."

"Dance well? Eh mukha nga akong toud doon."

"No. I'm telling the truth you literally dance well. I' m not even kidding."

"Tss. Paniwalaan mo opinion mo." Sabi ko sabay sakbit ng bag sa balikat.

"You hate compliments?' Tanong niya habang naglakad.

"Hindi."

"Then why so sudden being grumpy."

"Hindi  ah. I just want to rest. Kapagod magmukha tanga kanina."

Tumawa siya at hindi ko pinigilan. Sana mabilaukan ka ng sarili mong laway. Ilang taon ko na siya nakakasalamuha sa school, ngayon ko lang siya nakita na tumawa ng ganyan at lahat ng ginagawa niyang nakakatanga ay ngayon ko lang nakita. Kasi pag kasama niya ang mga kaibigan at sino pa ay masungit ang aura niya kahit mabait naman siya. Hindi mo makita yung totoong siya pero sa napapansin ko masyado siya malambot at totoo pagkasama ako.

Halfway (Journey Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon