Chapter 27 - Bigger Love
"Are you ok? Kanina ka pa walang kibo and you look bothered." nag-aalalang wika ni Renz saka tinabihan si Jiya. Kagagaling nya lang mula sa kwarto dahil pinatulog nya si Rhed. Sinalat nya ang noo ng asawa. "Wala ka namang sakit ah."
Ihinilig ni Jiya ang ulo sa balikat ni Renz. "I'm just tired babe."
Huminga ng malalim si Renz saka niyakap ang asawa. "Kawawa naman ang misis ko. Tara sa loob, umidlip ka na muna sa tabi ni Rhed at ng matanggal yang pagod mo."
"No." umiling si Jiya. "I don't want to sleep. I want to stay here with you." anito saka yumakap ng mahigpit kay Renz.
Natawa si Renz. "Babe, i'm not going anywhere."
Iniangat ni Jiya ang ulo para matitigan ang mukha ng asawa, tinanggal nya ang kanang kamay na nakayakap kanina kay Renz at idinampi yun sa pisngi ng asawa. "Babe, I'm so thankful for having you in my life. Sana wag kang magbago. Sana hindi ka mapagod at magsawang mahalin at alagaan kami ni Rhed. Please promise me you'll fight for us no matter what, just like what you did before." madamdaming wika ni Jiya with all the sincerities on her voice.
"Hahahaha. Ang drama mo babe. Seriously, what's with you today? May ipapabili ka ba?" napapailing na wika ni Renz. Nawiwirduhan sya sa asawa, yes, palagi itong naglalambing sa kanya and for the past years ay sobrang sweet talaga sila sa isa't-isa but Jiya is acting quite different today for unknown reason.
At taliwas sa reaksyon nito dati na pipingutin sya o kikilitiin kapag binabara nya ang kadramahan nito, this time ay biglang may namuong luha sa mga mata nito dahil sa hindi nya pagsakay sa kasentihan nito.
"Babe.." anya na pinahid ang gilid ng mga mata nito.
"Promise me please? Just promise me."
"Babe, I love you. I will always fight for you, I promise you that." Renz gave her a reassuring smile and kissed her on the forehead. "I love you. I love you more than you know. I love you and I will always love you." he said in between the kisses he made on Jiya's forehead.
"I love you too." sagot ni Jiya na muli ng yumakap ng mahigpit kay Renz.
"Yeah, I know babe. At bago mapuno ng langgam ang ating kabahayan ay magpahinga na tayo. Tabihan na natin si big boy at bigla na rin akong nakaramdam ng pagod." ani Renz.
"Ok." nakangiti ng wika ni Jiya.
Sabay na silang pumasok sa kwarto at sa halip na pagitnaan si Rhed ay hindi humiwalay si Jiya kay Renz kaya sya ang nasa gitna. "Whatever is bothering you babe, forget about it. Nandito lang ako kung kailangan mo ng karamay." wika ni Renz bago tuluyang ipinikit ang mga mata.
Samantalang si Jiya ay nanatiling gising dahil hindi mawala-wala sa isipan nya ang muling pagkikita nila ni Mharky. Sa parking lot kanina ay expressionless ito habang diretsong nakatingin sa kanila at kinabahan sya sa mga tinging yun. Iyon yung tinging akala mo ay wala lang pero parang may malalim na mensaheng gustong iparating.
Ewan! Paranoid na yata sya. Kung wala na talaga syang nararamdaman kay Mharky at si Renz na ang mahal nya dapat ay hindi sya maaapektuhan sa presensya ng ex nya! Ang taong iniwan sya pagkatapos makuha ang gusto. Hinawakan ni Jiya ang dibdib at naalala nya kung paanong bumilis ang tibok ng puso nya ng makita si Mharky ng dalawang beses kanina. No, wala yun Jiya at wala lang yun! You just feel surprise for seeing him again. pag-comfort nya sa sarili nya.
Tinitigan nya ang mukha ng natutulog nyang asawa. Hinigpitan nya ang pagkakayakap rito. No, hindi ako gagawa ng isang bagay na muling ikakasira ng relasyon natin. Pinilit nyang ipanatag ang loob nya bago tuluyang ipinikit ang mga mata.
__
Kinabukasan ay maagang nagising si Jiya para asikasuhin ang mga kailangan ng asawa bago ito pumasok sa opisina. Sya mismo ang nagpaplantsa at nagluluto para sa asawa dahil buong araw lang naman syang nasa bahay at alam nyang mapapagod sa buong maghapon ang asawa sa trabaho. Oo, plain housewife sya but it's her choice. Gusto nyang ibuhos ang buong atensyon sa asawa't anak. Paminsan-minsan ay pumapasok sya sa opisina nila kapag tambak ang inaasikaso ng asawa. Wala namang problema kay Renz kung ano ang maging desisyon nya. Very supportive ito at never nya itong narinig magreklamo. He is consistent on everything. Kahit isang araw lang ang day off nito from work ay sinisigurado nitong mailaan ang araw na yun for their family bonding. At sa kasalukuyang estado ng buhay ni Jiya, wala na rin syang mahihiling pa. Yes, there are hard times, a fight over small things but they always make sure to fix all the misunderstandings before they sleep at night.
Their relationship went smoothly for the past three years dahil naging honest at open sila sa isa't-isa. Naging motto na ng pagsasama nila ang 'tell me the truth, even if it hurts.' Kaya nakukonsensya si Jiya dahil hindi nya masabi kay Renz ang muli nilang pagkikita ni Mharky. Hindi nya alam, pero may kung anong pumipigil sa kanya na gawin iyon.
"Hey!" nagulat sya ng biglang lumapit sa si Renz at binunot mula sa pagkakasaksak ang plantsa.
Nanlaki ang mga mata ni Jiya ng makitang nasunog nya ang pinaplantsang polo ni Renz. "I--I'm sorry."
Lumapit sa kanya si Renz at niyakap sya. "It's ok, but next time kung pagod ka o inaantok ka, please gisingin mo na lang ako. I can manage to do all the chores." Nagsimula itong maglakad habang nakaakbay sa kanya at nagpatianod lang sya. "Magpahinga ka na. Ako na rin ang maghahatid kay Rhed sa school."
"Thanks babe, inaantok pa nga talaga siguro ako. I'm really sorry." muling hinging-paumanhin ni Jiya.
"I told you it's ok. Basta next time, if you're not feeling well, please tell me. Paboritong polo ko kaya ang nasunog mo."
Napaismid sya sa biro ng asawa.
He pinched her nose. "Hahaha. Wag kang pikon. Case closed. Now, sleep again."
__
"You're still mom's and dad's baby but you're already a big boy, so be good. Wag pasaway kay teacher. Lola Chanda will be the one to pick you up coz mommy can't." mahabang bilin ni Renz kay Rhed bago pinapasok ng class room ang bata.
"I'll be good dad. Promise." wika nito at pagkatapos ay humalik sa kanya, causing him to smile.
He's bothered simula pa kahapon sa ikinikilos ni Jiya. May iba eh, pero pilit nyang isinasawalang kibo yun dahil alam nyang eventually ay magsasabi rin ito sa kanya. But he still find her weird, dati naman ay hindi pinapatapos ni Jiya ang araw ng hindi nasasabi sa kanya ang kung anumang bumabagabag rito, kinakabahan tuloy sya. Wag naman sanang mangyari na lilipas ang mga susunod na araw ng ganun pa rin sya. Hiling nya sa isip nya. As much as possible ay ayaw nyang nakikitang nagkakaganun ang asawa. He loves her so much and 'whatever's' bothering her, he's so sure that his love is bigger than that 'whatever'.
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
RandomMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...