Chapter 12. 1 - No. I won't do that!
Dedicated to Bhea Gwapa XD kasi lagi syang naiiyak haha
Mga 10 minutes bago bumaba si Jiya ng sasakyan. Walang emosyon ang mukha pero bahagyang namula ang mga mata.
"What happened?" worried na tanong ni Renz.
Pinukol lang sya ni Jiya ng masakit na tingin saka ito tuloy-tuloy na pumasok sa gate ng bahay.
Binuksan na lang ni Renz ang gate at ipinark na sa loob ang sasakyan.
Hindi nya na naabutan sa sala si Jiya.
Samantalang si Jiya ng mga oras na yun ay umiiyak sa loob ng kwarto. Ibinato nya ang cellphone nya ng ubod ng lakas.
"Babe! Open the door!" sigaw ni Renz habang kumakatok. Nag-alala sya nung marinig ang kalabog from the room.
"Just leave me alone! Ok idiot?" sigaw ni Jiya from inside.
Hindi alam ni Renz ang reason ng pagpifreak out ni Jiya pero naisip nya, it has something to do with Mharky.
Nanatili syang nakatayo sa pinto habang naririnig ang paghikbi ni Jiya. He wanted to comfort her kahit hindi nya alam ang iniiyakan nito.
Andaming naglalaro sa utak nya. Sinabi na ba nito kay Mharky ang totoo at nagalit ito kay Jiya? O may iba rin si Mharky at pormal na itong nakipaghiwalay kay Jiya?
Mas gustong paniwalaan ni Renz ang huling naisip.
Wrong. Mas gusto nyang yun nga ang nangyari. If that's the case, Jiya will be save from guilt! And at the same time, it will be easier for Jiya to forget the bastard and pwede na syang mahalin nito.
Nagdiriwang ang puso nya sa naisip. Pero kinutusan ang sarili sa pag-aassume. Aasa na naman ba sya? Paano kung hindi ganun ang nangyari?
Naghintay sya ng 1 hour bago nagdesisyong buksan ang pinto sa kwarto na pinagkulungan ni Jiya ng sarili. Nasa kanya din naman lahat ng susi eh.
Bahagya syang kinabahan sa napagbuksan. Nakadapa si Jiya sa kama. Agad nya itong nilapitan. Nakahinga sya ng maluwag after finding out na natutulog lang ito.
Nagkalat ang mga unan at ibang gamit sa loob ng kwarto. Inayos nya ang pagkakahiga ni Jiya at niligpit ang mga kalat. Nakita nya yung cellphone ni Jiya na nagkahiwa-hiwalay. Pinulot yun ni Renz at inayos. Nag power pa naman kaya mukhang di napuruhan.
Naipatong nya na iyon sa side table ng may maisip.
Nag-aalangan syang hinawakan ulit ang phone.
He scrolled the number list. Then, after a while of staring in one particular number, he dialled it.
__
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
RandomMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...